Chills and Thrills ONE: THE GUY IN SWIMMING POOL

278 10 0
                                    

DALAWANG linggo na lang ay gaganapin na ang Palarong Pambansa. Mapalad ako dahil naging pambato ako sa aming paaralan, ang Roosevelt Academy sa isang swimming competition. Puspusan nga ako sinasanay ni Teacher Lery, ang coach ko sa natural na sport.

Tuwing pagkatapos ng klase ang oras ng pagsasanay ko. Kaya pagkatapos ang last subject ko ay diretso na ako sa aking coach para magreport. Ayaw niya kasi 'yung nahuhuli pagdating sa pagrereport. Medyo may kasungitan nga lang pero alam ko parte iyon sa pagdidisiplina niya sa katulad kong manlalaro.

"Sir, nandito na po ako," nakangiting bungad ko sa aking coach.

"Oh siya, magpalit ka ng damit at magsasanay na tayo," ani Teacher Lery. Hindi man niya ako nakuhang tingnan dahil abala nito sa pagtetext sa kanyang cellphone.

"Sige po Sir," tugon ko naman at walang patumpik na dumiretso na ako sa locker room.

Naabutan ko din na may mangilan-ilan ding estudyante na nagbibihis sa locker room. Marahil ay nagsasanay din sila sa sport na kanilang sinalihan.

"Bro, ngayon lang kita nakita dito. Are you a transferee?" tanong sa akin ng isang matangkad na lalaki na medyo may kapayatan.

Medyo nagulat pa nga ako sa pag-approach niya sa akin. Wala pa kasi akong masasabi na kaibigan dito dahil tama nga siya, isa akong transferee dito sa Roosevelt Academy. Nasanay na din kasi ako na walang kausap dito maliban sa aking coach na si Teacher Lery

"Oo," medyo nahihiyang sagot ko.

"Mapalad ka at hindi naging hadlang sa'yo ang pagiging transferee mo na maging pambato ka para sa Palarong Pambansa. Anong sport ka pala?" muling tanong niya sa akin.

"Swimming."

"I see, so probably your coach is Teacher Lery, am I right?"

"Yup," sagot ko. Medyo iba ang dating niya sa akin. Kung baga, parang mayabang kasi dahil may pa-English-English ang payatot na ito sa akin.

"Oh okay," medyo napansin ko na medyo nagbago ang boses nito. Hindi siya kasing lively kanina habang nagtatanong sa akin.

"Ako nga pala si Gian Gutierrez," pagpapakilala ko sa kanyang sarili.

"Niko Mendez here. Just like you, pambato din ako sa Palarong Pambansa," turan niya.

"Okay, gustuhin ko man makipagkuwentuhan pa sa'yo pero baka naghihintay na sa akin si Teacher Lery. Next time na lang Niko," tugon ko nang mapansin ko na mahigit kinse minutos na ako sa locker room. Lagot ako nito sa aking coach.

"No worries. Pero mas tiyak na sana 'yung panalo mo kung si Teacher Zaldy ang coach mo," wika ni Niko bago niya ako tinalikuran.

Napakunot-noo ako sa kanyang tinuran. Sino naman si Teacher Zaldy? Sa pagkakaalam ko ay si Teacher Lery lang ang coach sa mga swimming competition.

Sa pagmamadali ko ay muntikan ko na nabangga ang isang mamang lalaki. Siguro nasa kwarenta o mas mahigit pa ang kanyang taon. Galing ito sa swimming area.

"P-Pasensiya na po, Sir," aniya ko.

Ngumiti lang sa akin ang mamang lalaki at tuluyan na itong umalis.

Pagdating ko na doon ay sinalubong ako ni Teacher Lery na medyo halatang galit.

"Why it took you so long in the locker room? Daig mo pa ang babae na magbihis. Boxer lang naman ang isusuot mo," inis niya na wika sa akin.

"S-Sorry Sir," paghingi ko ng paumanhin.

"Okay! Magwarm-up ka na doon," turo ni Teacher Lery sa gilid ng swimming pool.

CHILLS and THRILLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon