CHAPTER 9
INILAPAG ni Shannon ang tray na puno ng pagkain sa maliit na mesa na katabi ng kama ni Sarah. Magdadalawang araw na sila sa Hospital pero hindi pa rin sila nag-uusap. Kung hindi importante and pag-uusapan nila, hindi umiimik si Shannon.
After the kiss, Shannon becomes aloof. Parang ayaw siya nitong makausap o makita. She wasn’t the one who initiated the kiss, for crying out loud! Gusto niya itong makausap pero ayaw naman niya mauna baka ano pa ang isipin nito.
Naiirita na ipinikit niya ang mga mata at nagpanggap na natutulog. Iyon ang Gawain niya sa dalawang araw na pamamalagi niya rito sa Hospital. Kung ayaw siya nitong maka-usap, e di huwag!
Ilang minuto lang ang lumipas mula ng ipinikit ang mga mata, iminulat niya iyon dahil hindi na niya kayang manahimik pa. Hindi siya sanay na tahimik ito! At saka ang dami niyang gustong itanong na nangangailangan ng sagot.
“Shannon, we need to talk.” Aniya at umupo sa ibabaw ng kama. “Marami tayong dapat pag-usapan.”
Nakita niyang natigilan ang binata kapagkuwan ay tumingin sa kanya. “If it’s about the kiss—”
“What?! No!” Mabilis na pigil niya sa iba pa nitong sasabihin. “It wasn’t about the kiss. The kiss was nothing. I was thinking about the case. It boggles my mind kung bakit hindi pa niya ako pinatay kong nawalan ako ng malay. He can do whatever he want with me pero bakit wala siyang ginawa?”
Laglag ang balikat na tumingin si Shannon sa kisame at huminga ng malalim na parang bang pinapakalma ang sarili kapagkuwan ay ibinalik ang tingin sa kanya.
“Hindi ko alam. It could be a warning or something.”
“Bakit naman hindi mo alam?” Hindi makapaniwalang usisa niya rito. “Ikaw ang nakakita sakin na nakahandusay sa lupa. May nakita ka bang note o sulat na nagsasabi kong ano ang gusto niya iparating? May napansin ka bang kakaiba? May nakita ka bang tao na kahina-hinala na puwede nating pagtanungan? May—”
“Shut up!”
Napaigtad siya sa lakas ng boses nito. “Nagtatanong lang naman ako, e.” Aniya sa kalmadong boses.
Hinilamos nito ang kamay sa mukha at halata ang frustrasyon na nararamdaman nito. “May nakita ba akong note o sulat na nagsasabi kong ano ang gusto niya iparating? Hindi ko alam. May napansin ba akong kakaiba? Hindi ko alam. May nakita ba akong tao na kahina-hinala na puwede nating pagtanungan? Hindi ko alam.” Tinitigan siya nito sa mga mata at mapaklang tumawa. “Alam mo ba kung bakit wala akong alam? Kasi ang nasa-utak ko lang ng makita kitang naka-handusay sa lupa ay ang madala ka sa Hospital at magmulat ka ng mata. Wala akong pakialam sa paligid ko. Wala akong pakialam kong may tao ba maliban sa’tin. Wala akong pakialam kung may sulat man na iniwan. Nang makita kitang nakahandusay sa lupa, nawala lahat ng yun. I wasn’t Agent San Diego anymore, I was just Shannon. The guy who got really scared because he though he’s not going to see his kuting again.”
“Shannon…”
Sarah’s heart was beating so fast, at may parti sa puso niya na umasa. Umasa na kahit papaano, may nararamdaman ang binata para sa kanya. Pero mahirap ang umasa lalong lalo na na wala namang ipinapakita si Shannon para umasa siya. Well, hindi naman basihan ang halik na namagitan sa kanila para sabihing may gusto na sa kanya si Shannon.
Kinastigo ni Sarah ang sarili. Masakit umasa at mabigo.
“Sorry kung natakot ka dahil sa’kin.” Aniya habang nakatingin sa mata nito. “Hindi ko alam. Hindi ko naman kasi akalain na mag-aalala ka ng ganoon sa’kin.” Walang buhay siyang tumawa. “Hindi lang maarok ng isip ko kung bakit ganoon nalang kung mag-alala ka sa’kin. You just meet me, Shannon, kaya naman hindi ko naisip na maapektuhan ka ng ganito. I’m just your partner in this case, after this, babalik din ako sa US at malamang hindi na ako bumalik dito.”
BINABASA MO ANG
Falling for Shannon (Field Romance) [To Be Published]
RomanceSarah Catli is a different kind of woman. She’s a kind of woman who doesn’t need emotional sentimental crap to be happy. Naka-fucos lang siya sa trabaho niya bilang isang FBI Agent. Wala siyang pakialam sa mga kalalakihan dahil hindi naman niya tipo...