PAGSASALAYSAY SA NAKARAAN . . .
__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __
Nag iisa noon si Krismae sa kanyang pinapasukang paaralan.
Kinakailangan nya kasing tapusin ang report na ibabahagi nya sa klase bukas.
Naiwan syang nag iisa sa library.
Halos 8pm na ay hindi pa niya natatapos ang kanyang report.
Naghahanap sya ng libro sa library na iyon.
Maya-maya ay bumungad sa kanyang harapan ang limang mga lalake.
Masasabing mga ka-schoolmates nya ang mga ito.
Matatanda sa kanya ng dalawa hanggang tatlong taon.
Marc : Hi, Krismae !
Nagulat si Krismae at nahulog nya ang kanyang mga dalang libro.
Nagtaka din sya kung bakit nasa eskwelahan pa ang mga ito gayong nakauwi na ang mga mag aaral kanina pa, maliban sa kanya.
Krismae : A-anong ginagawa nyo dito ? Pagkakaalam ko, ako lang ang tao dito sa school.
Alden : Ang totoo nyan Krismae, ikaw talaga ang pakay namin.
Krismae : A-ako ?
Nagtaka bigla si Krismae.
Nanlamig ang buong katawan nito.
Bakit kaya sya ang pakay ng mga ito ?
Sa eskwelahan kasi na pinapasukan ni Krismae,
sya ay habulin ng mga lalake.
In short, maraming nagkakagusto sa kanya.
Halos lahat ng mga lalake sa paligid nya ay nabibighani sa kanya.
Kulang na lang ay mabaliw ang mga ito sa kakahabol sa kanya.
Kakaiba kasi ang kagandahan niya, ang kagandahan nilang magkakapatid.
Hindi mo maipaliwanag, basta MAGANDA !
Pero, hindi nya pinapansin ang mga iyon.
Kaibigan lamang ang pagkakaturing nya sa mga ito at wala pa syang oras para sa pagmamahal na iyon.
Alden : Oo, ikaw. Ayaw mo ba ? Ano ka ba naman Krismae. Ang tagal-tagal ko ng nanliligaw sayo, hindi mo pa rin ako sinasagot.
Krismae : Sinabi ko bang manligaw ka ? Diba ayoko muna. Wala pa akong panahon para dyan. Ok ?
Pinulot na ni Krismae ang mga gamit nya at aalis na dapat siya ngunit, hinawakan ni Alden ang braso niya.
Mahigpit ang pagkakahawak dito.
Tila ayaw pakawalan si Krismae.
Nasasaktan na ito sa pagkakahawak sa kanya.
Krismae : Aray ! Ano bang ginagawa mo ? Bitawan mo nga ako.
Alden : Akin ka lang, Krismae ! Akin ka lang ! Naiintindihan mo ?!
Krismae : Nasasaktan ako Alden ! Bitawan mo ako ! Arayyy !!
Sa sobrang sakit, sinampal bigla ni Krismae si Alden sa muka nito ng malakas.
Krismae : Kapag sinabi kong ayoko, AYOKO . Yun lang, umuwi na kayo.
Tumalikod na si Krismae.
Hindi na napigilan ni Alden ang galit nito at agad na hinatak si Krismae at itinulak sa isang sulok.
