Chapter 22: Preparations #2

12 3 0
                                    

Althea's POV

*KINABUKASAN*

Maaga kong nagising dahil sa tumatawag sa cellphone ko.

"Hello??" medyo antok ko pang sabi.

"Hi. Nagising ba kita??" tanong ng isang pamilyar na boses sa phone.

Napabalikwas ako ng bangon at tinignan ko kung sino ang tumatawag. Nanlaki ang mga mata ko ng unknown number ang nakalagay.

"Pano mo nakuha ang number ko??!" irita kong tanong kay Aldrei. Oo, sya to. Boses pa lang nya alam ko na.

"Masama bang kunin ko ang number ng gusto ko at partner ko mamaya??"

"Pano mo nga nakuha ung number ko??!" inis ko ng tanong.

"Binigay sakin ng kaibigan mo. Si Cyndy ba yon??"

'Pakshet ka, Cyndy!! Humanda ka sakin mamaya pag nagkita tayo!!'

"Bakit ka tumawag??!"

"Tatanong ko lang kung pwede ka ngayon. Pupunta kasi akong mall para bumili nga isusuot ko. Para pareho tayo."

"Ano??!"

"Ang sabi ko, kung pwede ka ba ngayon----"

"Oo na. Tara na mag-aayos na ko."

'Sheeeeettt!! Bakit ako pumayag??! Di ko na pwedeng bawiin yon!!! AAAAAHHHH!!'

"Yess!! Uhmmm... San kita susunduin."

"Pakitanong mo na lang sa kaibigan mo... Si Jorenz. Sya kasi naghatid kay Max kagabi."

"Ahh, ok. Sige mag-ayos ka na tatanungin ko lang si Jorenz. Bye, Babe!!"

"Anong---- tut-tut-tut!!"

'Ano daw??! Babe!! Yuck as in Yuck talaga!!'

Naligo na ko at nag-ayos. Suot ko ang isang medyo maikling shorts at white t-shirt na may nakalagay na "Be Confident" at isang sandals na di gaanong mataas ang takong. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba agad ako.
Naabutan ko ung tatlo na kumakain ng breakfast.

"Oh, san lakad mo?" tanong ni Louise.

"Uhhmm... Sa mall lang. Magpapaayos ako para sa aquaintance mamaya."

"Sinong kasama mo??" tanong naman ni Suanne.

"Ahhh.. Si... A-Aldrei." kabado kong sabi.

"Ahh, ung lalaking sinapak mo." sabi ni Maxine tapos ngumisi.

"Teka nga pala! Di ba kayo sasama sa aquaintance, Louise??" tanong ko.

"Sasama kami kahit wala kaming date. Hahahahha!!" sabat ni Suanne.

"Oh sige na, mukhang anjan na eh. Hahahahaha!!" pang-aasar ni Louise.

Laking pasasalamat ko dahil ok na sa kanila na magpaligaw ako. "Sige, alis na ko."

"Ingat!!" sabay kaway nila sakin.

Lumabas ako at nakita ko si Aldrei na nakasandal sa kotse nya. Grabe, ang hot nya.

'Teka!! Ba't ko ba sinabi yon??! Erase, erase, erase!!'

"H-Hi!!"

"Hi, miss beautiful!!"

"Bolero, amputs." bulong ko. Mukhang di nya naman narinig kasi todo ngiti pa rin sya. Sarap nyang sapakin hanggang sa isang ngipin nya na lang ang matira. Hmp!

"Ladies first." at iginaya nya ko sa may front seat ng kotse nya. Pinagbuksan nya pa ko ng pinto.

"Thanks."

Pumasok na sya sa driver's seat at pinaandar na nya ung sasakyan. Sandaling katahimikan ang namutawi sa pagitan namin bago ko yon binasag.

"Wala ka bang motor?!" iritado kong tanong.

"Bakit, Babe? Mas gusto mo ba ang motor para makayakap ka sakin?" tapos tumawa sya. Ung nakakainis na tawa. Bwiset! Kung wala lang kami sa kotse nya kanina ko pa sya nasapak.

"T*ng*na! Ang assuming mo rin eh noh?! Saka anong babe ka jan tigil-tigilan mo ko sa kabi-babe mo at baka magdilim ang paningin ko!" pagbabanta ko pero tumawa lang ang p*ta.

"Sige na nga. Tatawagin na lang kitang babe kapag tayo na." nakangisi nyang sabi.

"ANO?! Di ka nga nanliligaw--- este di man nga lang tayo magkaibigan tapos magiging tayo?! T*ng*na!" iritado na talaga ko sa lalaking to. Ba't ba pumayag pa ko sa gusto nito. Hmp!

"Gusto mo bang ligawan muna kita? Edi, ok!! Manliligaw ako kung para sa babaeng mahal ko." nakangiti nyang sabi.

Natigilan ako sa sinabi nya. Parang biglang huminto ang oras maging ang pagtibok ng puso ko.

'Teka nagjo-joke lang naman ako ah! Ba't tototohanin nya?! Seryoso ba sya?'

"And stop the curses, Babe." tapos ngumiti sya sakin.

'Tang-i-na'

Girls In LuvWhere stories live. Discover now