Hi, Ako si Kaiden Tyler, ang matalik na kaibigan noon ni Rie, Nakalipas na yon dahil hindi na nya ako naaalala dahil sa isang aksidente last year, naglaho lahat ng mga pinagsamahan namin. Nagka-Amnesia sya.
Alam ko na nagsisinungaling lang si Kuya Joseph nang sinabi nyang pupunta sya sa Cr. Alam ko na kakausapin nya ako.
At tama nga ang hinala ko.
"Ano ba talagang kailangan mo sa kapatid ko?" Seryosong tanong nya. Kinakabahan ako dahil kasalanan ko naman lahat. Kasalanan ko kung bakit hindi na nya'ko maalala.
"Kuya..." Sabi ko.
"Ano ang kailangan mo sa kanya?" Ulit na tanong nya. Kaya mas lalo akong kinabahan.
"Kuya, Namimiss ko na ri Rie. Wala parin ba syang maalala? Kahit konti?" Malungkot na tanong ko at halata rin ang lungkot sa mga mata nya.
"Wala pa. At wala ring nakakaalam kung makakaalala pa ba sya. " At dahil sa sinabi nya, hindi ko alam pero naiiyak ako. Namimiss ko na sya.
"Namimiss ko na sya. " Mahinang sabi ko dahil yon naman ang totoo.
"Madalas sumakit ang ulo nya ngayon, sapalagay ko may mga konting pangyayari na pumapasok sa utak nya. Madalas din namin syang makita na malalim ang iniisip. " Seryosong sabi nya kaya medyo nasiyahan ako sa narinig.
"Sana maalala na nya ako. Kuya, hanggang ngayon nagsisisi ako sa nagawa ko. Sana mapatawad nyo pa ako. " Paghihingi ko ng tawad dahil sising-sisi talaga ako.
"Matagal kana naming napatawad, Kaiden. Tsaka, wala ka namang kasalanan don, yon lang talaga ang itinakdang mangyari. " Seryoso pa ding sabi nya.
"Salamat. " Sabi ko at ngumiti. Ano ba yan! Nagmumukha akong bakla neto e.
"Sige. Mauna na ako, ah? Baka naiinip na yon. " Sabi nya at tumalikod na.
Pagkaalis nya, hindi ko maiwasang hindi isipin ang nangyari noon
Flashback:
Birthday ngayon ni Rie, Yayayain ko syang pumunta sa resort namin dito din sa Pampanga. At sana, pumayag sya.
"Rie, gusto mo bang sumama sakin sa Resort namin?" Tanong ko.
Sana pumayag sya kasi wala namang syang kasama at hindi din sya nagcecelebrate kasama ang Pamilya nya, nasa Canada kasi ang kuya nya, then ang parents nya, nasa Korea, business Matter.
Alam kong malungkot sya ngayon dahil wala ang pamilya nya, kaya niyayaya ko sya.
"Sige. Kailan tayo aalis?" Masayang tanong nya.
"Gusto mo ngayon na?" Tanong ko sakanya.
"Sige. Ilang araw ba tayo doon? Para makapagdala ako ng mga damit ko. " Sabi nya. Pwede naman kaming mag overnight doon e.
"2days tayo don. Don't worry, nakapag paalam na rin naman ako sa parents mo at pumayag naman sila basta daw iuwi ulit kita dito ng buo. " Sabi ko. Hahaha napapatawa nalang ako lagi ang naiisip ko ang bilin nila sakin.
"Okay, then. Sasama ako. Wait lang, ah? aayusin ko lang ang mga damit na dadalhin ko " Tumango lang ako sa sinabi nya.
--
Habang hinihintay sya, nagiikot-ikot muna ako sa sala nila, maraming mga Family Pictures nila dito, meron ding mga solo pictures nila.
At nang makita ko ang solo pic. nya, kinuha ko iyon at tinitigan, ang ganda nya dito, ito yung picture na kinuhanan ko sakanya nung 15th birthday nya. Last Year yon.
BINABASA MO ANG
The Reader And The Writer (ON-GOING)
Non-FictionDate Started: June 1, 2018. Hi! Meet Celestine Gabriell Gonzalo Mendoza, 17 years old. Simpleng Babae lang sya na walang hilig sa pagbabasa ng anumang klaseng libro, maliban nalang sa Math and English Books. Pero dahil sa girlfriend ng kuya nya...