Chills and Thrills NINE : OMINOUS

92 5 0
                                    

STUBBORN. Pain in ass. Sutil. Blacksheep. Matigas ang ulo. Pasaway, ano ba pa? Name it all, ganoon kasi ang mga "adjectives" na puwedeng ilarawan sa akin? So what? This is my life. I don't care kung ano ang sinasabi nila sa akin. I believe that we only live once kaya habang nabubuhay pa tayo dito sa mundo na ating ginagalawan ay enjoyin natin. We don't know kung hanggang kailan tayo mananatili dito. Life is short ika din nila.

"Hey bitch! What's your plan on your upcoming birthday?" tanong sa akin ng barkada ko si Vanessa habang nagyoyosi ako. Sa edad kong 19 ay hanggang ngayon ay nasa Grade 9 pa rin ako. Nabarkada kasi ako. At sa mga barkada ko natagpuan ang tunay na kasiyahan. Kasiyahan na hindi ko natagpuan sa aming tahanan. Lagi kasi nila ako kinukumpara sa aking kapatid. Porke't mas magaling siya sa akin at ako naman lagi ang mali.

Naging tambayan ko ang bahay ni Vanessa tuwing pagkatapos ng aking klase. Dito ako lagi nagpapalipas ng oras kapag sinesermon ako sa bahay. Binuga ko sa kanya ang usok at napaubo ito nang malakas. Tiningnan ko siya nang matalim dahil sa kanyang sinabi. Yeah, hindi porke't papalit-palit ako ng boyfriend ay bitch na ako. Malandi ako pero hindi ako karengkeng gaya ng mga iba diyan.

Dahil sa ginawa ko ay nakatanggap ako ng malutong na mura. Napatawa naman ako nang malakas. Nakalimutan ko pala na may asthma si Vanessa.

"Doon ka nga manigarilyo! Baka masunog pa ang bahay namin nang dahil sa'yo!" Pagtataboy niya sa akin. Paubo-ubo ito at ginawa niyang pamaypay ang kanyang kamay para maalis lamang ang usok ng sigarilyo.

Hindi ko pa ito nakakalahati ay tinapon ko na ito. Sinigurado ko muna na wala itong sindi dahil baka malintikan na. Fire prevention month pa naman itong buwan ngayon ng Marso. Mahirap na magkasunog. Ika nila, mas mabuti na lang na manakawan kaysa masunugan ka.

"I don't know. Depende kung may makukuha akong allowance sa bahay," wika ko. Napaisip ako. Anong puwede kong gawin sa aking birthday? As if naman na maghahanda sila sa akin. Mas pipiliin na lang nila gastusan ang birthday ni Ate kaysa ipaghandaan nila ako.

"Any suggestions?" tanong ko na lang kay Vanessa at agad din ito nag-isip.

Wala pa yatang isang minuto ay nakita ko na ang kasiyahan sa kanyang mukha.

"Let's have a bar hopping!"

DUMATING ang araw ng aking birthday. Sinabi ko sa kanila na may project kami kaya need ko ng dagdag sa aking allowance. Hindi ko rin ipinaalala na ngayon ang aking birthday.

"Happy Birthday anak. Lagi ka mag-iingat ha?" ani ng aking ina.

Medyo nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na binati ako ni Mama sa araw ng aking kaarawan. Hindi ako kaagad nakapagsalita. Isang mapait na ngiti lang ang gumuhit sa aking mga labi. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga sinabi nila sa akin noon.

"You're such a disgrace! Ganito na ba ang isusukli mo sa amin! Puro bagsak ang mga grades mo!" Nanggigil na wika sa akin ni Mama noong makita niya ang aking mga grado.

"Pero Ma, hindi naman ako kagaya ni Ate Clara na matalino siya," rason ko naman. Aminado ako na hindi ako kasing talino ng kapatid ko.

"Sumasagot ka pa Mara! Eh puro kasi kalandian ang ginagawa mo sa inyong school e!" Galit na wika din ng aking ama.

"Anong kalandiaan ang pinagsasabi ninyo?" Naiiyak na wika ko.

"Sinabi sa akin ng ate mo na may kasintahan ka na. Napakabata mo pa! Unahin mo muna ang pag-aaral kaysa makipaglandian!"

"Nakakahiya ka talaga Mara! Boba! Wala sa ating pamilya na boba maliban lang sa iyo!" Galit na giit ni Mama.

"Sakit ka talaga sa ulo! Kung hindi ka namin lang anak ay.."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CHILLS and THRILLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon