Chills and Thrills EIGHT : UNDER THE BRIDGE

72 5 0
                                    

MINSAN, naitanong ko sa aking sarili. Hanggang saan ang kaya kong gawin para mabuhay? Nandito ako kasama ang nakakabata kong kapatid na si Gringo sa isang mabaho, masikip at maduming pinagtagping-tagping bahay dito sa ilalim ng tulay. Parang isang suntok sa buwan ang mangarap kung makakaahon pa ba kami sa hirap ng aking kapatid. Pagkatapos kami iwan ng aming malanding ina sa ama naming lasenggo ay nagdesisyon akong iwan din ang aming ama. Sawang-sawa na kasi akong gawing human punching bag kapag ito ay nakakainom. Kung hindi man ako ay dinadamay niya rin si Gringo. Ano'ng laban ng isang tatlong taon at payat na bata sa gago kong ama? Kaya hindi na ako nagdalawang isip na iwan din siya. Kaya ko buhayin ang aking kapatid. Total wala din ako mapapala sa kanya dahil sa pagiging pabaya niyang ama.

"Kuya, gutom ako." Lumapit sa akin si Gringo. Madungis at basa ang kanyang suot na short na may butas na kasing laki ng aking kamao. Malamang naihian niya ito.

Kagabi pa ay hindi pa kami naghahapunan. Hindi kasi ako makadelihinsiya sa aking amo na si Boy Bikoy. Medyo hirap kami makahanap na may kinalaman sa aming "trabaho." Trabaho na pikit mata kong tinanggap. Kung baga, kapit patalim para lang mabuhay kami ni Gringo. Masisisi mo ba ako kung kumapit ako sa patalim? Mas mahirap pa nga kami sa dugyuting daga dito e.

Dumukot ako sa aking bulsa. Nagbabakasali kung may naipit na anong pera sa akin.

"Heto, piso, bumili ka muna ng pandesal ha," nakangiting wika ko. Mabuti na lang may nadukot akong piso.

"Wala kape, kuya?" hirit pa nito.

"Tubig na lang. Daming tubig diyan. Walang pera ang kuya mo e. 'Yaan mo, kapag may pera akomamaya, hindi lang kape ang iinumin mo, iinom tayo ng softdrinks!" aniya ko at ginulo ko ang unat niyang buhok.

Nangningning ang mga mata ni Gringo nang marinig niya iyon. Na-excite tuloy ang aking kapatid.

"Sige Kuya! Sabi mo 'yan a," bungingis na wika nito at iniwan na niya ako. Mabilis ito pumunta sa panaderya.

Habang tinatanaw ko ang aking kapatid ay napapintag ako sa gulat nang may biglang may mabigat na kamay na dumapo sa aking mga balikat.

"Ano Filmar, handa ka na ba ngayon?"

Si Boy Bikoy pala! Amo ko sa aking trabaho.

"Boss, ikaw pala. Ginulat mo naman ako," aniya ko nang ako mahimasmasan.

"Bata, dapat maging handa ka at mapagmatyag. Kung ganyan ka naman lagi ay wala. Mahuhuli tayo," makahulugang wika nito sabay hithit nito sa kanyang sigarilyo.

"Pasensiya na boss, tinatanaw ko kasi ang aking kapatid. Mahirap na baka may sasakyan na makasagasa sa kanya," pagpapaliwanag ko.

"May nakakabatang kapatid ka pala." Pati din siya ay nakitanaw din sa akin. Masayang ipinakita sa akin ni Gringo na nakabili na siya ng isang malaking tinapay sa kabilang kalsada.

"Opo."

"Oh siya, mamayang gabi, pumunta ka dito sa lugar na ito. Dito tayo magkikita pati na rin ang mga kasama mo," mahina niyang winika sa akin sabay bigay ng kapirasong papel na may nakasulat na address.

Tumango na lang ako senyales na sasama ako sa lakad nila.

"Huwag ka gaano lumayo dito ha. Baka may dumukot sa'yo. Mahirap na," dinig kong bilin ng isang ina sa kanyang anak na gusto daw maglaro.

"Oo nga, Mare. Nabalitaan ko pala, may isang bata na naman daw dinukot sa kabilang bayan," ani naman ng kanyang kumare.

Nagtinginan na lang kami ni Boy Bikoy sa usapan ng dalawang magkumare.

KINAGABIHAN, ay agad akong nagpunta sa pinag-usapan naming lugar. Pinag-usapan namin ang aming gagawin. Ang aking trabaho lang naman ay magmatyag.

"Bilis!! Tara na! Buksan mo ito, bata!" Natatarantang wika ng isa sa mga kasama ko. May buhat itong sako. Nagpupumiglas ang nasa loob nito.

CHILLS and THRILLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon