Chills and Thrills FOUR: THE COUPLE'S BABY

122 6 0
                                    

"B-BUNTIS AKO," medyo nauutal pero lumuluhang saad sa akin ni Alexa, ang aking girlfriend.

Pagkasabi niya ang salitang iyon ay parang tumigil ang ikot ng aking mundo. Parang ang salita na iyon ay tilang may dalang kapangyarihan na pasamantala akong hindi nakakilos.

"Buntis ako..."

"Buntis ako..."

"Buntis ako..."

Paulit-ulit na umaalingawngaw ang sinabi sa akin ni Alexa sa aking isipan..

Pati din ako ay hindi ko namalayan na ako ay lumuluha. Hindi ko ito masasabi na luha ito ng kasiyahan bagkus luha ito ng pagkatakot. Sa madaling salita, hindi pa akong handa na maging ama sa batang sinapupunan ni Alexa.

Muli kong tiningnan ang aking kasintahan. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang takot at pagkabahala.

"A-Anong gagawin natin, Jordan?"

Hindi ako nakapagsalita. Tila ng oras na ito ay blanko ang aking pag-iisip. Aminado kami na hindi pa kami handa. Masyado pa kaming mga bata para gampanan ang pagiging magulang. Oo, naging mapusok kami sa aming pagmamahalan kaya agad ito nagbunga. Pero kaya ba namin buhayin ang bata? Maibibigay ba namin ang kanyang pangangailangan niya? Malabo at mahirap dahil wala pa kaming matinong trabaho. Si Alexa ay natigil sa pag-aaral dahil sa problemang pinansiyal. Samantala ako ay isang manunulat na umaasa lang sa bayad kung papalarin na maaprobahan ang aking sinulat. Kakatapos lang kasi ang aking kontrata bilang service crew, kaya sa ngayon ang pagsusulat muna ang aking pinagkakaabalahan dahil tambay pa ako sa ngayon.

Napaupo ako sa sofa. Sakto kasi nagsusulat ako nang dumalaw si Alexa dito sa aming boarding house na inuupahan ko pero tila nawalan na ako ng gana pa sumulat dahil sa balitang aking nasagap.

"N-Natatakot ako, Jordan. Baka kung malaman nila inay at itay ito ay itakwil nila ako," umiiyak na wika ni Alexa.

Hindi pa rin ako kumikibo. Pilit pa rin ako nag-iisip kung ano ba talaga ang gagawin namin.

"Jordan, ano na-"

"Ano ba, Alexa! Nag-iisip ako!" Malakas na bulyaw ko na dahilan na pagka-udlot ng kanyang sinasabi.

"Ayoko ko pa maging ina!" Umiiyak na sigaw sa akin ni Alexa.

"Ako rin! Ayoko pa maging ama!" Naiinis na sigaw ko rin sa kanya.

"Pero paano na-?"

"Alexa! Please! Huwag mo ako i-pressure! Nais-stress ako!" Nanggigigil na wika ko sa kanya. Pilit ko pa rin pinipigilan ang aking emosyon dahil baka masaktan ko lang siya. Napahilamos na lang ako sa aking mukha gamit ang aking mga kamay.

"Pati din naman ako ah," umiiyak na giit niya.

"Give me time, Alexa. Hindi pa naman halata iyan kaya huwag ka muna magpanic," aniya ko nang makuha ko ang aking loob na huminahon..

Umuwi muna si Alexa at nagkasundo kami na huwag muna ipapaalam sa kanyang magulang ang kanyang sitwasyon. Binilinan ko rin siya na mag-ingat dahil baka mapansin nila ang kanyang pagsusuka at paghihilo dahil iyon ang mga pangunahing sintomas ng pagbubuntis.

Gabi na pero hindi pa ako makatulog. Kailangan ko magsulat para antukin ako. Pero hindi ako makapag-isip kung ano ang isusulat ko. Habang nagbrobrowse ako sa Facebook ay nakita ko na may online contest sa pagsusulat ng horror. Napangiti ako dahil pabor sa akin ang kanilang contest. Mabuti na lang ito ang aking genre tuwing sumusulat ako ng nobela. Binasa ko ang mechanics at nakita ko na may malaking papremyo. Sisikapin ko makuha ang first prize.

At hindi na ako nag-aksaya ng oras, kailangan ko muna ng motivation para sumulat. Mabuti na lang may TV ang boarding house namin at pinapayagan naman kami na manood dito. At laking pasasalamat ko na may channel na puro horror. Agad ko ito tinutukan at napag-alaman ko na classic horror movie na tungkol sa batang tiyanak. Wala naman akong ibang choice kundi pagtuunan na lang ng pansin ang pelikulang ito at panoorin.

CHILLS and THRILLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon