Chapter 15

9 5 0
                                    

Maxine's POV

Ilang araw pa ang lumipas hanggang sa dumating ang araw ng Lunes. Sabay kaming pumasok ni Althea, as ussual.

Pagkarating namin ay bumungad samin ang masasamang tingin ng mga maaarteng babae sa pathway.

Hindi ko alam kung bakit pero di na lang namin sila pinansin. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang room nila Althea.

"Mauuna na ko. Bye." nakangiting sabi ko. Pero di pa ko nakakalayo ng biglang umingay ang room nila. Mabilis akong bumalik don at nakita ko si Aldrei na nakaluhod kay Althea. Si Althea naman ay walang karea-reaksyon.

Sumilip ako sa bintana upang makinig. Naghihiyawan ang mga kaklase nya at nangunguna don si Cyndy.

"Will you be....my....date to the party?" dinig kong tanong ni Aldrei. Si Althea naman ay di malaman ang sasabihin.

"Yieeeeeeeeeee!!!"

"O-oo na yan!!!"

Bigla ay lumingon si Althea sa bintana at nagulat sya ng makita ko don. Tumango lang ako, sinasabi na tanggapin ang alok ni Aldrei. Ayoko na kasing pag-awayan namin kung ano man ang gagawin ko. Bumaling si Althea kay Aldrei na hanggang ngayon ay nakaluhod.

"S-Sige." tipid na sagot ni Althea habang nauutal pa. Gusto kong matawa pero pinigilan ko yon.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang room namin.

Naupo ako sa upuan ko at nakinig na lang sa music sa cellphone ko.

Natinag lang ako ng kalabitin ako ni Jorenz. Napalingon ako sa kanya at nakita ko kung paanong lumamlam ang kanyang mga mata.

Tinanggal ko ang earphones ko at deretsong tumingin sa kanya. "Bakit??" tanong ko. Bumuntong-hininga muna sya bago nagsalita.

"Sorry." sinsero nya iyong sinabi pero di ko alam kung para saan yon.

"For what??" nag-aalala ng tanong ko. Inaamin ko, nag-aalala ko sa kanya pero di ko alam kung bakit.

"For falling in-love with you." sinsero nya iyong sinabi habang ako naman ay natigilan sa sinabi nya. "I know its strange but I think I'm falling inlove with you." dagdag nya pa.

Natigilan lalo ako at di ako nakapagsalita. Wala kong masabi sa pag-amin nya. Deretso lang syang nakatingin sakin at ako naman ay nakatitig lang din sa kanya.

"Pwede bang maging partner kita sa aquiantance party?" tanong nya pero mahahalata mo ang kaba sa mukha nya.

"S-Sige." wala sa sariling sabi ko. Di ko alam kung saan nanggaling yon pero di ko na yon kayang bawiin. Napapikit na lang ako at nag-iwas ng tingin.

Sya man ay inalis na ang tingin sakin. Napatingin ako sa pinto ng biglang bumukas yon at tumambad samin si Miss. Nakangiti syang pumasok at tiningnan kami isa-isa. Matapos non ay nagsulat sya sa board dahilan para magsipagkuhaan kami ng notebook at magsulat.

*DISCUSS*

*DISCUSS*

*DISCUSS*

*LUNCH BREAK*

Sa wakas ay dumating ang oras ng lunch break na kanina ko pa hinihintay dahil di ko na makayanan ang titig ng katabi ko.

Dumeretso ako sa canteen at nakita ko naman agad sila Althea. Nakaupo sila habang nagkukwentuhan. Nauna na rin kasi sakin sila Peter at Angel.

"Teh!! Nayaya lang ni Jorenz sa aquiantance at inamin lang na gusto ka, nagkakaganyan ka na!! OMG!!! Grabe!! Ganda mo, teh!" biro ni Peter pero di ko nagawang tumawa. Agad na tumingin sakin sila Althea at Cyndy.

"Niyaya ka rin nung lalaking yon at umamin din sayo??" tanong ni Althea. Tango na lang ang naisagot ko. "OMG!! Hwaaaaaahhhh! Eh, ganon din ginawa sakin ni Aldrei, eh! Di kaya pinagtitripan lang tayo non." nag-aalala nyang tanong.

Matapos nang usapang yon ay puro biro na ni Peter ang madidinig. Nakikitawa na lang ako sa kanila. Masyado kasing naglalayag ang isip ko kaya di ko sila masabayan sa mga biruan nila.

Napapansin ko rin ang pagtahimik ni Althea. Nasisiguro kong gaya ko ay ganon din ang kanyang iniisip. Pero di ko na lang pinansin pa ang mga naiisip ko at nang matapos ang lumch break ay dumeretso na kami nila Angel at Peter papuntang room

Nang marating yon ay naupo na lang ako sa upuan ko at tahimik na nag-isip.

Girls In LuvWhere stories live. Discover now