CHAPTER 4 - panauhin

31 0 0
                                        

BLAG ! BLAG ! BLAG !

( Kumakatok si Kriselle sa silid ni Krismae, kung saan naroon din si Kristine. )

Pagkabukas ng pinto . . . . 

Kriselle : Ate, nandito na yung boyfriend ko. Gusto nya kayong makilala ni Krismae. Nandun sya sa baba, sa sala. Teka . . . . Krismae, umiyak ka ba ? Bakit parang mugto ang mata mo ?

Kristine : Wala 'yon. Napuwing lang si Krismae, hinipan ko lang yung mata nya. Tara na sa baba ? Pakilala mo na yung boyfriend mo.

Pagkababa ng hagdan . . . . 

Kriselle : Airand, sila ang mga kapatid ko. This is Kristine, ang ate ko and ito naman si Krismae, ang bunso saming magkakapatid.

Airand : You're right, babe. Magkakamuka nga kayo. Pare-pareho kayong magaganda.

Nagtago si Krismae sa likuran ng kanyang ate Kristine dahil kanina pa nya napapansin ang pagtitig ng lalake sa kanilang dalawa ng ate nya. Napansin din iyon ni Kristine. Hinawakan ni Kristine ang kamay ni Krismae. Di nya ito binibitawan.

Kriselle : Babe, dito ka na ba mag di-dinner ?

Airand : Hmm sige, mamayang 7pm, babalik ako dito. Okay, babe ?

Kriselle : Sige, babe. Take care for me, ha ?

Airand : Sure.

Humalik na si Airand sa labi ni Kriselle at tsaka umalis na.

Nang makaalis na si Airand, palihim namang sumama ang loob ni Krisitine dahil sa kakaibang tingin ni Airand sa kanila ni Krismae.

Di na nya ito pinaalam pa kay Kriselle. Nagkunwari na lamang itong masaya para sa dalawa.

Kriselle : Ate, bat tahimik ka ?

Kristine : H-Ha ? Wala. Nahihilo lang ako.

Kriselle : Ganun ba, ate. O sige, pahinga ka muna sa kwarto. Gisingin na lang kita pag nandito na si Airand.

Kristine : Sige, salamat.

Sumunod si Krismae sa ate nya.

Three OffspringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon