Chapter 6

16 2 0
                                    

Kinabukasan, nagising ako na gutom dahil hindi ako nakakain kagabi ng dinner, diba nga, nakatulog ako?

Bumangon agad ako at pumasok sa banyo para maghilamos.

Pagkatapos,  lumabas kaagad ako ng kwarto ko at dumiretso sa kusina para kumain. Nakita ko na ring nakaupo doon sina Mommy, Daddy at kuya.

"Good morning. " Bati ko sakanila at umupo na sa pwesto ko.

Agad akong nagsandok ng kanin at ulam, sabay kain no'n. Gutom talaga ako. Narinig ko pa ang tawa ni kuya, ang takaw ko daw kasi.

"Hindi nga kasi ako nakakain kagabi dahil nakatulog ako!" Masungit na sabi ko dahil lahat sila ay tumatawa na. Kabanasss!!!!

By the way, ngayon ang first day of school namin, naalala ko na walang maghahatid sakin kaya tinawag ko si kuya.

"Kuya?" Tawag ko.

"Yeah?" Sagot nya naman.

"Pwede mo ba akong ihatid sa school?  Wala kasi akong kasabay papasok e." Sabi ko.

"Oo naman. Kaya dalian mo dyan at maligo kana. " Nakangiting sabi nya at ginulo ang buhok ko. Tumango lang ako at tinuloy na ang pagkain.

Pagkatapos kong kumain, umakyat agad ako sa kwarto ko at inihanda ang susuotin ko bago ako naligo.

Pagkatapos kong maligo, sinuot ko na ang Uniform ng school namin. Nagliptint din ako ng konti at ng pulbo.

At ng ma-satisfied na ako sa itsura ko, bumaba na ako at kinuha na ang bag ko sa upuan.

Hinanap ko si kuya para makaalis na kami, medyo late na rin kasi e.

"Kuya!" Sigaw ko ng makita kong nasa  garahe na pala sya, di man lang ako tinawag.

"Oh, tapos kana?" Tanong nya kaya tumango ako at sumakay na sa front seat ng kotse.

Pumasok muna si kuya sa loob ng bahay para magpaalam kina mommy.

Pagkabalik nya, umalis agad kami.

---
Habang nagdadrive si kuya, Nakatingin lang ako sa labas ng bintana.

"Ayusin mo ang pag-aaral mo, ah?" Bilin ni kuya habang nag dadrive

"Oo naman, Kuya!" Nakangiting kong sabi dahil talagang aayusin ko naman ang pag-aaral ko, Dahil gustong-gusto kong makapasok sa Top 10. Masaya na no'n ako kahit di ako ang Top 1.

"Good." Nakangiting sabi ni kuya at ginulo ang buhok ko kaya tinampal ko ang kamay nya   ang hirap kaya mag ayos ng buhok!

"Kuya naman!" Sigaw ko at sinamaan sya ng tingin. Tinawanan nya lang ako.  Kakaasar naman 'tong si kuya! huhuhu...

~~

Pagkarating namin sa school, humalik lang ako sa pisngi ni kuya at bumaba na ng sasakyan.

Naglalakad-lakad ako ng may biglang nahagip ang mga mata ko, sya yung lalaking laging tumatawag sakin na 'Rie', sya yung nag chat sa akin. Familiar ang mga mata nya kaya agad ko syang nakilala.

Pupuntahan ko sana sya sa kinaroroonan nya ngunit mabilis syang umalis. Pero,  bakit? May alam ba sya sakin? Hays,  nakakakilabot kaya isinawalang-bahala ko nalang.

~~
Nahanap ko na ang room ko, nakaupo na rin ako sa pwesto ko. By the way,
HE ang  course ko dahil may Bread And Pastry doon. Bawal na daw palitan kasi sinci grade 9, Cookery ang kinuha kong course.

Okay lang naman kasi gusto kong matutong mag-bake,  para pag nagugutom ako, makakapag-bake ako on my own,  then kakain ko ang mga binake ko while reading book. Bongga diba? hehehe.

Dumating na din ang Adviser namin and as usual, nagpakilala lang kami sa harap at nag -get to know each other-. Marami na din akong naka-close sakanila dahil mga wattpad readers din kasi, And,  parang mas masaya ang school year na'to kaysa last school year,  kasi wala akong classmates ma wattpadders last year e.

After no'n, break time na namin kaya dumiretso na kami sa School Canteen. By the way, kasama ko si Sheena Park,  Anak sya ng may ari ng school na'to.  Tapos si Venice, Pinsan sya no Sheena. Mga wattpad reader din sila.

~~~
After break time, Dumiretso na agad kami sa classroom dahil may bibisita daw samin, Grade 12 student Sasabihin daw nya samin ang nga rules and regulations ng school,  kasi nabago na daw.

At ng kumpleto na kaming magkakaklase. Pumasok na ang isang Grade 12 student,  nakayuko sya kaya hindi ko masyadong makita ang mukha nya. Pero no'ng tumingin na sya samin, parang tumigil ang mundo ko no'ng makilala ko sya. Sya si---

Natigil ang sasabihin ko ng magsimula na syang magsalita.

"Hi. Good morning, Everyone. " Paniwala nya, nakangiti sya saaming lahat kaya kitang-kita ang mapuputi at pantay-pantay nyang ipin.

"I am Kaiden Tyler Dela Cruz, The President of this school..." Pagpapakilala nya at sinabi na ang mga Rules At Regulations na dapat naming gawin at sundin.

After that, uwian na namin kaya tinext ko na si kuya para sunduin na nya ako.

Me: Kuya, sunduin mo na po ako.

Kuya: Okay. I'll fetch you. Give me a minute.

Yan ang sinabi nya kaya hinintay ko na sya. Sa pag hihintay ko sakanya, ako nalang ang natira dito sa waiting shed hanggang sa may isang lalaking tumabi sakin. Napaka lapit nya kaya umusog ako ng konti.

"Hi." Nagulat ako nang bigla syang magsalita.

Hindi ko sya pinansin dahil kinikilabutan ako sa tono ng boses nya. At ng tignan ko sya, nagulat ako dahil sya si Kaiden, ang President ng school at ang lalaking laging sumusunod sakin.

"Anong kailangan mo?" Deretso kong tanong sakanya.

"Musta kana?" Tanong nya na para bang may nangyaring masama sakinkahit wala naman.

"Okay lang ako. Wala namang nangyari. " Sabi ko.

"Siguro nga hindi mo pa naaalala. " Malungkot ang mga matang sabi nya sakin.

Magtatanong pa sana ako kung ano ang ibig nyang sabihin ng biglang dumating si Kuya.

"Tine, pasok kana sa kotse. Pupunta lang akong Cr. " Sabi ni kuya kaya tinanguan ko sya at naglakad na papunta sa kotse.

The Reader And The Writer (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon