Chapter 4
Cherry's POV
Naaawa na ko kay Demi... kung ako kasi nasisigawan lang, sya mas malupit.
Araw araw syang nasasabihan ng kung ano anong panlalait ng napaka gwapo, napaka hot at evil naming boss... lagi syang nagsusumbong sakin.
"Che huhuhu... san ako maghahap ng singkamas? huhu hindi naman panahon ng singkamas ngayon eh..." mangiyak ngiyak nyang sabi.
Nandito kami sa cafeteria ngayon at nakatingin na samin ang ibang staff dahil sa pag mamaktol ni Demi... hindi na din naman bago sa kanila ang gantong eksena. Isang linggo na dito si Demi at walang palya si sir Marcus sa pagpapahirap sakanya, halata namang sinasadya nya para umalis na si Demi...
Nung isang araw nagpahanap sya kay Demi ng talong na bilog tapos madalas itinatapon nya naman yung mga dala ni Demi.
Actually that's kinda weird pero wala naman kaming choice... sayang gwapo sana sya eh may toyo lang.
naaawa na din nga ata ang ibang staff dahil naririnig kong nag tatanungan sila kung san nga ba makakabili ng singkamas. hehe
"Girl... lasunin mo na kaya yang alaga mo? hehe, daig pa naglilihi eh." biniro ko nalang sya dahil nakaka awa talaga sya.
Nakadukdok lang sya sa table at pagdyak ng padyak.. sabagay kung ako nga nasa lugar nya baka nag resign na ko.
"Uy Demi try mo sa may kanto dyan, nung isang araw may mga gulay don eh... malay mo may singkamas din." sabi ni Carol, part sya ng marketing team pero dahil nga alam ng lahat ang kalbaryo ni Demi naki epal na din sya.
"Na try ko na dun eh huhu." sagot ni Demi, lali lang nagpapadyak ang gaga.
Kasi naman eh umeepal pa, alam ko namang kunwari lang concern ang karamihan sakanila dahil halos lahat sila inggit na inggit sa baklang to dahil crush nila ang evil naming boss.
"Tara na nga samahan nalang kita sa supermarket... baka maiyak nadin ako sayo eh." hinila ko nalang sya patayo.
Sisinghot singhot pa din sya habang naglalakad kami palabas...may 30 minutes pa kami para maghanap ng lihi ni boss na singkamas.
"Thanks Che ah..." sabi nya ng makasakay kami sa kotse ko.
Tumango nalang ako saka nag drive. Maluluka na ko sa mag amo na to eh...kay swerte ko pa din kasi walang masyadong appointment si Sir Marcus ngayon kaya di ko sya madalas makasama.
Demi's POV
Nakarating kami ng super market pero nahihilo na ko sa kahahanap ng singkamas ay wala pa rin... Ang sakit na ng ulo ko, napapagkamalan na din ako ng mga tao dito na baliw.
Ikaw ba naman maghanap ng singkamas eh panahon palang ng talong huhu.
"Demi..tara na kaya baka ma lete naman tayo. Pag hinanap ka ni sir at wala ka don lagot ka...pati ako for sure." aya sakin ni Cherry.
Tumango nalang ako... nakaka panglumo man dahil alam kong masisigawan nanaman ko eh wala akong choice!
Pero teka bakit nga ba ko susuko...sabi ni Tatay kapag may nagpapahirap sayo mas dapat mong patunayan na kaya mo!!!
tama! tama!
*tango tango*
"Kaya ko to! Fighting!!!"
"Ha? nababaliw ka na ba nagsasalita ka mag isa dyan."
"Hindi Che... mauna ka na bumalik sa office pag hinanapa ako sabihin mo nagtanim ako ng singkamas ok?"
BINABASA MO ANG
opposites Do ATTRACT
RomanceSabi nila dapat daw compatible kayo sa isa't isa para mag work ang isang relationship... Pero hindi naniniwala doon si Demi, sabi kasi ng Tatay nya dapat daw imbis na maghanap ka ng taong gusto din ang gusto mo at ayaw din ang ayaw mo eh maghanap ka...