Nainip ako dahil ang tagal ni kuya kaya nakatulog nalang ako sa kotse.
Nagising nalang ako nang maramdaman kong gumagana na ang kotse.
"Kuya, bakit ang tagal mo?" Kunot-noong tanong ko dahil ang sabi nya, pupunta lang sya sa Cr.
"Wala." Tanging sagot lang nya kaya tumahimik nalang ako.
---
Nang makarating kami sa bahay, 7:00pm na kaya nagbihis lang ako ng pambahay na damit at pumunta na sa kusina para mag Dinner."Let's eat." Anunsyo ni Daddy kaya kumain na kami.
Habang kumakain, nagkukwentuhan sina Mommy, OP ako dahil about Business ang pinag uusapan nila, e wala naman akong alam tungkol don.
Pagkatapos kong kumain, nagpaalam na ako sakanila para umakyat na sa kwarto ko.
Pagkaakyat ko, Kinuha ko ang librong babasahin ko ngayon, natapos ko na kasi yung isa.
Ang title nito ay 'Our Story' ni Kuyang Author. Idol na idol ko talaga sya dahil sobrang galing nya gumawa ng story, napaka realistic kasi.
Humiga na ako sa kama ko at sinimulan ng binasa iyon.
Nagtataka ako dahil lahat ng nababasa ko, pumapasok sa isip ko. Para bang nangyari na noon.
Biglang sumakit ang ulo ko kaya tinigil ko muna ang pagbabasa.
Tinulog ko nalang yon.
----
Pagkagising ko, tatayo na sana ako ng napansin kong madilim pa, pag tingin kp sa orasan, 12:15am palang pala. Hays, lagi nalang akong nagigising ng madaling araw.
Sinubukan kong matulog ulit pero hindi ko magawa, kaya nanood nalang ako ng Anime. Hindi muna ako nagbasa dahil kinikilabutan ako.
At nang mag 2:30am na, inantok na ako kaya natulog na ako dahil may pasok pa ako ng 7:30am.
---
Nagising ako dahil sa tunogng alarm clock ko.Bumangon agad ako at niready ang susuotin ko. Pumasok na ako sa banyo para maligo.
---
Pagkatapos kong maligo, lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na para makakain."Good Morning!" Maligayang bati ko sakanila at umupo na sa pwesto ko.
"Good morning. " Bati din nila sa akin.
"Musta ang First Day mo?"Tanong ni Daddy habang kumakain kami.
"Masaya naman po, Dad." Nakangiting sagot ko sa tanong nya.
"Hmmm." Tatango-tangong tanong nya.
"Btw, nag hired ako ng driver mo. Although, Hindi sya totally na Driver, dahil sakanya kana sasabay sa t'wing papasok ka ng school. Anak sya ng kaibigan ko." Mom said, out of the blue.
"Ahhh, Sino sya, Mom?" Tanong ko.
"Kaiden ang pangalan nya. " Nakangiting sabi nya, dahilan para manlaki ang mga mata ko.
Magsasalita na sana ako nang biglang magsalita si kuya, Based on his voice, i know he's mad.
"What the hell?! Mom naman!" Sinamaan sya ng tingin ni Dad kaya tumahimik na sya.
"Shut up, Jerome!" Maotoridad na sabi sakanya ni Daddy kaya yumuko nalang sya at nag sorry.
"Kailangan nya ito para makaalala, Jerome. " Sabi ni Dad kay kuya.
"Sino po? Anong makaalala?" Naguguluhang tanong ko.
Magsasalita na sana si Dad nang biglang may kotseng bumusina sa labas ng bahay.
"Ayan na siguro si Kaiden. " Nakangiting sabi ni mom at tumayo, mukhang pagbubuksan nya ng pinto si Kaiden.
Pagkalipas ng ilang minuto, bumalik na si Mom, kasama ang isang lalaki.
"Good Morning po, Tito, Kuya Jerome, at Rie. " Nakangiting sabi nya at yumuko pa ng bahagya.
"Pwede ba, tigilan mo na ang pagtawag sakanya ng Rie?" Iritadong sigaw ni kuya kay Kaiden.
"Manahimik ka dyan, Jerome!" Galit na sigaw ni Dad sakanya.
Hindi nalang umimik si kuya. Tumayo ito at Lumabas na ng bahay. Tinawag pa sya ni Mom nguniy hindi na sya pinansin nito.
"Mom, ano po ba talagang nangyari?" Naiiyak na tanong ko dahil wala akong kaalam-alam.
Magsasalita na sana si Mom pero inunahan sya ni Kaiden.
"Tita, male-late na po kami. " Paalala ni Kaiden.
"ohh, osige, ingat kayo ha?" Paalala ni Mom. Tumango lang si Kaiden at kinuha ang kamay ko.
"Tara na." Aya nya at hinila na'ko palabas ng bahay.
"Ano ba! Nasasaktan ako!" Reklamo ko dahil humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko.
Hinila ko ang kamay ko na dahilan para mabigla sya.
"Sorry." Garalgal ang boses na paghihingi sya ng tawad. Gumagalaw din ang mga balikat nya. Is he crying? Why?
Lumapit ako sakanya at iniangat ang ulo nya, nabigla ako ng makita kong basang-basa ang pisngi nya, umiiyak nga sya.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko pero di nya'ko pinansin. Pumasok na sya sa kotse kaya pumasok na rin ako.
Pagkapasok namin sa kotse, pinunasan ko ang pisngi nya gamit ang Kamay ko. Nabigla sya sa ginawa ko, nabigla din ako. Hindi ko alam kung anong tumulak sakin para gawin yon.
"S-sorry." Paumanhin ko at ibinaba na ang kamay ko.
Tinignan nya'ko at ngumiti, pero kitang-kita mo parin ang lungkot sa mga mata nya.
" Miss na miss na kita, Rie. " Sabi nya at pinaandar na ang kotse.
Pagkarating namin sa school, bumaba agad ako at nauna ng pumasok sa kanya, pinark nya pa kasi ang kotse nya.
~
As usual, lutang ako nung nagsimula na ang klase.
BINABASA MO ANG
The Reader And The Writer (ON-GOING)
Non-FictionDate Started: June 1, 2018. Hi! Meet Celestine Gabriell Gonzalo Mendoza, 17 years old. Simpleng Babae lang sya na walang hilig sa pagbabasa ng anumang klaseng libro, maliban nalang sa Math and English Books. Pero dahil sa girlfriend ng kuya nya...