CHAPTER 3
NAKAPANGALUMBABA si Sarah habang nakatingin sa screen ng cell phone niya. Hindi pa rin mawala sa isipan niya ang na-receive niyang text galing sa isang anonymous sender. Nang bumalik sila sa headquarters ni Shannon para sana alamin kung sino ang nag-text sa kanya, hindi nila nalaman kung sino. They can’t trace the number.
Nakakainis mang aminin pero hindi talaga kompleto sa kagamitan ang Interpol dito sa bansa.
“Bakit parang karga mo yata ang buong mundo sa balikat mo?” Anang boses sa likuran niya na agad naman niyang nakilala.
“Anong ginagawa mo ritong bwesit ka?” Tanong niya kay Shannon na hindi ito tinitingnan. “Paano ka nakapasok sa bahay ko?”
“The door isn’t lock.”
“So?” Nakataas ang kilay na binalingan niya ito. “Hindi porke’t hindi naka-lock ang pinto ay pwede ka ng pumasok. It’s still close.”
Napakamot ito sa ulo na napailing-iling. “Ang taray mo talaga, kuting.”
Inirapan niya ang binata. “Puwede ba, bwesit, lumayas ka sa pamamahay ko. Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?”
Tumabi ito ng upo sa kanya at nangalumbaba rin. “I’m here because I’m bored.”
Tumaas ang kilay niya. “You’re bored?”
Tumango ito.
“So what does it have to do with me? Feeling FC ka na naman. May I remind you, hindi tayo close, Mr. San Diego, kaya umalis ka sa pamamahay ko.”
Tinitigan siya nito. “Kuting, huwag mo akong tarayan kahit isang minuto lang. Puwede ba? I’m just bored and I don’t know where to go.”
“Ahh… so ginawa mong tambayan ang bahay ko?” Tuluyan na niyang hinarap ito. “Kanino mo ba nakuha ang address ko? Kung sino man yun patay siya sa akin—”
“Sa Director ng Interpol.”
Bahagyan siyang napanganga sa narinig. “What?”
“Yeah. He gave it to me.” He smirked at her. “Paano ba iyan, kuting, papatayin mo si Director?”
Inirapan niya ang lalaki. “Umalis ka na, please.” Nangalumbaba siya ulit ng may maalala. “Bakit hindi nalang ang girlfriend mo ang kulitin mo. You’re bored? Date her, have fun with her. Huwag mo akong perwisyuhin.”
Ilang minuto itong natahimik bago nagsaita. “Tanya and I broke up.”
Mabilis niyang nilingon ang lalaki. “Yung babaeng kasama mo sa café? Hiwalay na kayo?” Hindi makapaniwalang tanong niya. “Bakit naman?”
Shannon just shrugged. “It’s not working out. Saka…” He trailed as he looked deep into her eyes. “May iba akong gusto.”
Sarah rolled her eyes. “Hay naku! Mga lalaki nga naman. Kapag ayaw na sa babae, ibabasura. Hindi niyo ba naisip na may puso rin naman kaming nasasaktan.”
“At may puso rin naman kaming nagmamahal.”
Mapakla siyang tumawa. “Nagmamahal, my ass. Kayong mga lalaki ang pagmamahal niyo, nandiyan sa puson hindi sa puso.”
Tumawa ng mahina ang binata. “Kuting, I never thought na bitter ka pagdating sa usaping ‘to.”
She hissed at him. “Hindi ako bitter. Nagsasabi lang ako ng totoo.” Tumayo siya mula sa kinauupuang gawa sa kawayan. “Lumayas ka na.”
Napailing-iling si Shannon sa uri ng boses na ginamit niya. “Ang sama mo talaga kuting. Mataray ka na nga, super mean ka pa.” Tumayo na rin ito at inayos ang damit na bahagyang nagusot at hinarap siya.
BINABASA MO ANG
Falling for Shannon (Field Romance) [To Be Published]
RomanceSarah Catli is a different kind of woman. She’s a kind of woman who doesn’t need emotional sentimental crap to be happy. Naka-fucos lang siya sa trabaho niya bilang isang FBI Agent. Wala siyang pakialam sa mga kalalakihan dahil hindi naman niya tipo...