Chapter 23: Preparations #3

8 2 0
                                    

Louise's POV

Pagkaalis ni Althea, saktong may tumawag sakin.

Calling...

Unknown Number.

Napakunot ang noo ko.

'Sino namang tatawag sakin? Sila Maxine lang naman may alam ng nuumber ko pati sila Papa. Hay, bahala na nga.'

"Hello??"

"H-Hi." sabi nung nasa kabilang linya. Medyo pamilyar sakin ung boses nya pero di ko alam kung saan ko narinig. At para syang kinakabahan.

"Uhmmm... Sino po ito??" tanong ko.

"U-Uhmm... S-Si K-Kenneth to. U-Ung c-classmate mo. Hehehe." utal-utal na sabi nung nasa kabilang linya.

"Teka, Kenneth!! As in Kenneth Miral!! Pano mo nalaman ung number ko?!" gulat kong tanong.

"A-Ah, t-tinanong ko sa isa nating k-kaklase, si Jill, a-ano kasi.... Uhmm.. M-May d-date ka na ba sa a-aquaintance??"

"Wala pa naman. Bakit?" naguguluhang tanong ko.

"A-Ah, y-yayayain s-sana k-kita. K-Kung ok lang s-sayo. Hehehe."

"Uhmm.. Sure. Cge, ikaw na lang ung date ko mamaya, ok??" masayang sabi ko.

"YES!! Ay, sorry. Uhm... So, pano?? mamaya na lang. San nga pala kita susunduin??"

"I-ti-text ko na lang sayo. Cge  bye na, mag-aayos na kasi ko eh."

"Ah sige. Bye. See you!"

"See you."

Natapos ang usapan namin at itinext ko na sa kanya ung address namin. Pagkatapos non, naglinis na kami ng bahay ni Suanne at Maxine at pumasok na kami sa sari-sarili naming kwarto.

Pagpasok ko, saktong nag-ring na naman ang cellphone ko.

Calling.....

Elyson.

"Oh, men!! Napatawag ka??" sagot ko sa tawag.

"Ala lang, men. May date ka na ba sa aquaitance mamaya??"

Natahimik ako sa tanong ni Ely. Di ko alam kung sasabihin kong may date na ba ko o wala at magsisinungaling ako pero bago pa ko makapagsalita, nagsalita na ulit sya.

'Tka bakit nga naman ako magsisinungaling?? Ay, ang gulo!!'

"Teka, sino nga bang mag-aaya sayo?? Ang panget mo kaya, men!! Hahahaha!!" pang-aasar niya.

"Oy, sinong panget?? Aba, men, sa ganda kong to walang mag-aaya?? Tsk. Meron kaya."

"Ows.. Sige nga, ilan??"

"Uhmmmm....Isa!!" proud kong sabi.

"Pfffttt.... HAHAHAHAHAHAH!! Men, akala ko naman kung ilan!! Hahahahha!!"

"Tse!! Ewan ko sayo!!" inis kong sabi.

"Pero, men, sino?? Sino ung nag-aya sayo??" natigilan ako ng magseryoso na ung boses nya.

'Tingnan mo toh!! Kanina nang-aasar!! Tsk. Bipolar.'

"Bakit gusto mong malaman??" pang-aasar ko. Pangbawi man lang. Hehehehehehe.

"Wala lang. Baka kasi isa na nga lang ung nag-aya sayo  eh PANGET PA kaya tinatanong ko kung sino. haha!!"

"Grabe ka!! Ang sama mo!! Si Kenneth kaya ung nag-aya sakin. Ang pogi kaya nya. Ikaw ung pangit eh!!" pag-iisip bata ko.

"Psh. Ung Kenneth na yun pogi??! Eh mas pogi pa ko don eh!!" pagyayabang nya.

"Ay!! Ewan ko sayo!!" tapos binaba ko ung tawag. Nakakainis kasi eh. Nagpatuloy na lang ako kung ano ung ginagawa ko at pagkatapos non ay naligo na ko at nag-ayos.

~~~~~~~~~~~®®®®®®®~~~~~~~~~

Suanne's POV

Alam mo ung feeling na wala kang date sa last aquiantance mo?!----- Ito yun eh!! Ako yun!! Ung mga kasama ko sa bahay halos ma-ikot na ung buong bahay kaiikot----- palakad-lakad tapos may pakagat pa sa labi. Ako nahihilo sa kanila, mga besh!! Di ko na kaya, ito na kinakasa ko na......

"MGA PUNYETA!! DI BA KAYO TITIGIL SA KAIIKOT?!! AKO NAHIHILO SA INYO EH!!" ito ung sinasabi kong kinakasa ko---- ung bunganga kong mala-armalite. Di ko na natiis eh. PUNYEMAS.

"Sabi nga namin uupo na kami." maya-maya'y sabi ni Louise.

'Buti naisip mo yan.'

"Bakit ba kasi di kayo mapakali ah?!" inis na sabi ko.

"Inaantay kasi namin ung mga sundo namin eh." sabat naman ni Althea.

"PUNYEMAS!! Yun lang?!" tumango naman silang lahat bilang pagsagot. "Eh, sa may mga sira ata kayo sa ulo eh!! Ano kayo mga 'CERA- ulo'?!! Saka ba't di nyo pakalmahin yang mga sarili ninyo at antayin ang dapat hintayin. Hmp." panenermon ko. Psh. Kahit si Louise pinakamatanda samin di sya makakaligtas na Armalite ko.

"Wala ka kasing date kaya ka ganyan eh." bulong ni Maxine pero narinig ko.

'PUNYEMAS!! Iniinsulto ba ko nito?!'

"Anong binubulong-bulong mo jan?! Pinapangaralan ko lang kayo na kumalma kayo------"

"Oh, tama na. Itikom mo na yang armalite mo Suanne. Ikaw naman Max. Tigil na ayan na sundo mo oh." nginuso ni Louise ung parating na kotse at saktong paglabas ni Max ang pagbusina nito.

'One down. Two to go.'

"Oh, sige na mga 'CERA-ulo', mauuna na ko. Bahla na kayo jan. Text-text na lang."

Lumabas na ko ng apartment namin at dumeretso sa kotse ko. Tutal wala namang susundo sakin eh mas mabuti pang ako na lang maghatid sa sarili ko.

Sandali lang ang naging byahe ko dahil malapit lang naman ang school samin. Pagkapark ko ng kotse lumabas na ko at dumeretso sa loob.

Pagpasok pa lang kita na ung mga iba't ibang kulay ng ilaw na galing sa loob. May nakita kong kulay yellow na tumapat sa madilim na parte ng pathway at di sinasadyang napatingin ako dun.

May nakita kong isang lalaki na nakapatong sa isang babae. Nag-e-lp sila--- inshort for laplapan.

'Mga PUNYETA!! Di pa maghanap ng kwarto at dun pa naisipang gawin ang kahindik-hindik na...... AAAHHH!! Basta alam nyo na yon.

Binilisan ko na lang ung paglalakad ko at baka ano na naman ang makita ko. Pagpasok sa loob, mas maraming ilaw ang nakita ko. Grabe ang ganda ng buong lugar.

Hinanap ko ung mga kaklase ko. By year and section kasi ang seating arrangement dito.

'Buti nga dito may seating arrangement. Hmp.'

Di naman nagtagal nakita ko ung mga kaklase ko. Ang gaganda nung mga babae at mukhang desente naman ung mga lalaki---- maliban sa isa.

"Hi, Miss Beautiful!!"

'Speaking of the Devil..... Si Arvic.'

Napabuntong-hininga na lang ako at umupo sa tabi ni Cath. Mukhang lumalayo na sya dun sa mga cheap girls na katabi nya.

'Hmmmm.... Buti naman.'


Girls In LuvWhere stories live. Discover now