Chapter 8

17 4 0
                                    

Maxine's POV

Nandito ko ngayon sa canteen kasi lunch break na. Kasama ko ung iba naming friends ni Althea. Sila Angel Santos, Peter Araza at Cyndy Isabella.

Si Angel at Peter ay mga classmates ko habang si Cyndy naman ay classmate ni Althea.

'Speaking of Althea, nasan na yon. Nandito na si Cyndy kaya dapat nandito na yon. Tsk. San na naman kaya nagpunta yon.'

"Cyndy, alam mo ba kung nasan si Althea? Dapat kasi nandito na sya kasi nandito ka na." sabi ko saka tiningnan sya ng nagtatanong na tingin.

Umiling sya at saka nagsalita. "Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay nagbi-bake kami kanina, may partner syang lalaki kasi ang sabi ni sir ung katabi daw ang magiging partner ng isa't isa. Malayo kasi ako sa kanya kaya di kami nagkatabi. Pero pumwesto kami ng partner ko malapit sa kanila kaya nakikita at naririnig namin sila. Pero habang naglalakad kami papunta sa baking room ay napansin kong nakabusangot sya at tahimik, di ko na lang pinansin. Tapos nakita ko habang nagbi-bake sila nung partner nya ay tahimik sila kasi katatransfer lang nung isa kaya siguro di pa nagpapansinan. Yon nga!! Habang nagbi-bake si Althea, sa sobrang katangahan napaso, ayon to the rescue ung partner nya, hinawakan pa ung kamay at bewang------"

"Ano??!! Sino ang lalaking yon at may pahawak-hawak pa sya ng ganon kay Althea?!! Ha?!! Sino??!" pasigaw kong sabi dahilan para lingunin kami ng mga nasa tabi namin.

"Grabe naman to si Maxine, kung makareact. Magulang ka teh??!! Baklang to!!" birong sabat ni Peter pero di ko nagawang tumawa. Nilingon ko sya at sinamaan ng tingin. "Sorry na teh!! Ito naman di na mabiro." dagdag nya pa.

'Naiinis talaga ko. Kasi pag nalaman nila Louise at Suanne ang nangyari, ako ang mayayari. Tsk. Humanda ka sakin Althea, kailangan mong magpaliwanag!!'

Itinuloy ko na lang ang pagkain ko kahit nawala na ko sa mood. Di na rin kumibo pa ung mga kasama ko dahil naiintindihan nila ko bilang best friend ni Althea.

'Ang ganda pa naman ng mood ko kanina, sinira mo Althea. Sinira mo!!'

Oo, maganda ang mood ko kanina pang umaga. Maganda kasi ang panaginip ko kagabi at di naman ako pinapansin ng katabi ko kaya medyo natuwa na ko at walang daldal ng daldal sa tabi ko. Pero ng dahil sa ginawa ni Althea ay nawala rin ang mood ko. Buset!!

Abala ko sa pagkain ng makita ko si Althea na may kasamang lalaki!! Nakita kong nagpaalam pa muna sa kanya ung lalaki at lumihis ng daan. Sinundan ko sya ng tingin at nagtama ang paningin namin ni Jorenz. Agad ako nag-iwas ng tingin sa kanya at sinamaan ng tingin si Althea.

'Sa lahat ng pwede mong samahan bakit ung lalaking sinapak mo pa at kaibigan ng buseeet na lalaking yon.'

"Bakit ang tagal mo yata ngayon ha Althea?? San ka nanggaling ha?? Saan??!" maawtoridad kong tanong at natigilan naman sya.

"A-Ano k-kasi napaso ako h-habang n-nagbi-bake kaya s-sinamahan a-ako ni A-Aldrei sa c-clinic." utal-utal nyang paliwanag iniiwas ko na lang ang paningin ko at saka bumuntong-hininga.

"Alam mo naman na ayaw namin nila Louise at Suanne na sumasama ka sa mga lalaki. Pano pag nalaman to nila Louise, di ba ako ang pagagalitan nila dahil di kita nababantayan. At saka sa lahat ng pwede mong samahan ehh bakit don pa sa lalaking yon. Di ba sinapak mo yon tapos ngayon sinasamahan mo?? HA!!" inis kong sabi sa kanya. Natigilan naman sya at saka yumuko. Ako naman ay bumuntong-hininga at saka nagsalita. "Sige na kumain ka na, sa bahay ka na lang magpaliwanag. Mauna na ko sa inyo may kailangan pa kong puntahan." sabi ko saka tumayo at naglakad papalayo.

Pumunta ko sa locker room at inayos ang gamit ko para sa panghapon na klase nang sa di inaasahan ay nakita ko ung Althea na sinasabi ni Althea.

"Hoy!!" tawag ko dito pero di sya lumilingon kaya lumapit ako sa kanya at iniharap sya ng sapilitan. "Lumayo ka kay Althea kung ayaw mong masaktan, naiintindihan mo??!" banta ko saka sya tinalikuran.

Naglakad ako sa pathway papuntang room at nang marating ko yon ay umupo na ko sa upuan ko at nagpahinga.

Girls In LuvWhere stories live. Discover now