Pagsapit ng alas siete ng gabi, dumating na si Airand sa tahanan ng tatlong magkakapatid, dahil sa ipinangakong doon maghahapunan.
Kriselle : Oh, babe. You're here. Tara, pasok ka. Hindi pa ako tapos magluto eh. Napaaga naman masyado ang dating mo.
Airand : Namiss kasi kita babe, eh. Nasaan pala ang mga kapatid mo ?
Kriselle : Si ate Kristine natutulog lang. Maya-maya gigisingin ko din. Nahihilo daw kasi sya eh. Si Krismae naman kasama din nyang matulog.
Airand : Ah ganun ba.
Kriselle : Teka .. bakit parang hinahanap mo sila ?
Airand : H-ha ? Wala. Napansin ko lang kasi hindi mo kasama.
Kriselle : Talaga ?
Mukang hindi naniniwala si Kriselle sa sinasabi ng kasintahan. Si Airand naman ay hindi maipinta ang muka.
Kriselle : Tara, maupo ka muna habang niluluto ko ang makakain natin.
Airand : Sige, salamat.
Habang nagluluto ng makakain si Kriselle, walang paalam naman na nagtungo si Airand sa silid ni Kristine kung saan naroon din si Krismae.
Nagising sa pagkakatulog ang magkapatid.
Kristine : Bastos ka ba ? Sinong nagsabi na pwede kang pumasok sa kwarto ko ? Hindi mo ba alam na natutulog kami ?
Ni-lock ni Airand ang pinto.
Agad-agad syang lumapit kay Kristine at tinakpan ang bibig nito. Tumakbo si Krismae papunta sa likod ng lamesa at nagtago na parang takot na takot.
Krismae : ATE ..
Airand : Sshhh .. wag kayong maingay.
Kristine : Ano bang ginagawa mo, Airand ? Bitawan mo nga ako.
Airand : Wag kayong maingay !
Maya-maya ay may kumatok.
BLAG ! BLAG ! BLAG !
Kriselle : Ate, luto na ang mga pagkain. Tara na, Sino ba ang nandyan ?
Pagkabukas ng pinto . . .
Kriselle : A-Airand .. ? A-anong ginagawa mo dyan ? Ang akala ko ... nasa sala ka lang ...
Airand : A-ano .. Ang totoo nyan ... susunduin ko lang talaga sila para kumain. Saktong bubuksan ko dapat itong pintuan, kaso nauna na silang magbukas at nakita nila akong nandito kaya pinapasok na nila ko.
Kriselle : G-ganun ba .. Tara na sa baba ? Kakain na.
Habang kumakain ang lahat, napansin ni Kriselle na kanina pa walang kibo ang mga kapatid nya pati si Airand.
Kriselle : Ang tahimik nyo. May nangyari ba ?
Kristine : Wala.
__ __ __ __ __ __ __
12 midnight ..
Airand : Alas dose na pla. Mukang napatagal ako dito sa inyo, babe.
Kriselle : Ayos lang babe. Kahit kailan mo gustuhin, welcome ka.
Airand : Salamat. Sige, mauna na ko. Dadaan pa ako sa office eh. May kukunin lang ako.
Kriselle : Ganun ba, babe. Sige, mag iingat ka. Baka kung mapano ka, di ka na makauwi ng buhay sa inyo.
Airand : H-ha ?
Kriselle : Ang sabi ko, mag-iingat ka babe. Mahal na mahal kita.
Airand : S-sige.
At umalis na si Airand.
__ __ __ __ __ __ __
Kristine : Umalis na sya ? Bakit hindi mo pa dito pinatulog ?
Kriselle : Ano ?
Kristine : Ayaw mo ba non ? Maglampungan kayong dalawa dun sa kwarto mo.
Agad na sinampal ni Kriselle ang ate nya. Nagulat si Krismae sa ginawa ng kapatid. Nagsimula na itong umiyak.
Kriselle : Tingin mo ba sakin malandi ?
Kristine : Hindi pa ba halata ?
Sinampal muli ni Kriselle si Kristine.
Kristine : Sumusobra ka na sa sampal ha !!
Krismae : ATE !!
Susugurin na dapat ni Kristine si Kriselle dahil sa pananampal nito sa kanya ngunit umawat si Krismae.
Yumakap ng mahigpit si Krismae sa ate niya.
Krismae : Tama na, ate .. Tama na ..
Nagtaka si Kriselle kung bakit ganun na lang kung kumilos si Krismae kay Kristine. Nagtaka pa ito nang yakapin ni Krismae ang ate nila.
Kriselle : Krismae .. A-ano yan, ha ?! Bakit ganyan ka kung makayakap kay ate ? Parang ayaw mong kumawala sa kanya .. ?!
Hindi nakapagsalita si Krismae. Sa palagay nito ay hinuhuli lamang sya ni Kriselle dahil sa mga kinikilos nito noong una pa lang.
Kristine : Wala .. Matutulog na kami. Ayokong makipagtalo sayo.
