CHAPTER 16

168K 5K 89
                                    

CHAPTER 16

IT’S BEEN a week since Shannon brought Sarah to the Hospital. The Doctor’s were horrified when they saw Sarah. Nagpapasalamat siya sa panginoon at sa mga Doctor na nag-alaga kay Sarah dahil sa mga ito, alam niyang magigising ulit ang dalaga. Medyo matatagalan nga lang.

Sa araw-araw na nagdaan at nakikita niya si Sarah sa ICU na marami ang nakakabit na tubo sa katawan nito, umiiyak at nabibiyak ang puso niya. Sinisisi niya ang sarili dahil kung naging maingat lang siya, hindi sana nangyari ito sa babaeng mahal niya.

He dried his teary eyes using the back of his hand. I’m so sorry, kuting. It was my fault. I’m so sorry.

“Agent San Diego, nandito na sila.” Anang boses ni Director Hugh.

He looked up at Director Hugh and managed a small smile. Tumayo siya at hinubad ang lab coat na suot. “Okay.”

Sabay silang lumabas ni Director Hugh at nabalot ng takot ang puso niya ng makita ang ama ni Sarah. Para siyang bumalik sa pagiging teenager. Naramdaman niyang nanlalamig siya at namamawis ang kamay niya.

Shannon looked at Sarah’s father then extends his hand. “Hi, I’m Agent Shannon San Diego, I’m Sarah’s partner and I’m also her boyfriend.”

Naningkit ang mga mata ng ama ni Sarah. “A boyfriend, huh?”

Tumango siya at hindi nag-iwas ng tingin, kahit iyon ang gusto niyang gawin. Sarah’s father is so intimidating. “I’m sorry about what happened to Sarah. It was my fault.”

“Your fault? How is it your fault?” Tanong ng ama ni Sarah.

“I’m here partner. I wasn’t able to protect her. I wasn’t able to save her sooner. I wasn’t able to guard her. I failed as an Agent and as a boyfriend. If you punch me now, I’ll accept it. If you kick me, I’ll accept it. Just please, don’t ask me to stay away from you daughter. Don’t ask me to stop loving her because my heart will wither if you asked me those. I’m lost without her.” Shannon knew that his eyes were watering but he doesn’t care. He just looked at Sarah’ parents and let them see in his eyes how much he loves their daughter.

After a long minute, Sarah’s father opened his mouth. “I’m Sean, Sarah’s father and this is my wife, Sarah’s mother, Sophia. And we believe that it’s not your fault.” Tinanggap nito ang pakikipagkamay niya. “Don’t worry, we won’t ask you to stop loving our daughter.”

He squeezed his eyes shut and his heart swell. Thanks god! “Thank you, Sir. Thank you ma’am.”

Sarah’s father managed a smile but it didn’t reach his eyes. “Call us Uncle Sean and Aunt Sophia.”

Shannon nodded. His heart is jumping up and down in so much happiness that they seem to like him for their daughter.

“Thank you.” He said, his voice was full of gratitude.

Uncle Sean nodded. “Can we see our daughter?”

Tumango siya. “Of course.”

Shannon went to the nurse station and asks for two lab coats. Bumalik siya sa mga magulang ni Sarah at ibinigay niya ang lab coats sa mga ito.

“Wear it. Kailangan nakasuot tayo ng ganyan para hayaan nila tayong makapasok sa ICU.” Aniya.

Isinuot ng mga ito ang lab coat at ganoon din ang ginawa niya, pagkatapos ay sabay-sabay silang pumasok sa ICU. Humagulhol kaagad ng iyak si Aunt Sophia ng makita ang kalagayan ni Sarah at nakita niyang nanubig ang mga mata ni Uncle Sean. Tinitigan niya ang dalaga at siya man ay naiiyak din. Ipinikit niya ang mga mata at naramdaman niyang may mainit na likido na pumatak sa pisngi niya. Mabilis niyang pinahid iyon.

“Sino ang gumawa nito?” Tanong sa kanya ng ama ni Sarah. Puno ng galit ang boses nito.

“There are two of them.” Sagot niya. “The one is already dead and the other one is in jail.”

“Good. Dapat lang ang nangyari sa kanilang dalawa. How can they do this to my daughter?!” Pain and anger is visible on Uncle Sean’s voice.

Napatungo siya dahil inataki na naman siya ng kanyang konsensiya. Kasalanan talaga niya ang lahat ng ‘to.

“Dadalhin namin si Sarah sa US. Mas magagamot siya roon kaysa rito.” Anang boses ng ina ni Sarah na ikinalaki ng mata niya.

Gulat na gulat siya at kinain ng takot ang puso niya pero hindi siya makapag-react. Dahil kahit sa sarili niya, alam niyang mas mapapabilis ang paggaling ni Sarah doon sa US.

“Pasensiya ka na, Shannon.” Wika ni Uncle Sean habang nakatingin sa kanya. “Alam kong pareho nating gustong gumaling si Sarah. You can come with us. Tiyak na magiging masaya si Sarah kapag nagising siya at naroon ka.”

Kahit labag sa kalooban niya at kahit parang pinipira-piraso ang puso niya, tumango siya. “Two weeks from now, there’s a trial. Kailangang naroon ako. Hindi ako puwedeng mawala. Kailangan gawin ko ang lahat para mapakulong ko ng pang habang-buhay ang hayop na iyon na gumawa nito kay Sarah.”

Tumango ito. “If that is so, then we will give you our address. Kapag okay na ang lahat dito, puntahan mo kami.”

Marahan siyang tumango. “Okay po. Salamat.”

Niyakap ni Uncle Sean ang asawa at inakay ito palabas ng ICU. Bago ang mga ito makalabas, nilingon siya nito. “Aasikasuhin ko ang pag-alis namin kasama si Sarah. Baka bukas na ang alis namin kapag naayos ko ngayong araw.”

Tumango siya ulit.

“Okay. Aalis na kami.” Lumabas ang mga ito sa ICU at naiwan siyang nag-iisa kasama ang babaeng mahal na mahal niya na mawawala sa kanya.

Naninikip ang puso niya ng lapitan niya si Sarah na wala paring malay sa mga nangyayari sa paligid nito. He sat on the space beside her and holds her hand.

He brings her hand over his lips and kissed it. “I love you so much, kuting. Hahayaan kitang umalis na hindi ako kasama kasi may gagawin pa ako. Pero pangako ko, susunod ako. Hindi ko hahayaang magkalayo tayo ng matagal. Hindi ko hahayaang lumayo ang kuting ko. Basta magising ka ha? Gusto ko sa muli nating pagkikita, may ngiti ka na sa mga labi. Gusto ko nang marinig ang boses mo…” Gumaralgal ang boses niya. “G-Gusto ko ng marinig ang tawa mo. God, Sarah, I wanted to hear you say you love me too.” Tuluyan nang nalaglag ang luha niya. “I can do anything. I can move heaven and earth just to see you open your eyes again and smile at me. I will endure being away from you as long as it’s for your own good. I love you, Sarah. I never love a woman as much as I love you.” Hinalikan niya ulit ang kamay nito at marahang pinisil iyon. “Wait for me, okay? Just wait for me, I promise; I’ll be with you as soon as I can.”

Shannon put Sarah’s hand on the space beside her then stands up. He looked at the woman he loves one more time then left the room with his heart being cut in half. 

Falling for Shannon (Field Romance) [To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon