Chapter 9

28 2 0
                                    

*Continuation of Chapter 8*

Lutang na lutang ako habang nagdidiscuss ang Teacher namin, Hays,  bakit kaya ganyan ang kinikilos nina Mom at Dad? At bakit parang tutol sakanila si Kuya?

Hays,  sa kakaisip, di ko namalayan na nakatulog ako. Nagising nalang ako nang mag ring na ang bell. Breaktime na.

"Oy! buti maayos ang timpla kanina ni Ma'am, nako kung hindi baka nahagisan kana non ng eraser!" Natatawang sabi sakin ng isa kong kaklasi, Si Mia.

"Hahaha, kaya nga e." Tawa ko.

"Hoy! tama na yang kwentuhan! Gutom na ako!" Sabi ni Sheena kaya tinawanan namin sya,  lagi naman kasi itong gutom pero di naman tumataba.

"Tara na." Sabi ni Venice at hinila na kaming dalawa ni Sheena papunta sa aming school canteen.

"Byeeee!" Narinig ko pang sigaw ni Mia bago kami tuluyang makalabas ng Classtoom.

~
Pagkarating namin sa School Canteen,  umupo na ako, yung dalawa naman, nago-ordee ng pagkain namin.

Hays, inaantok pa ako.

Yuyuko na sana ako nang biglang may isang lalaking tumabi ng upo sakin.

At ng tignan ko sya,  nginitian nya'ko. I Smiled back.

"Hi, rie." Nakangiting sabi nya, Ang gwapo talaga nya.

"Hello, Kaiden." Nakangiting kong sabi.

Magsasalita ako nang biglang tumikhim si Sheena, nandito na pala sila.

"A-Ahh." Hindi ko alam kung anong sasabihin kooo!!!

"Hahaha, una na'ko, Rie." Sabi ni Kaiden kaya nginitian ko sya, Tumalikod na sya at bumalik sa pwesto nila ng mga kaibigan nya.

"Hoy, ano yung nakita namin, ha?" Pag-uusisa ni Sheena, kahit kailan talaga tong babae na'to napaka chismosa. -_-

"Wala!" Sigaw ko at nagsimula ng kumain. Tinawanan naman nila akong dalawa ni Venice. Psh.

Pagkatapos naming kumain, pumunta na ulit kami sa classroom dahil after 7mins, mag sisimula na ang klase.

-
"Girls, uuwi na ako,  masama ang pakiramdam ko e,  pakisabi nalang kina ma'am. " Sabi ko kina Sheena at Venice,  tumango naman sila at nakipagbeso sakin.

Paglabas ko ng classroom,  sakto naman na lumabas din si Kaiden sa classroom nila,  magkatapat lang kasi ang classroom naming dalawa e.

Lalagpasan ko na Sana sya pero nagsalita sya.

"Saan ka pupunta? " Tanong nya sakin.

"Bahay." Tanging sagot ko dahil sumakit lalo ang ulo ko.

"Bakit? " Takang tanong nya at lumapit sakin,

"Masama kasi ang pakiramdam ko. " Sabi ko at tumingin ng deretso sa kanyang Mata.

Hinawakan nya ang kamay ko at inakay papunta sa parking lot. Teka, huwag mong sabihin na sasama to sakin?  Nooooo!

"Saan mo'ko dadalhin?! " Tanong ko sakanya nang pinasakay nyako sa kotse nya,

"Ihahatid na kita, baka mapano kapa sa daan e. " Seryosong Saad nya at nagsimula ng magmaneho palabas ng aming school.

"Masama parin ba ang pakiramdam mo? " Tanong nya at ipinark ang kotse nya sa parking lot ng isang restau.

"Oo, teka, anong gagawin natin dito? " Tanong ko,

"Bibili lang ako ng pagkain, Alam ko naman na gutom kana. " Sabi nya ng nakangiti at lumabas na ng kotse.

Napatulala naman ako,  bakit Alam nya?

-
Pagkalipas ng ilang minuto, bumalik na sya, bitbit yung mga pagkaing inorder nya, bakit andami?

"Bakit andami naman nyang inorder mo? " Kunot-noong tanong ko sakanya.

"Sainyo na din ako maglalunch, tinanong ko Rin Sina tita kung may pagkain na ba sainyo, sabi nya wala, so... " Nakangiting sabi nya at itinaas pa yung mga inorder nya.

Napatango naman ako at tumahimik na. Nagsimula narin syang mag drive ulit.

Pagkarating naman sa bahay, pinagbuksan na kami ng gate ni Mom.

"Hey, masama daw pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong ni mom nang makababa na ako sa kotse.

"Opo, mom. " Sagot ko.

"Okay. Kain na tayo ng lunch,  para makapag pahinga kana rin. " Sabi ni mom at nauna ng pumunta sa kusina.

"Tara na. " Aya sakin ni Kaiden at hinila na nya ko papunta sa kusina.

-
Pagkarating namin sa kusina, wala Sina Dad and Kuya, baka nasa work sila.

"Pagkatapos mong kumain, take your meds, then,  take a rest." Paalala sakin ni mom, tinanguan ko lang sya at nagpatuloy na sa pag Kain.

-
Pagtapos Kong kumain, uminom lang ako ng gamot at paakyat na sana sa aking kwarto nang mapansin ko na sinusundan ako ni Kaiden. What's wrong with him?

"Bakit moko sinusundan? " Tanong ko sakanya.

"I-Ihahatid lang kita sa kwarto mo. " Nauutal na sabi nya. Bakit sya nauutal? PSH.

Pagkarating sa kwarto,  nginitian ko lang sya at sinara na ang pinto.

Humiga ako sa kama ko at kinuha yung book na lagi Kong binabasa. Yung 'Our Story'

Hindi ko alam pero, pag binabasa ko ito, feeling ko,  nangyari na mismo sa buhay ko. Parang nangyari noon.

Lalong sumama ang pakiramdam ko kaya natulog nalang ako.

-
Pagkagising ko,  7: 30pm na, busog pa naman ako kaya Hindi na ako bumangon para kumain ng dinner. Itinuloy ko nalang ang pagtulog ko.

After 30mins, naramdaman ko na parang may tumatapik sa pisngi ko,  iminulat ko ang mga Mata ko ng dahan-dahan.

"Kain Kana muna, para makainom ka ng gamot. " Sabi sakin ni Kaiden ng nakangiti.

Kumunot naman ang kilay ko dahil nandito parin sya,  akala ko ba ihahatid nya lang ako sa kwarto ko kanina? Well...

Tumango lang ako at dahan-dahang bumangon, inalalayan naman nya ako.

Nagpasalamat lang ako sakanya at kumain na.

Pagkatapos Kong kumain, ininom ko yung gamot na binigay nya sakin at natulog na ulit.

Bago ako tuluyang dalawin ng antok, narinig ko pa ang makina ng kotse nya, mukhang umalis na sya.

The Reader And The Writer (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon