Demetria Sumulong

37 2 0
                                    

Chapter 1

Demi's POV

Hello!

Ako si Demetria Sumulong...

Demi for short para hindi mahaba hehe.

26 years old...

5'5"

110lbs.

Vital statistics are:

36-25-36...

Wooooohaaaa hula lang yon haha, wala kasi kaming medida eh...kaya ayun hula hula nalang pag may time para--.

"Deming!!!!"

Ayan ano kaya yon...panira naman si Nanay oh, kakasabi ko lang na Demi eh.

*tulis nguso*

"Demetria Sumulong!!! kanina pa naka balandra muka mo dyan!"

"Ay garapata!" halos umabot naman sa kisame ang lundag ko sa gulat ng biglang lumitaw ai nanay sa harap ko.

"Anong garapata? wala naman tayong aso anak ah..."

Tsk si nanay naman eh, nagulat lang naman ako... busy pa kasi ako sa pananalamin sigaw na ng sigaw.

Tumingin ako sa wall clock...maaga pa naman, hindi pa ko late sa pupuntahan ko.

"Tatapusin ko lang po ito nay, bababa na din ako." sabi ko nalang.

Mabuti at tumango nalang sya.

Itinuloy ko ang pag popose sa harap ng salamin..

Wapak!

Pak! Pak! Pak!

Papak!

Ayan okay na...magugustuhan na siguro ako ng magiging boss ko hihihi.

Isinuot ko ang flat shoes ko saka lumabas...

Nakaupo na sila sa harap ng lamesa, breakfast na kasi eh... ang galing namin no? ang sweet...hindi kami kumakain kapag hindi kumpleto.

Ganya ang Sumulong Family!

"Ate ang tagal mo..naubusan ka na kaya ng ulam..."

Engk?!

Kasasabi ko lang diba? huhuhu pano na. ko nyan?...Ipinag mamalaki ko pa naman kayo! mga taksil!

"Hoy ate!" sigaw ng mabait naming bunso... si Dexter.

"Eto na nga!" sabay irap ko.

"Lutang nanaman yan Nay." iiling iling na sabi ng Kuya Domenic ko.

Oh di ba... sa pangalan palang kitang kita na kung sino lugi dito! ang gaganda ng pangalan nila samantalang yung sakin hinugot lang ata sa baul ni Lola!

Tatlo lang kaming magkakapatid, si Kuya Domenic ang panganay... pero Nick nalang itawag nyo dyan.

Sya pinaka matalino saming magkakapatid, honor nga yan lagi eh. Kaso nag-asawa ng maaga dahil naka buntis...sayang nga kasi ga graduate na dapat sya sa kurso nyang HRM,masarap yan magluto eh hehe... Sa ngayon nasa Laguna ang asawa at anak nya kasi nagbabakasyon sa mga magulang.

Si Dexter naman ang bunso... katulad ni kuya matalino din sya. High school na sya ngayon 2nd year ata? di ko sure kasi medyo nakakalimutin ako sareeey naman.

Ako naman? obviously pang gitna ako, pero kakaiba ko. Bukod sa ako lang ang babae eh ako lang din ang hindi matalino huhuhu...special child ata ako eh.

Pero at least hindi ako sinungaling aminado ako... Hindi ako nakatapos, hindi nga ako umabot ng grade 6 eh... nagkasakit kasi si Tatay noon kaya gipit kami, tumigil muna ko para makapag patuloy si kuya kso ayun maglulumandi lang pala.

opposites Do ATTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon