Prologue

4.5K 102 6
                                    

Ex with benefits? Yun ba yung mag ex na kayo tapos may pakinabang parin kayo sa isa't isa? Yung tapos na love story niyo, natuldukan na pero may pahabol pa? Yung wala nang kayo pero parang meron parin?

Hanggang ngayon. Hanggang ngayon pinanghahawakan ko yung mga salitang naipangako mo, mga matatamis na salitang binitiwan mo, mga salitang tumatak sa puso't isip ko, lahat ng bagay na may kinalaman sayo tandang tanda ko pa.

Umaasa ako, Oo. Hanggang ngayon umaasa padin ako na magkakabalikan tayong muli, na makakasama na kita sa pag kakataong ito, na wala ng hahadlang saating dalawa, na magiging masaya na tayo, na matatanggap na ng pamilya natin yung relasyong nais natin. Umaasa pa rin ako na IKAW at AKO hanggang dulo..

Ganito na nga lang ba tayo? Hanggang dito na lang ba? Sa ganito na nga lang ba tayo matatapos? Na sa sandaling panahon na nasabi kong naging akin ka pero hindi kita nakasama, na hindi ko na mararanasang makausap ka ng personal, mayakap ka at masabi sayong mahal na mahal kita..

Mahal ko, naalala mo pa yung mga pangako ko sayo? Natatandaan mo pa ang lahat ng mga iyon? Tandaan mo na lahat ng iyon ay tutuparin ko, hindi man maging ikaw at ako pagdating ng dulo, tutuparin ko parin lahat ng naipangako ko sayo. Maging hadlang man ang lahat sating dalawa, hindi ako papayag na hindi ikaw ang aking makakasama sa pagtanda, kamatayan lang ang maaring humadlang saakin.

Ikaw lang ang aking iibigin, ang huling kong iibigin. Mahal ko, sisigururaduhin ko na kaya tayo humantong dito dahil isa lamang ito sa mga pagsubok, pagsubok na sabay nating malalampasan. Aasa parin ako na hindi lang tayo hanggang dito..

Don't forget to tap the button.
Votes and Comments are highly appreciated

Prologue
Ex with Benifits
Jinrixoxo

Ex With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon