Pagkagising ko kinabukasan, agad akong tumayo at dumiretso sa banyo para maligo, ang lagkit na ng katawan ko e haha.
Btw, today is sunday, maaga akong nagising dahil magsisimba kami. Kahit hindi na sabihin nina Dad na magsisimba kami pag sunday, alam na namin kasi nakasanayan na.
Pag saturday, Hiwalay ma bonding ang nangyayare haha then, pag sunday naman, Family Bonding na namin and, of course, Bonding with god...
Pagkatapos kong maligo, nagbihis at bumaba na ako para mag breakfast. Pagkarating ko sa Dining Area, kumpleto na sila kaya bumati ako.
"Good morning, Mom, Dad and kuya. " Bati ko sabay halik sa mga pisngi nila.
"Good morning, babygirl. " Bati din sakin ni kuya.
"Kain na tayo, para hindi tayo ma-Late sa mass. " Anunsiyo ni Dad kaya kumain na kami.
---
Pagkatapos naming kumain, sumakay na kami agad sa kotse dahil after 30mins, magsisimula na ang mass.
Nandito kaming dalawa ni kuya sa Backseat, si mommy sa frontseat at si Daddy naman ang nag d-drive.
Pagkarating sa simbahan, agad kaming pumasok at pumwesto sa gilid.
--
After naming magsimba, pumunta kami sa isang Korean Restaurant para mag lunch, magtu-twelve pm narin kasi haha.Nakaupo na kaming lahat ngayon, Si daddy ang nag-oorder, madalas kasi sila rito ni mommy, Dito kasi sila unang nagkakilala. Yeah, gano'n na katagal itong Restau na'to hahaha.
Pagkarating ng inorder ni dad, kumain na agad kami dahil gutom na gutom na talaga ako.
Pagkatapos naming kumain, nag cr lang kami ni mommy at umuwi na.
Pagkarating namin sa bahay, 2pm na, nagbihis ako ng pambahay at humiga sa kama. Kinuha ko yung bagong libro na nabili ko at binasa iyon, Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa pagbabasa.
----
Nagising nalang ako ng past 5pm na, Tumayo na ako at nag half bath, naiinitan kasi ako. Pagkatapos kong maligo, nagbihis agad ako,plain white tshirt at Shorts lang ang suot ko, di naman kasi ako lumalabas ng bahay pag ganitong oras, madilim na kasi sa daan.Pagkatapos kong magbihis, tumapat ako sa salamin at ng liptint at pulbo.
Pagkatapos, bumaba na ako, habang pababa na ako, nakasalubong ko si mama.
"Anak, bili ka nga saglit ng juice sa kanto, wala pa kasi ang kuya mo e." Sabi ni mommy. Tumango nalang ako at bumaba na ng tuluyan.
Hindi na ako humingi ng perang pambili sakanya kasi meron naman na ako, may allowance pa kasi ako e.
Pagkalabas ko ng buhay, makulimlim, mukhang uulan pa kaya nagmadali nalang ako sa paglalakad.
At nang makarating na'ko sa tindahan, agad akong bumili ng juice, isang dosenang juice.
Pagkatapos kong magbayad, aalis na sana ako nang biglang umulan ng malakas.
"Ano ba yan!" Asar na sigaw ko dahil hindi ako nagdala ng payong. Dito na muna ako, susunduin naman siguro ako nina mommy.
---
30mins na akong naghihintay doon, hanggang sa may limapit sa'king lalaki na may hawak na payong, inabot nya sakin ito pero nagdadalawang-isip ako kung kukunin oo ba yon o hindi."Kunin mo na, naggagabi na oh, baka hinahanap kana sainyo. " Seryosong sabi nya, hindi sya nakatingin sakin, parang nahihiya sya o ayaw nya lang magpakita ng mukha sakin.
Hindi ko alam kung anong tumulak sakin para kunin yon, Namalayan ko lang na naglalakad na ako pauwi sa bahay namin. Nagpa ulit-ulit din sa utak ko ang boses nya, familiar kasi yon. Para bang narinig ko na noon pero isinawalang bahala ko nalang.
Pagkauwi ko, sermon agad ang napala ko, Bakit daw ngayon lang ako bakabalik. Sinabi ko nalang na may pinuntuhan ako.
"Mom, aakyat muna po ako sa kwarto ko." Paalam ko, tumango naman sya kaya naglakad na ako papunta sa kwarto ko.
Aakyat na sana ako sa hagdan ng biglang sumakit ang ulo ko. May narinig akong boses na tumatawag sakin.
'Rie...'
'Rie...'
'Rie...'
Hindi ko alam pero kinikilabutan ako pag naririnig ko iyon, nawala na rin ang sakit ng ulo ko kaya nagpatuloy na ako sa pag akyat ng hagdan.
---
Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame.Sino sya? At bakit nya'ko tinatawag na 'Rie'?
Mukhang sasakit nanaman ang ulo ko kaya natuloh nalang ulit ako.
BINABASA MO ANG
The Reader And The Writer (ON-GOING)
Kurgu OlmayanDate Started: June 1, 2018. Hi! Meet Celestine Gabriell Gonzalo Mendoza, 17 years old. Simpleng Babae lang sya na walang hilig sa pagbabasa ng anumang klaseng libro, maliban nalang sa Math and English Books. Pero dahil sa girlfriend ng kuya nya...