ARA’s POV
Ugghh. Bat ba may tumatawag sakin ng alas 2 ng madaling araw?! Tsk… Number lang kaya naghesitate ako at first pero binilang ko..hala 14 digits, damn kinabahan ako…I need to answer this.. Dahan-dahan akong lumabas sa room namin ni Daks para di ko maisturbo tulog nya…
Me: I answered the call… Hello. Sino toh?
Caller: What took you so long in answering my godamn call??!!!
Me: Shoot! Timbre palang ng boses alam ko na kung sino toh, nailayo ko yung phone sa tenga ko kc ang lakas makasigaw. Tsk! You should check the time first for Pete’s sake! 2am and you’re bothering me?? You gotta be kidding me!! Tsss. Napapataas na din boses ko buti nalang talaga tulog ang mga tao dito.
Caller: You must have forgotten how special tomorrow is huh?
Me: Napaisip ako… O.O Holy cow! Kaya naman pala ako tinawagan ng madaling araw kc alam nyang wala pa akong insayo. Great! Just great! >.< Nakakaasar ka naman! Dapat sinabihan mo ako last week pa..uuugghhh..patay ako nito ehh…
Caller: Buseet ka! Ngayon palang flight ko pauwi tas ako pa talaga magreremind sayo na ikaw naman ang nanjan sa pinas?! Galing ahhh.. Pero don’t worry kc ako rin walang insayo kaya patas lang tayo.. haha. 3pm Philippine time sundoin mo ako sa airport pero uwi ka muna sa bahay nyo…
Me: Whatever! Tsk oo na, arte mo naman kc pwede namang magcommute! Uuwi pa ko eh ang risky kaya nun.. tsss Alam nyang hindi ako gumagamit sa sariling sasakyan dito kaya pinapauwi muna ako, galing lang teeeh -.-
Caller: Mukha mo! Pasalamat ka nga makakasama mo ako, if I know miss na miss mo na ako :-P
Me: Assume pa more! Haha. Oo na, di naman ako makakapalag sayo eh. Tulog na ko ulet, kaasar ka ginising mo ko…
Caller: Fine! Better be ready tom kc marami kang dapat ishare sakin ;) call ended…
I went back to our bedroom… can’t help but sigh…Kung kailan masayang masaya na ko sa klase ng pamumuhay ko tsaka naman ipapaalala sakin na hindi talaga ito ang realidad ko. Napatingin ako kay Yeye, God she’s my angel.. Things are getting clearer but complications will surely follow if I push thru my feelings for her. Ngayon lang ulet ako napaisip kung saan ba talaga ako lulugar.
Well hello my real identity is long been protected for my safety and it’s my parents’ choice. We are called segrettos by our masters. Magulo na ba? Well wala tayong magagawa kc that’s my real life. I finished my elementary and high school in Prominent Shrewd Academy. Full time student ako dun nung elementary at first year high school kc tinututukan talaga kami pero binigyan naman kami ng chance to take a very brain draining exam kapalit ng pagpasa namin eh makakapamuhay kami ng semi-normal. Obviously I passed kc nakapag-aral ako sa AUF. Semi normal lang kc nagmomodules parin kaming mga nakapasa kahit nagaaral at enrolled na sa ibang school. My IQ is at fault for this kc masyadong mataas kaya napasok ako sa academy na yun kung saan anak lang ng mga well-to-do people ang nakakapasok at take note di sapat ang pera2 lang dapat above average ang IQ bago tanggapin sa paaralan slash training center na yun at may assessment din silang ginagawa kung saan konte lang ang nakakapasa kaya naman 4 lang kaming magkakaklase noon. We are trained to protect ourselves and to manage different kind of situations, syempre di papahuli yung sa business ng mga pamilya namin… mga silent BOSS kami… Wanna know why? Kc we live and have a record of a normal teenager in the eyes of barbarians but it’s way far from the chaotic business world we are into. I can’t even call my real parents mom and dad if there’s other people in the room, protocol? Yeah for our safety.
I’m using Victonara Salas Galang but my real name is Vic Aera Salas Galang, yung parents ko naman eh sina Mr. Vince Salas Galang and Mrs. Ellaine Rae Salas Galang and I’m their only child who’s not even known to the public. Di ko talaga maintindihan yun dati pero pinaliwanagan naman ako ng mga tumayong magulang ko who happens to have same surname to ours, trusted employee ng real parents ko si Mama sa abroad kaya pinagkatiwalaan nila ito sa pagaalaga sakin. Kuya Jun does not know anything about it but they really are my family too.
It’s not as bad as it seems…complicated yung setup but hey alam at ramdam ko na mahal ako ng mga totoo kong magulang at ng mga tumatayo kong magulang at kuya. Lucky enough huh?... Money? Oh’ my real parents have lots of it kaya maraming inggit sa kanila… even our far relatives are jealous to everything that our family have kaya sobra nila akong iniingatan to the point na nagtitiis silang malayo sakin pero at the same time hinahanda nila ako sa karangyaan at mga imamanage ko sa future. Kaming mga segrettos ay maituturing na silent weapon ng mga pamilya namin kc heto kami nakakapamuhay ng mejo normal pero anytime pwede kaming tumolong sa pamilya namin na sya ring promoprotekta samin. Sa dami ng nagattempt sa buhay ng parents ko masasabe kong isang malaking pagsubok ang mamuhay sa ganong buhay araw-araw, Prominent Shrewd Academy helped us overcome our fears and look at it as a challenge instead. Sa bata kong toh tanggap ko na ang mga bagay-bagay at masasabe kong deep in my heart I know I’m always ready if ever my real identity will be unleashed.
Yung tumawag sakin kanina? That’s Dennise Michelle Lazaro. Ahead sya sakin ng 2 years sa PSA(Prominent Shrewd Academy), sya ang buddy ko since day 1 kc nagfifeeling ate sakin lage yun. Hehe. She’s also a segrettos and a lil bit loud at that matter. Nagshashine yun lage kaya malabong hindi mapansin, ubod ng taray at protective much naman sakin pero wag ka pag kami pinagsparring walang ate-ate sa kanya. Haha.. Hay namiss ko rin naman talaga si Den, it has been months since we last talked. Nangibang bansa ang loka nung magcollege kaya minsan nalang umowi sa second family nya, actually sa real family nya na sya umouwi sa abroad kaya ok na rin yun…
I was the silent type and she was the snobbish but loud one but heck we jived. I remember then…grade 1 ako at tinatamad na ako sa routines kc kuhang-kuha ko na kc from kinder pa meganun, tahimik lang ako at my binabasa nung binulabog ako ng mga isipbata(well for me di na kami bata noh) kong classmates at pinipilit akong sumali sa laro nila… I shyly declined but they don’t know what NO THANKS means.. that’s when Denden came into the picture ^.^ Being the higher level that she is tumiklop ang mga mates ko samahan pa ng katarayan nya kaya naman I thanked her pero di rin nya ko tinantanan hanggang maging friends na nga kami kc di rin daw nya feel ang mga kaklase nya kc mga isipbata din daw, talk about mga nagfifeeling matanda back then? Haha. Oh’ well marami din kaming masasayang memories kc nasasakyan namin ang trip ng bawat-isa kaya naman nung nauna akong makalabas sa PSA sinabunotan talaga ako nun kc 4th year sya that time. Haha. Geeeeez she’s the sister I wished I have and I’m the younger sister she’s been praying for sabe pa nga nya.. miss ko sya..uhhm minus the violence syempre kc mejo mapanakit yun eh… ayaw na ayaw nyang may mananakit o mambubully sakin kc sabe nya dapat sya lang daw ang mangaapi sakin. Lokaloka rin anu po? Haha
Ooooops too much recollection going on I need to sleep kc siguradong kukulangin ako ng tulog sa mga days to come. My God I can now imagine >.< Things seemed to be simple but there’s a surprise beyond every simplicity.