CHAPTER 9 - away sa katotohanan

27 0 0
                                        

Matapos ang pangyayari kay Airand . . . . . . . . . . . .

Di pa rin malilimutan ang mga bagay na iyon.

Sino nga ba ang pumatay kay Airand ?

___ ___ ___ ___ ___ ___ ___

Isang umaga, naglilinis ng buong bahay si Kristine. Pumasok sya sa silid ni Kriselle para maglinis. Nataon naman na nasa sala lamang si Kriselle at natutulog. Sumunod si Krismae sa ate Kristine nya para panuorin itong naglilinis.

Kristine : Oh, Krismae. Andyan ka pala. Pinapanuod mo na naman akong maglinis.

Krismae : Ate, tulungan na kita.

Kristine : Wag na, Krismae. Ayos lang.

Habang nagwawalis si Kristine, nagwalis din sya sa ilalim ng kama. Hindi sinasadyang may nawalis syang kakaiba sa ilalim nito. Nagkalat ang mga ito. Para bang mamula-mula itong tubig at  sobra sa pagakalapot. Mga DUGO .. !

Akala nya kung anong bagay iyon, pero nang amuyin nya ito ay napakalansa.

Kristine : DU .. DU .. DUGO !!

Nilapitan sya ni Krismae.

Krismae : A .. Ate ..! Bakit may dugo dyan ?! K .. Kanino yan ?!

Kristine : H .. hindi ko alam .. !

Tumingin si Kristine sa ilalim ng kama. May nakita syang isang kalakihang kahon at alam nyang doon nanggagaling ang dugo na nakita nya kaya kinuha nya agad ito.

 Nang makita nya ang nilalaman ng kahon na iyon, kinilabutan sya at gulat na gulat sa nakita. Maging ang kapatid nyang si Krismae ay natakot nang makita iyon. Napayakap sya kay Kristine.

Kristine : A .. Ano to ?!

Nakita nya sa loob ng kahon ay isang martilyo at isang matalim na kutsilyo na punung-puno ng dugo. Nalaman nyang tumagos sa kahon na iyon ang mga dugo na nanggaling sa martilyo at kutsilyo. At ang ikinagulat pa nya sa kanyang nakita, ay ang mga litrato ni Airand na may mga markang ekis sa muka nito. Nakita din nya na naroon din sya sa litrato kasama ni Airand. Gulat na gulat ito nang makita ang mga bagay na iyon. Siya at si Airand ay magkasama sa litrato.

Ang totoo, matagal na pala silang magkakilala ni Airand.

ang tanong nya sa sarili nya :

Kristine : Paano ako nagkaroon ng picture na kasama si Airand kay Kriselle ?! B .. Bakit puro .... DUGO ?!!

Maya-maya ay bigla na lamang pumasok si Kriselle sa silid nito. Mabilis na napatayo si Kristine at Krismae. Napatingin si Kriselle sa sahig at nakita nya ang kahon na nakalabas. Alam nyang alam na ng mga kapatid nya ang totoo.

Galit na galit si Kriselle.

Kriselle : Sino nagsabing linisin mo ang kwarto ko ?!

Krismae : I .. Ikaw ! P .. Pinatay mo si Airand !! Pinatay mo yung boyfriend mo !!

Kriselle : Tumahimik ka !

Nagulat si Krismae sa pagkakasigaw ni Kriselle sa kanya kaya nagtago ito sa likod ni Kristine. Agad  naman na sinampal ni Kristine ng malakas si Kriselle sa muka nito.

Kristine : Ikaw ang tumahimik ! Huwag mong masigaw-sigawan si Krismae ! Mamamatay-tao ka, Kriselle !! Mamamatay-tao ang kapatid ko !! BAKiT ??!!!

Idinabog ni Kriselle ang pinto pasara at tska nakipag away kay Kristine. Sinampal nya din ito ng pagkalakas-lakas. Halos matumba si Kristine.

Kriselle : OO ! Pinatay ko nga si Airand !! Ako nga ang pumatay sa kanya ! Alam mo kung bakit ?! Dahil napakalandi mo !! Inakit mo sya para lang mapunta sayo !! Ang kapal ng muka mo !

Agad ding tinulak ng malakas ni Kriselle si Kristine hanggang sa mapahiga sila sa sahig. Doon sila nagkasabunutan, nagkasakitan, at nagkasampalan. Si Krismae naman ay panay iyak lang sa mga nangyayari. Hindi nya maawat ang dalawa.

Kristine : PUTANG iNA ka pala eh ! Ano bang sinasabi mo ?! Hindi ako malandi gaya ng sinasabi mo ! Ikaw tong makati ang ari kaya nagpakasasa ka sa syota mo !! GAGO !

Kriselle : PUNYETA ka !! Ginagalit mo talaga ako ! Gusto mong isunod kita kay Airand ?!

Kristine : Sige lang subukan mo ! Ako pa ang tinakot mo ! Bakit ?! Hindi ba totoo ang mga sinabi ko ?!

Tumayo kaagad si Kriselle para kunin ang kutsilyo pero bigla siyang tinisod ni Kristine. Yumakap ito sa paa ni Kriselle para hindi makatayo.

Kristine : Krismae, yung kutsilyo !

Kinuha din naman agad ni Krismae ang kutsilyo at itinapon sa may bintana. Isinama na rin nya ang martilyo para hindi na makuha pa ni Kriselle.

Kriselle : AHHHH !!! Bitawan mo 'ko !!

Dahil sa galit, sinipa ni Kriselle ng malakas si Kristine sa muka nito para makawala sya sa pagkakahawak sa kanya ni Kristine.

Kristine : Ahh !!

Krismae : ATE !!!

Pupuntahan dapat ni Krismae ang ate Kristine nya pero biglang hinablot ni Kriselle ang buhok nito at iniuntog sa lamesa. Nagdugo ang noo ni Krismae. Napasigaw ito sa sobrang sakit.

Krismae : ARAY !!

Kristine : Krismae ! Maawa ka sa kanya, Kriselle !! Maawa ka sa kapatid mo !!

Para bang bingi si Kriselle sa mga sinasabi ni Kristine sa kanya. Hindi nya pinapakinggan ang mga salita nito.

Nagpatuloy si Kriselle sa ginagawa nito. Agad din nyang sinabunutan si Krismae, pinagsasampal at tila ba isa syang DEMONYO sa ginagawa nya.

Hindi na nakapagpigil pa si Kriselle at biglang sinakal ang bunsong kapatid. Nahihirapan na ding  huminga si Krismae.

Krismae : A .. Ate Kriselle .. ! M .. Maawa ka ! U .. U .. Ugghhhh !!!!

BLLAGGG !!!!

Isang malakas na bagay ang tumama sa ulo ni Kriselle. Tila nahilo ito at kaagad syang nawalan ng malay. Si Krismae naman ay ubo ng ubo matapos ang pagkakasakal sa kanya ni Kriselle.

Kristine : Ayos ka lang, Krismae ?

Krismae : A .. Ate .

Kristine : Tara na, bago pa magising si Kriselle !

Inalalayan ni Kristine ang bunsong kapatid palabas sa silid ni Kriselle. Nagmamadali sila palabas ng kanilang bahay dahil baka maya-maya ay magising si Kriselle.

Agad silang sumakay ng sasakyan at agad din itong pinaandar ni Kristine.

Madaling-madali si Kristine sa pagpapatakbo ng sasakyan. Hindi nya malaman kung saan sila pupunta ni Krismae.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Three OffspringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon