Chapter 28: Aquiantance Party 3.5

3 0 0
                                    

Louise's POV

Haaayy!! Kakapagod yun ahh. Buti na lang nakauwi na kami at matutulog na koo.

*~FLASHBACK~*

Nakaupo ako ngayon sa designated area ng section namin habang pinapanuod sila Maxine at Jorenz pati na din sila Althea at Aldrei. Haaayy, soooo sweeett!

Buti naman at nagkakamabutihan na sila. Sana wag na silang mag-away dahil ako ang unang taong magwawala, HAHAHAHA! Fan ako eh!

So, ayun nga nakatitig lang ako sa kanila nang mapansin ko na parang may mga matang nakamasid sakin.

Hindi ko na lang yun pinansin at nagpatuloy sa panonood. Pero nagulat ako ng may biglang kumalabit sa akin.

"AYY, KALABAW!"

"A-Ano?! HAHAHAHAHA!!" napatingin ako kay Ken ng bigla syang tumawa. Sya pala ung kumalabit sakin ahh!

"Ba't ka tumatawa?!" nakasimangot at nakakunot ang noo na tanong ko sa kanya. Pero sya tawa pa din ng tawa. Paiyak na nga sya kakatawa at nakahawak pa sa tiyan nya.

'Pigilan nyo ko sasapakin ko 'toh!'

"Tumigil ka ngaaa!!" sigaw ko sa kanya. Unti-unti naman humina ang tawa nya at hinarap ako na nakangisi pa din.

"Sige na titigil na, pffftt.." at nagsimula ulit syang tumawa. Putek! Nababanas na ko ahh! Lalayasan ko na sana sya pero hinawakan nya ung kamay ko at pinaupo ulit ako.

"Sorry na....Sorry...Uhmmm...." ngayon naman nagsosorry sya. Hindi ko sana sya papansinin pero nakita kong namumula ung mukha nya at parang nahihiya sya. Kahit kasi dim ang lights dito mahahalata mong mapula sya kasi maputi sya!

'Edi sya na maputi!'

Nagkamot pa sya sa ulo nya habang awkward na nakangiti at nakatingin sakin.

"Pffftt....HAHAHHAHAHA!!" ngayon naman sya ang pinagtawanan ko. Ang cute kasi nya HAHAHAHA!! Para syang bata na nahihiyang humingi ng candy sakin, BWAHAHAHA!!

"Bakit ka tumatawa?" maya-maya ay tanong nya.

"Ala lang! Bakit?! Masama?!" tapos tumawa ulit ako. Pero naramdaman ko naman na parang seryoso na sya. Tinignan ko sya at kumpirmado, seryoso nga si g*go, NYAHAHAHAHA!!

Unti-unti namang umamo ang mukha nya at bumalik sa itsura nya kaninang nahihiya. This time, pinigilan ko muna ung tawa ko.

"P-Pwede ba k-kitang i-isa-----" hindi nya natapos ang sasabihin niya ng biglang sumulpot si Ely at hinila ko patayo.

"Sayaw tayo, 'men'! Dalii!!" excited na sabi nya. Wala naman akong nagawa ng hitakin niya ko papunta sa dance floor.

Nagsayaw nga kami, napapagod na ko ngayong gabi pero si Ely parang ang daming energy kaya nahawa ako. Nag-uusap kami habang nagsasayaw. Natapakan ko tuloy ung paa nya, NYAHAHAHAHA!!







Ken's POV

*~FLASHBACK~*

Naiwan akong tulala matapos hitakin nung lalaki si Louise. Grabe! Iniwan ako ng partner ko! Aayain ko na syang sumayaw eh, tsk!

Nanatili na lang akong nakaupo at pinagmamasdan sila. Ang saya-saya nila. Nag-uusap at nagtatawanan pa sila sa baba. Para na nga silang magjowa, tsk.

'Dapat ako yun eh! Dapat ako ung kasayaw nya!'

Naiinis ako sa sarili ko....ang bagal mo kasi Kenneth Miral! Wala sa lahi niyo ang pagiging mabagal!

Nanatili akong nakatitig sa kanila.....well, sa 'kanya'. Ang ganda nya nga eh. Ang kulit! Simple at hindi gaya ng ibang babae na maarte.

'Ako ang partner mo pero iba ang kasayaw mo? Grabe!'

Pero hindi! Hindi nya yun kasalanan! Mabagal kasi ako! T*nginang buhay toh! Tinamaan yata ako!

Di ko alam kung anong nangyari sakin pero nakita ko na lang ang sarili kong naglalakad papunta sa direksyon nila.

'Bahala na si Batman pero babawiin ko kung ano ang akin-----Este ang partner ko!'







Louise's POV

*~FLASHBACK~*

Nagtatawanan kami ni Ely ng biglang sumulpot sa kung saan si Ken. Nagulat kami dahil parang seryoso sya na ewan.

"Pwede ko bang makuha ang partner ko?" kalmado ngunit seryoso nyang usal kay Ely. Itinago naman ako ni Ely sa likuran nya.

'Ba't nya ba ko itinatago?!'

"Hindi mo ba nakikitang nagsasayaw kami?" seryoso din na ani ni Ely.

"Hindi mo ba alam na partner ko sya sa gabing to kaya may karapatan akong kunin sya." mararamdaman na ang inis sa tono ni Ken. Ngayon ko lang sya nakitang ganito. Napakaseryoso nya ngayon malayo sa Ken na palaging nakangiti.

Hindi na nakaimik si Ely. Nagtitigan lang silang dalawa na parang nagtitimbangan ng lakas.

'Hala! Baka magsuntukan ang dalawang to! Madadamay ako!'

Umalis ako sa likod ni Ely at hinarap sya.

"Men, thank you sa pagsayaw! Balik na ko sa partner ko, ahh! Bye!" cheerful na sabi ko para maiwasan ang tensyon na namumuo sa pagitan nila. Hinarap ko naman ngayon si Ken na hanggang ngayon ay nakatitig kay Ely. "Huy! Tara na!" tapos hinila ko sya para medyo makalayo kay Ely. Baka kasi mas lalo silang magkainitan.

Nagsayaw kami ni Ken. Nung una ay seryoso pa din sya pero unti-unti ng nawala nung dinaldal ko sya. Nagtatawanan din kami at buti na lang hindi ko sya natapakan gaya ni Ely.

*~END OF FLASHBACK~*

So, ayan ang nangyari kaya pagod na pagod ako at ang sakit sakit ng paa ko.

'Bwisit na heels!'

Naligo na ko at nagbihis sa kwarto. Tinignan ko sila isa-isa sa mga kwarto nila at nakita kong mahimbing na ang tulog nila. Nakakapagod naman kasi ang gabing ito.

Ready na ko sa pagtulog, yey! Nahiga na ko at pipikit na sana ng biglang tumunog ang cellphone ko.

*BEEP*

Nakita ko ang isang text galing kay Ken.

From: Ken

Thanks for being my partner. Goodnight. ^__^

Nagtype naman ako agad ng reply.

To: Ken

Thank you din! Goodnight. Sweet dreams ^__^

Pagkatapos non ay pinatay ko na ang cellphone ko at natulog ng may ngiti sa labi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Girls In LuvWhere stories live. Discover now