Chills and Thrills TWO: ONE YEAR ANNIVERSARY

157 9 0
                                    

'Ika nila, walang lihim na hindi nabubunyag. Aminado naman ako doon dahil ang aking karanasan ay naging tulay para mabunyag ang  "katotohanan" na pilit itinago ni Don Ramon, ang aking amo.

Ako nga pala si Lisa, ang nakuha nilang kasambahay Hindi na daw kasi bumalik ang dati nilang kasambahay kaya sa tulong ng aking pinsan na si Annie, ay na-hired ako agad bilang kasambahay.

"Pinsan, walang problema dito pagdating sa sahod, malaki magbigay si Don Ramon," pagmamalaki pa ng aking pinsan nang nasa harap na kami ng malaking gate ng kanilang bahay. Namangha din ako dahil sa laki ng bahay ni Don Ramon. Mansion kung ituring dahil two-storey ito.

Habang pinagmamasdan ko ang bahay ni Don Ramon, may nahagip ang aking mata. May babaeng sumisilip sa isang bintana sa ikalawang palapag. Nagtama ang aming paningin at nakita ko ang lungkot at nagmamakaawa sa kanyang mga mata. Tinanong ko aking pinsan kung sino ang kasama ni Don Ramon na naninirahan dito sa mansion at ang sabi ay nag-iisa na ito. Wala na daw ang kanyang asawa, nagpakamatay daw ito dahil sa depresyon. At wala daw silang anak. Ang kuwento pang aking pinsan ay through cremation daw ang ginawa ni Don Ramon. Ayaw niya kasi makita ang katawan ng kanyang asawa sa loob ng ataul. Hanggang ngayon ay hindi pa niya tanggap ang pagkawala ng kanyang asawa.

Medyo nagulat ako sa aking nalaman. Sino ang babaeng nakita ko na sumisilip sa amin?

Pagpasok namin sa mansion ay may naramdaman akong hindi maganda. Tila may kakaibang negatibo akong nararamdaman dito sa mansion. Bago ko pala makalimutan, isa ako sa mga taong nabiyayaan ng kakaibang kakayahan. Pero para sa akin, hindi ko itinuturing biyaya ang magkaroon ng third eye. Isa itong "sumpa" na dadalhin ko hanggang sa aking kamatayan. Sino ba naman ang taong may gusto makisalamuha sa mga patay hindi ba? Bagama't hindi ko ito masyadong ginagamit ay tila parang sinasadya ng pagkakataon na gamitin ko ito sa ibang paraan.

Binati kami ni Don Ramon. Ipinaliwanag sa akin ang buwanang sahod na labis ko naman ikinatuwa. Sampung libo sa isang buwan! Basta daw maging tapat daw ako sa kanya at huwag niya daw akong makikialam sa kanyang ginagawa, tataasan pa niya daw ang aking sahod.

Lumipas ang ilang buwan ay naging ayos naman ang paninilbihan ko dito sa mansion ni Don Ramon. Maayos naman siya pakisamahan. Pero napapansin ko na wala lagi ito sa kanilang bahay tuwing gabi. Minsan, nahuli ko din siyang may inuuwing mga babae dito pero bilang kanyang kasambahay ay hindi ko na ito pinapakialaman. Total isa naman siyang balo kaya bahala siya mag-uwi ng babae dito.

Isang gabi, naalimpungatan ako dahil may narinig akong umiiyak na babae. Alas tres ng madaling araw iyon. Bumangon ako dahil patuloy pa rin ang hagulgol nito. Lumabas ako sa aking kuwarto at nadidinig ko ito ikalawang palapag. Ang lakas naman umiyak nito sabi ko sa aking isipan.

Pagdating ko sa ikalawang palapag ay doon ko naririnig ang iyak ng babae sa malaking kuwarto. Ito ang kuwarto ni Don Ramon. Nagtataka ako kung bakit may umiiyak na babae dito. At sa pagkakaalam ko, hindi pa dumadating si Don Ramon dahil wala pa ang kanyang kotse. Alam ko iyon, dahil ako ang tagapag-bukas ng gate kapag dumadating siya. Tatawag sa akin iyon sa pamamagitan ng cellphone para pagbuksan ito kahit inaabot ito ng madaling araw.

Dahan-dahan ko ipinihit ang door knob. Hindi ito naka-lock. Ipinihit ko ito at binuksan ko ang pintuan. Doon tumigil ang iyak ng babae.

"May tao ba dito?" mahina kong tanong. Baka kako, may inuwi si Don Ramon na babae at iniwan na lang niya dito.

Pero agad ako natigilan, kung may iniwan itong babae sa ganitong dis-oras, bakit ito umiiyak?

Bigla akong may naramdaman na malakas na hangin pagpasok ko sa loob ng nasabing kuwarto.Hindi ito pangkaraniwan na hangin dahil sarado ang mga bintana ng kuwarto ni Don Ramon!

CHILLS and THRILLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon