Habang kumakain . . .
Kristine : Krismae, bakit hindi ka kumakain ?
Krismae : Wala po akong gana, Ate. Matutulog lang muna ako. Pasensya na.
Tumayo si Krismae sa kinauupuan nya at nagtungo sa kanyang silid.
Kriselle : Anong nangyari sa kanya ?
Kristine : Hindi ko alam. Sandali, susundan ko lang at kakausapin ko.
Sinundan ni Kristine ang bunsong kapatid.
Pagpasok nya sa silid ni Krismae.
Madilim sa buong paligid, nakapatay ang ilaw, tahimik,
kahit kaluskos ng mga daga sa dingding ay wala kang maririnig.
Nakaramdam si Kristine ng takot.
Tumaas ang mga balahibo nito.
Pakiramdam nya ay may kakaiba sa silid na iyon.
Kristine : Krismae ?
Walang sumagot.
Kristine : Krismae ? Natutulog ka na ba ?
Wala pa ring sumasagot.
Kinakabahan na si Kristine.
Kristine : Hindi ako nkikipagbiruan Krismae. Nasan ka ?
Tahimik pa rin at walang sumasagot.
Kristine : Krismae, ano ba ?! KRiSMAE !!
Idinabog bigla ni Kristine ang pintuan.
Maya-maya ay biglang pumutok ang ilaw.
Nagulat at bigla na lamang sya napasigaw.
Agad syang nakarinig ng isang pag-iyak.
Naramdaman din nya na parang may yumayakap sa kanya..
Nainitan ang katawan nya nang makaramdam ng yakap.
Alam nyang si Krismae iyon.
Krismae : A-Ate .. SORRY . . . i love you .
Hinarap ni Kristine ang kapatid.
Niyakap nya ito ng matagal.
Pagkatapos ay humalik ito sa pisngi ni Krismae.
Kristine : I love you too .. Wag ka ng umiyak. Nandito lang ako, ok ?
Bakit nga ba umiiyak si Krismae ?
