XIX

590 21 0
                                    

Ilang araw nang hindi umuuwi si Mason. Even though I was frightened the way Mason snapped, I was more worried for him to come back.

Sinubukan kong muling tawagan ito ngunit hindi naman siya sumasagot. O mas tamang sabihing panay lang ang pagpatay nito sa akin ng telepono. Sa halip ay isang mensahe ang ipinadala nito.

Ang sabi nito ay huwag ko na daw itong tawagan pagkat mamaya rin uuwi na siya. Naiinis ako ngunit sa ngayon ay sapat na sa akin ang sinabi niya.

I was kinda disappointed when he didn't call me at all. Alam kong gusto niyang magpaisa, ramdam ko ang bagay na iyon ngunit kahit pa.

Hindi ako sanay na hindi ako iniintindi nito. I knew how selfish it was but still. Nais kong mainis sa kanya. May nalalaman pa siyang pagmamahal sa akin, gayung ayaw naman niyang ibahagi sa akin kung ano ang gumugulo s isip niya. Anong klase iyon?

Naiinis man ay bahagyang nasosorpresa ako sa inaasal ko. Kung siguro dati ako ginanito ni Mason, kailanman ay hindi ko na  ito itatrato na parang isang kaibigan man lang at pawang masamang hangin na lamang itong magdadaan sa harap ko sa tuwina.

But a lot of things changed now. Hindi pa ako tiyak ngunit nararamdaman kong mahalaga na ito sa akin sa paraang hindi ko pa kayang ipaliwanag. At gaya ng parati nitong ginagawa para sa akin, nais ko rin itong protektahan mula sa kung ano o sa sino mang magtatangkang manakit dito. But how could I do that when he was away from me?

And I missed him, so much. For some reason, even though the urge of calling him again just to annoy him was just there, I just couldn't do it. Nais nitong mapag-isa at iginagalang ko iyon.

Dala ng pangungulila ay naupo na lamang ako sa sofa. Halos pabagsak kong iniligay ang sarili doon sabay bato ng teleponong hawak ko sa may unan sa tabi ko. Naiinis ako dahil wala akong magawa.

Agad ko ring dinampot ang telepono nang mag-ring iyon. It was Cassidy Jane who was calling. Agad ko ring sinagot iyon.

Bigla ay pawang papanawan ako ng ulirat sa inilathala nito sa akin. Different kinds of emotions rushed through me. Hindi ko alam kung ano ang siyang dapat na maunang maramdaman.

"He-He's awake?" I asked, trying to keep myself from shaking but it far too late, I was already shaking.

"Yes. Come over here, he's asking for you." Cassidy Jane said before she hung up. Parang nangangatog ang kalamanan ko dahil sa nalaman. Hindi ko ito napaghandaan. In fact, I totally forgot about him for the past couple of weeks.

IT WAS STRANGE stepping inside that door. Awkwardness was there as well. Para bang sa tagal ng panahong hindi ako nagpunta roon ay hindi ko na maramdamang halos araw-araw noon ay nais kong naroroon lamang ako kung wala naman akong ibang kailangang gagawin.

Ethan was sittng there, smiling at me. Ni hindi ko malaman kung ihahakbang ko ba ang paa ko palapit sa kanya o ano.

"Why don't you come here? I missed you." He said, giving me the warmest smile just like before.

Magpahanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang gising na siya. His nurse was updating me with his condition and all of a sudden he just woke earlier this day. Ayon na rin sa doktor nito, milagro ang nangyari pagkat wala itong ipinapakitang indikasyong gigising na ito ng mga nakalipas na araw.

Parang kay bigat ng mga hakbang kong tinungo ko ang kinahihigaan niya. Nabigla ako nang bigla niya akong hatakin upang yakapin nang napakahigpit.

Again, it was strange. Bakit wala na akong na maramdan? Hindi tulad noon may kung anong init na inihahatid sa puso ko sa tuwing aalagaan ko siya noon wala pa siyang malay.

Flademian Monarchy 4: For the Girl Who has Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon