Chapter 27: Aquaintance Party 3.0

6 1 0
                                    

Suanne's POV

Tignan mo 'tong sina Maxine at Althea. Sinasampal yata sa pagmumukha ko na wala akong date at sila ay nakikipagsayaw sa mga dates nila, tsk!

Nakakabanas naman! Last aquaintance ko na 'to, oh! Wala man lang bang mag-aaya sakin?! HUHUHUHU!

Nakita ko din na nagsisipagpuntahan na ung iba kong kaklase papunta sa dance floor.

'Hirap maging single.'

Nanatili lamang akong nakaupo at pinagmamasdan ang mga couples sa dance floor.

'Parang gusto kong sumigaw ng 'WALANG POREBER, MAGBIBREAK DIN KAYO, YAWA!''

Pero pinigilan ko ang sariki ko. Mahirap na mapalabas pa ko dito, nyahahaha. Napasimangot na lang ako at kinuha ang cellphone ko sa sling bag na dala ko.

'Makapagstatus update nga, NYAHAHAHAHA!'

Habang nagtatype ako, napansin ko na may isang lalaking naglalakad patungo sa akin.

'Shet, ito na ba yon? May mag-aaya na ba sakin? KYAAAAAAHHH!!'

Para kong tanga na nakangiti mag-isa dito habang pinagmamasdan ang matipunong lalaking palapit sa akin. Nung palapit na sya ng palapit, tatayo na sana ko pero nagulat at natulala ako ng bigla syang lumiko at puntahan ang isang babae. Nagyakap pa sila bago pumunta sa dance floor.

'Shet, pahiya nga jan.'

May narinig naman ako na biglang tumawa sa bandang likuran ko. Pagtingin ko nandun ung pinakademonyong lalaki na nakilala ko. Bwisit! Nakangisi sya at nakatingin ng diretso sa akin. Nakakabanas! Sinamaan ko muna sya ng tingin bago sya talikuran. Napabuntong-hininga ko at napasimangot.

'Bwisit naman kasii!'

Ramdam ko ang pagtitig ng demonyong nasa likuran ko kaya naman nagpanggap akong kinakalikot muli ang phone ko. Pero hindi pa din sya tumitigil.

'Siguro pinagtatawanan na ko nito, bwisit!'

Haharapin ko na sana sya at tatarayan pero napatigil ako sa nakakaakit na tinig na bumulong sa aking tainga.

"Sabihin mo lang kung gusto mong sumayaw....para maaya kita. Kanina pa ko nagpipigil eh, alam ko kasing tatarayan mo lang ako. HAHAHA!" malalim na usal nya.

Napalunok ako dahil sa tinig nyang iyon. Hindi ko alam pero nakakapanginig at nakakapanlambot iyon.

'Ano bang pinagsasasabi mo, Suanne?!'

Sinikap kong tapangan ang loob ko at hinarap sya. Pero pagharap ko....Shit! Pagharap ko, laking gulat ko na iilang centimeter na lang pala ang layo ng mukha namin sa isa't isa. Muntik na kaming magkahalikan!

Hanggang ngayon, gulat na gulat pa din ako habang sya naman ay nakabawi na sa gulat at biglang ngumisi.

"Hindi yata sayaw ang gusto mo eh." pang-aasar nya na sinabayan nya ng nakakairitang tawa.

"A-Ano?!" medyo nauutal na sabi ko. Nakabawi na rin naman ako kahit papaano sa gulat pero ngayon nakakunot na ang noo ko dahil sa sinabi nya.

"Gusto mo yata kong halikan eh, HAHAHAHA!" literal na nanlaki ang mata ko pagkasabi nya non. HA! Asa sya noh! Napakakapal ng pagmumukha nya! Mas makapal pa sa pinagpatung-patong na karton, kahoy at iba pa!

'Aaahhhh!! Nakakabanas syaaaa!!!'

Tinawanan ko lang sya, ung sarkastikong tawa. "Ang kapal ng mukha mo ah. San ka ba pinaglihi? Sa illustration board? Kasi ilusyonado na nga makapal pa!" tas tumawa ko ng pagkalakas-lakas. Wala na kong pakialam kung pagtinginan kai ng mga tao dito basta makabawi lang ako sa pang-aasar nya sakin. Bleh!

Pero imbis na mainis yata sya eh nakitawa pa sakin. Putek, tao ba sya?!

"Alam mo---"

"Hindi pa, hindi mo pa naman sinasabi eh." pambabara ko sa kanya.

"Kaya mga sasabi----"

"Not interested." tapos tumayo ako at umalis na don. Pupunta na lang ako sa mga kaklase kong nagtatawanan sa isang tabi. Kahit na ma-op ako, wag ko lang makasama ung demonyong yun.










~~~~~~~~~~~~~~~
Arvic's POV

Bwisit na babaeng yon! Nilayasan ba naman ako! Bwisit, akala mo naman maganda, tch.

Unang kita ko palang sa kanya, alam kong masungit na sya. Palaban ba, pero maingay.

'Yan kase gusto ko sa babae, para challenging.'

Sa gwapo ko ba naman kasing to, babae na ang lumalapit sakin. Mga pabebe at walang challenge. Kaya nung nakilala ko yan, sus! Pag napa-ibig ko yan, ibig sabihin kagaya din sya nung mga babaeng yon. Pero pag ako ang......

'No! NOOOOOO WAAAYYY IN HELL NA MAIINLOVE AKO SA BABAENG YAN! HAHAHAHA! Tignan na lang natin kung hanggang saan sya.'

Naalala nyo ba ung description ni Jorenz sakin? PinakaSERYOSO?! Pweh! Hindi totoo yon! Well, sa bahay minsan pero dito sa school? HA! Kahit transferee lang ako, playboy 'to parr!

Minsan naabutan ko ung locker ko na may mga love letters na tinatapon ko lang sa bahay. O kaya naman mga nag-aabang sakin na babae para ibigay ung mga regalo nila. BWAHAHAHA! Oh, diba ampogi ko noh!

Lahat ng babae nahuhumaling, pati bakla nababaliw, lalaking naiingit din sa akin, pero bakit ikaw Suanne Min hindi ko kayang maging akin?

'Rhyme yan pre! Ang galing ko noh? Pero ung part na dulo ibig sabihin mapaibig lang ah! Sya lang ung mafafall, hindi ako kasama ok?! Wag nyong bigyan ng AMNESIA----este MALISYA!'

Girls In LuvWhere stories live. Discover now