Invisible Cherry

5 1 0
                                    

Chapter 5

Demi's POV

Pabalik na ko ng office... mabuti nalang at ihahatid pa din ako ng Angel ko..este ni JD pala.

Binili nya lahat nung singkamas, sya ang nagbayad dahil wala naman talaga kong dalang pera kahit magkano...at wala din naman akong dadalin hehe

"Salamat talaga ha...simula ngayon ikaw na ang Angel ko hehe" nakangiting nilingon ko sya pagbaba ko ng kotse.

"Talaga? It's my pleasure to be your angel Princess..."

*kindat*

Waaaaah princess daw ako? yiiiiih nakakakilig.. kanina pa ko nagpipigil ng kilig dahil sakanya magkakanda ihi na ata ako sa sobrang pigil...wooooh!

"Dito ka ba talaga nagtratrabaho sa TGC?" tanong nya.

(Tan Group of Companies po yun...)

Hindi kaya kapanipaniwala? sabagay itsura ko nga naman kasi, muka na kong gusgusin dahil sa paghahanap ko kanina ng linktik na singkamas.

"Oo... isang linggo na ko dito. Bakit?"

"Ah nothing. Naalala ko lang pinsan ko, he is also working there..."

"Ah eh di puntahan mo na..." wow ha himala naintindihan ko yung sinabi nya?Magkakasakit ata ako ng katalinuhan?

"Ah next time nalang siguro...may kasalanan pa ko sakanya ngayon eh hehe" nspakamot pa sya sa ulo nya.Ang cute naman n

g angel ko... yiiiiih may nangyari ding maganda sa wakas!

Pero kaylangan ko na palang pumasok...sayang naman! Panira talaga boss ko. Minsan nalang magka ganitong moment eh huhuhu.

"Sige ah, pasok na ko baka mapagalitan na ko lalo eh...salamat ulit ha." binuhat ko ang isang supot ng singkamas..iniwan ko kasi yung isang supot sakanya para hati kami.

Kumaway lang ako saka timalikod na.

"Sana magkita tayo ulit Princess!" sigaw nya.

Nilingon ko sya pero nakasara na pala yung bintana ng kotse nya at paalis na sya kaya nagtuloy tuloy na ko papasok.

Tyak na World War nanaman ang sasalubong sakin... pero atleast nakahanap ako ng pinapahanap nya.

Nganga sya sakin ngayon!

Cherry's POV

"Shit! Bakit mo kasi iniwan Cherry?! Alam mo namang tatanga tanga yon! Tsaka wala yong pera baka mamaya nagkanda ligaw ligaw na yon!"

"S-sorry sir hahanapin ko nalang sya..." nakayukong sabi ko.

Nanginginig na ang tuhod ko sa takot..galit na galit na kasi kanina pa si Sir Marcus dahil hanggang ngayon wala pa ang bruhang Demi! Humanda talaga yon sakin pagdating!

"Ako na!" sigaw nanaman nya. Parang magigiba na ang office sa kakasigaw nya eh haaay.

Padabog nyang hinila ang coat nya saka dirediretsong pumunta sa pinto...

BLAAAG!

"Aaayyyyy!!!" napapikit ako, at pagdilat ko...

Napatingin ako sa napaupong si sir Marcus dahil natamaan sya ng kumakalabog na pinto... at ang salarin?

Tengtenenen....

Si Demi!

"FUCK!!! DEMETRIA!"

"Waaaaaah sir bakit ka naman nakaupo dyan eh ayun ang upuan nyo?" natatarantang tanong ng gagang Demi haha bobita talaga.

Malamang nakaupo si sir kasi natamaan nya ng malaking pinto di ba...

opposites Do ATTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon