BREAKING NEWS: Patay ang tinaguriang the next Megastar na si Olivia Martin habang ginagawa niya ang pelikula na entry sana sa susunod na Metro Manila Film Festival!
One day Earlier...
"Ano ba, ang tagal mo naman!" malakas na sigaw ni Olivia Martin sa kanyang personal assistant.
Nagpapa-abot kasi ito ng bottled water. Abala kasi ito na nilalagyan ng make up para sa susunod niyangneksena sa kagubatan. Bida si Olivia Martin sa isang horror film na official entry ito sa Metro Manila FilmnFestival.
Humingi ng pasensiya ang personal assistant nito pero tila mas pinahiya niya pa ito sa maraming crew.
"Pangit ka na nga, tatanga-tanga pa. 'Di ba ang sabi ko sa'yo, cold water, bakit hindi ito malamig? Boba!" himutok ng aktres.
"Pasensiya na po Ma'am Olivia. Wala po kasing-"
Naputol ang pananalita nito nang biglang ibinato ni Olivia Martin ang bottled water sa mukha ng kanyang personal assistant. Sa lakas ng pagkabato nito ay natamaan ang bibig nito at dumugo.
"Sa iyo na 'yan! Tanga! Sa lahat ng pinaka-ayaw ko ay boba at tanga! You're fired!" Galit na dinuduro pa niya ang kawawa niyang personal assistant.
"Ma'am Olivia, huwag po naman kayo ganyan, please lang, kailangan ko po ang trabaho na ito," umiiyak na samo ng kanyang personal assistant habang sapo nito ang dumudugong bibig. Hinawakan niya ang mga kamay ng aktres at nagbabaka-sakali na bawiin ang sinabi niya kanina.
"Don't touch me, idiot!" Malakas na sigaw ni Olivia at ipiniksi nito ang mga kamay niya sabay alis ito sa kanyang kinauupuan at nagtungo na ito sa direktor.
"Ma'am Olivia! Parang awa mo na!" Patuloy pa rin na sumasamo ito sa aktres.
Parang walang nangyari na iniwan lang ni Olivia na umiiyak ang personal assistant niya. Kung tutuusin, siya lang ang medyo tumagal na personal assistant niya dahil halos wala pa isang linggo ay hindi na tumatagal ang nakukuha niyang personal assistant.
Napailing na lamang ang mga ibang staff ng pelikula. Aminado kasi na may "attitude" si Olivia Martin.
Sikat na kasi ito. At lalo lang lumala ang pagiging "attitude" niya nang binansagan siyang the next Megastar dahil sa husay niyang umarte sa television at pelikula. Sunod-sunod kasi siyang nakakuha ng mga award mula sa pag-arte.
"Hey my dear Olivia, masyadong mainit naman ulo mo, bakit mo tinanggalan ng trabaho si Essa?" ani ng direktor sa personal assistant ni Olivia.
"Duh direk, sa lahat ng ayoko ay tanga at bobo," irap na wika nito.
"Grabe ka naman. Nakakaawa naman si Essa. Hindi ka ba naaawa sa kanya?"
"Why should I? I don't feel pity sa mga hampas-lupa and patay-gutom!" mataray na wika ni Olivia.
Napabuntong-hininga at napapailing na lang ang direktor. Kung hindi lang entry ito sa MMFF ay hindi niya kukunin si Olivia Martin sa kanyang pelikula. Hindi kasi niya gusto ang ugali nito. Masyado na siyang mapagmataas at mata-pobre pa ito. Pero dahil ang pelikula ay business ay kinuha nila si Olivia dahil alam nila na papatok siya sa mga manonood at may pagkakataon pa sila na masungkit ang mga major awards ng MMFF.
Nang makita ng director ang personal assistant ni Olivia ay pasimple niya itong ningitian. Kung may magagawa lang siya ay talagang hindi niya rin hahayaan mawalan ng trabaho ang kaawang-awang kagaya ni Essa na ang hangad lang ay magtrabaho ng maayos. Umiiyak man ay gumuhit ang mapait na ngiti din ni Essa sa director at umalis na ito sa tent na nakalaan kay Olivia.
Ang eksena ay kukunin sa kagubatan kung saan si Olivia Martin ay tumatakbo dahil hinahabol siya ng mga cannibals. Tamang-tama ang pagkuha nila ng eksena dahil alas-otso na ng gabi at maganda ang sinag ng buwan. Ang pelikula nila ay parang hango sa mga cannibalism.
BINABASA MO ANG
CHILLS and THRILLS
TerrorAng mundo natin ay punong-puno ng hiwaga. May mga bagay na ang akala natin sa ating mga paningin ay totoo. Minsan, pinaglalaruan pa tayo ng mga misteryosong bagay. Ang puwede lang natin gawin ay maging mapagmatyag sa ating paligid. Pakiramdaman sila...