Chapter 4

234 10 0
                                    

Merry Christmas everyone!😚❤️

Xyrhin's POV:

Napasigaw lang naman ako! Gulat ka din noh? Sorry naman, allergic ako sa flash e HAHAHA, ayoko kasi ng masyadong maliwanag, masakit sa mata.

Kinuhaan lang naman kami ng litrato ng aming magandang mommy! At yung bagong labas sa mall na camera na kabibili niya lang ang ginamit niya na grabe sa lakas ng flash!

"Ang sweet sweet naman ng mga anak ko, can I join your group hug?" Lapit samin ni mommy, hindi na kami sumagot sa kanya at sinugod agad namin siya ng yakap, isang mahigpit na yakap

"Bakit hindi ako kasama?" Biglang sulpot ni daddy

"Join us here honey"

"Mahal na mahal namin kayo ng mommy niyo" sabi ni daddy na mas hinigpitan pa yung yakap

"We love you too mom and dad" sagot naming tatlo at—

"Agaaaain!?" Sigaw ko ng pumikit pikit pa ng may biglang nag picture samin, paano ko nalaman? Tumunog na naman yung flash at sobrang lakas talaga nung ilaw! Nakaka silaw

"Hihihi, sorry princess, I told yaya kasi to take us picture  everytime we're having a moments like this" kinikilig na sabi ni mommy

"It's okay mommy, just please lessen the flash" Niyakap ko si mommy

"Kumain na muna tayo, we have a mass to attend" Paalala samin ni daddy

"Okay" masaya naming sagot kay daddy at bumaba na at tumungo sa dining area

"Okay, Let's pray. Dear God, thank you for this breakfast, bless our food and family. Salamat po dahil may ganito akong pamilya, gabayan niyo po kami sa araw araw. Maraming salamat po sa lahat, lalong lalo na sa pag kain po na ito, Amen" pag katapos ni mommy i-lead yung prayer ay kumain na kami.

Pagkatapos naming kumain ay naligo ulit ako dahil nga mag sisimba kami ngayon.

Nasa walk in closet ako ngayon at namimili ng pwede kong maisuot. At napag desisyunan ko na mag dress nalang. Simpleng sunday dress lang naman yun, light violet ang color nito at sympre may manggas yun. Below the knee ang haba nung dress ko, sympre diba? Mag sisimba nga kami alangang naman maikili isuot ko? Hehe. Nag doll shoes nalang ako para kumportable ako.

Nag blower lang ako ng buhok at hinayaang nakalugay yung wavy ko na buhok na umaabot hanggang bewang. Mamaya ko nalang ipo-pony tail kapag nainitan na ako.

Pag labas ko ng kwarto ko ay dumiretso na ako sa baba ng bahay at nakita ko sila sa may sala na ready-ng ready na.

Dumiretso na kami sa pintuan ng bahay at nandun na yung family driver namin na mag da-drive ng van na gagamitin namin. Wala kasi si Mang Kaloy ngayon. Nag pa-check up siya kasi may times na sumasakit ang dibdib niya at nahihirapan huminga, then sometimes his urine had a blood, based on what manang Eka told us.

Every sunday kasi ay dapat sama-sama kaming lahat, although may sari-sarili naman kaming sasakyan hindi pwedeng gamitin lahat ng iyon maliban sa van namin dahil nga dapat sama sama kami.

Yung sasakyan ko ay bawal ko pa gamitin dahil under age pa ako, si kuya Yohanne at kuya Zheke ay may tig isang Ferrari na regalo sa kanila ni daddy nung nag 18th birthday sila, 4 years lang ang tanda nila sakin pero parang mag kakaedad lang kami kung mag usap. Si mommy naman ay may sarili ding sasakyan, pareho sila ni daddy. Lamborghini ang kina mommy at daddy, yung color black na may mixture ng red ang kay mommy, ang kay daddy naman ay yung pure black. Yung Ferrari naman na black ay yung kay kuya Yohanne at yung white ay yung kay kuya Zheke. Ferrari din ang akin pero lavender ang kulay na nagfe-fade na nagiging black. Bakit ba? E sa yun ang favorite ko e!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ex With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon