Chapter 6
Demi's POV
"Demetria!" narinig kong tawag nya sakin ng makapasok ako ng elevator.
Hindi ko sya nilingon... pero bigla nalang syang sumulpot sa harap ko at pinigil ang pagsara ng elevator.
"Tinatawag kita di ba?! Isasabay na kita nangiiwan ka pa!" Sigaw nya...
Pero hindi ko pinansin, humalukipkip ako saka lumingon sa ibang direksyon.
Sya naman ang nagpilit na isabay ako bakit nanununbat sya?
Utang na loob ko pa? ganon? ganon? ganon?!
"Good afternoon sir..."
"Good afternoon po."
Bati sakanya ng mga staff na kasasakay lang ng elevator... pero hindi manlang nya nilingon. Panalo talaga ang sama ng ugali ng taong to eh, nung nagpaulan ata ng kabastusan at kasamaan ng ugali hindi sya nagpayong.
Mabilis syang lumakad palabas ng elevator pag dating ng basement... saka lumapit sa kotse.
"Ano ba ang idi-discuss mo?" tanong ko pagsakay ng kotse.
"You need to come with me tomorrow at the meeting... utos ni dad. And please pilitin mo nalang intindihin, I'm tired and I'm not in the mood para tagalugin pa isa isa sayo..."
Aba eh kung ibuhol ko kaya dila nito sa manibela?!
Pagkasabi non ay pinaandar na nya ang sasakyan.
Magtatanong pa sana ko dahil meeting lang ang naintindihan ko pero tyak na sisigawan nya nanaman ako kaya hindi nalang ako kumibo.
Ang bilis naman kasi magsalita eh ang alam ko lang na english eh yung run bantay run... jump bantay jump...
Tumingin nalang ako sa bintana... umuulan na pala lagot ako kay nanay kasi ginabi nanaman ako, traffic pa. Pero teka!
"San tayo pupunta?" tanong ko ng mapansing lumiko sya sa unang kanto. "Sa pangalawang kanto pa ang bahay namin...Ililigaw mo ko no?!" sabi ko sabay duro sa muka nya.
Dapat kasi naglakad nalang ako wala pang traffic eh! Baka gaganti sya sa pagsigaw sigaw ko sakanya kanina Huhu.
"Insane!" pagkasabi non ay ihininto nya ang kotse.
Ano yon? ibig sabihin ba non may gagawin syang masama sakin? waaaaaah!
"Ano yon ha? anong insane ha?! San ba kasi tayo pupun--teka bakit nandito tayo???" tatalakan ko sana sya ng bigla kong mapansin kung nasan kami.
Jollibee...
Hindi nya ko sinagot...Lumabas sya ng kotse at iniwan ako...sama!
Hindi manlang ako ppagbukas ng pinto katulad nung mga napapanuod ko sa TV... pero spell ASA!
D
E
M
I
...
Bababa na din sana ko pero hindi ko maalis ang seat belt ko! huhu
Pano na ko? Bakit ba kasi ayaw matanggal nitong seat belt! Parang sinturon ni hudas!
"Ay hudas!"
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto sa side ko.
"Akala ko ba gutom ka na? Nagugutom na din ako so please wag mo na kong artihan!" sabi nya.
BINABASA MO ANG
opposites Do ATTRACT
Storie d'amoreSabi nila dapat daw compatible kayo sa isa't isa para mag work ang isang relationship... Pero hindi naniniwala doon si Demi, sabi kasi ng Tatay nya dapat daw imbis na maghanap ka ng taong gusto din ang gusto mo at ayaw din ang ayaw mo eh maghanap ka...