Pagkalipas ng mahigit isang buwan ay nakatanggap ng tawag si Kriselle, ngunit hindi kilalang number ang nakita nya sa kanyang cellphone.
Kriselle : Sino naman kaya to ?
Sinagot din naman nya ang telepono.
Kriselle : Hello ?
Voice : Kriselle, anak .. Mama ito ni Airand.
Kriselle : Kayo po pala tita. Bakit kayo napatawag ?
Voice : Iha .. Anak .. Pasensya na sa ibabalita ko, pero .. pero .. Wala na sya, Kriselle .. Wala na ang anak ko .. ! PATAY na sya !
Lutang ang kaluluwa ni Kriselle nang marinig ang balitang iyon. Tumaas ang kanyang mga balahibo sa narinig. Hindi sya naniniwala sa sinasabi ng mama ni Airand sa telepono.
Ang mga kapatid ni Kriselle ay kasama lang nya at nakikinig sa kanya.
Kriselle : Ano bang sinasabi nyo tita ? A-anong patay na si Airand ?! Hindi ako naniniwala sayo ! Wag naman po kayong ganyan ! Wag nyo po akong biruin ! Hindi nakakatawa !!
Voice : Pumunta ka dito samin .. Nakaburol na ang anak ko. Alam kong ikaw na lang ang hinihintay nya.
Binaba na ng mama ni Airand ang telepono. Si Kriselle naman ay hindi makapaniwala. Nang maputol na ang kanilang pag uusap, natulala lamang si Kriselle, naging balisa at parang wala sa sarili. Nagsimula ng tumulo ang mga luha nito.
Agad din silang nagtungo sa bahay nila Airand.
___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
Alice : Kriselle, anak .. Buti nakapunta ka.
Kriselle : T-totoo ba talaga, tita ?
Alice : Ayun sya. ( itinuro ang lugar kung saan nakaburol si Airand )
Agaran namang lumapit si Kriselle dito at nang makita nya ang katawan ni Airand, laking gulat ito sa nakita. Napasigaw ito at napaiyak na lang ng sobrang lakas.
Kriselle : AiRANNDDDD !!!!!!!!!!! Airand, BAKiT ???!!!!! Hindi to maaari !! Hindi to maaari !! Hindi ka pwedeng mamatay, Airand !! HiNDi !!!!!!!!!!!!!!
Lumapit ang dalawang kapatid ni Kriselle papunta sa burol ni Airand. Natakot din ang dalawa nang makita ang katawan ni Airand. Napatakip na lang ang kamay ni Kristine sa bibig nito. Takot na takot namang nagtago si Krismae sa likuran ng ate Kristine nya.
Niyakap ni Kristine ang bunsong kapatid.
Kristine : Wag kang matakot. Nandito lang ako. Di kita iiwan.
___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
Alice : Isang gabi, noong nakaraang buwan, nagkausap pa kami ni Airand sa telepono. Ang sabi nya ay dadaan muna daw sya sa opisina para may kuhanin. Nanggaling sila sa inyo non diba, Kriselle ? Nasa kotse na sya noong nakausap ko sya. Tumagal ang mga oras, hindi pa umuuwi ang anak ko. Nag-aalala nako noon. Ala-una na ng madaling-araw ay wala pa sya. Naghintay ako hanggang alas-dos, alas-tres, alas-kwatro pero WALA .. di pa sya umuuwi ! Doon na ako nagsimulang mangamba. Hindi ako mapakali non. Alalang-alala nako kaya sinimulan ko ng tumawag sa mga pulis. Ala naman akong ibang malalapitan, wala na ang papa ni Airand. Nung kinabukasan, pinaghahanap na nila ang anak ko. Nagpunta sila sa opisina ng anak ko, pero wala sya doon. Nagtaka ako bigla dahil ang paalam ng anak ko, dun lang sya pupunta at may kukunin lang. Nararamdaman ko na non na may nangyari ng masama sa anak ko. Lumipas ang maraming araw, hindi pa rin nahahanap si Airand. Hanggang sa natapos ang isang buwan, isang balita ang natanggap ko sa mga pulis. Isang lalake ang natagpuang patay sa isang lumang gusali. Natagpuan itong hiwa-hiwa ang katawan, basag ang bungo, at puro tadtad ng saksak sa bawat parte ng katawan. Hanggang sa nadiskubre na sya nga ang nawawala kong anak. Siya nga si Airand ! Nang makita ko sya, halos mamatay na rin ako ! Hindi ako makapaniwala sa bawat pangyyayari na yon ! Sino ang gagawa sa kanya non ? Wala naman akong alam na kaaway nya. Hindi ko talaga matanggap !! Hindi ko yon matanggap !!! AiRAND !! anak ko !!!!!
Gulat na gulat ang magkakapatid sa narinig mula sa nanay ni Airand.
Halata naman sa muka ni Kriselle ang labis na pagkagulat at labis na rin pagkalungkot sa mga narinig.
Kriselle : AiRAND . . . . . . . . . . .