Epilogue

1.4K 37 2
                                    

Masaya si Jessica sa ipinapakitang dedikasyon ni Gerard sa kompanya. Kahit pa sabihing duque na ito ay hindi nito pinababayaan ang responsibilidad nito sa emperyong na kinabibilangan na nito.

Gerard's armoury skyrocketed the sales report for the last quarter. At bilang boss ng duque ay hindi mapigilan ni Jessica na maging proud dito, gayun pa man ay hindi nito sinabi iyon nang direkta sa duque.

She was never like that, showing any kind of affection towards anyone, execept of course for her husband and nephews and niece.

Even though that was the case, Jessica wanted to give the duke his bonus. She wanted to give him the thing she knew he did not have before. Ang relasyon ng duque sa mga manugang nito, lalo na sa Marquess ng Melfast.

She talked to the old man, and as a businesswoman with a reputation, the old man believed in her. Sinabi nitong hindi lang nito matanggap na ganoon ang naging nakaraan ng lalaki, maging kung anong anong naging koneksyon ng dalawa.

Ganoon pa man, pinilit niya itong mangakong susubukan nitong makipag-ayos sa asawa ng anak, sa pamamagitan narin ng gawain kung saan siya magaling, ginipit ito ni Jessica at sinabing bibilin nito ang lupain ng matanda kapag hindi ito sumunod sa napagkasunduan. Sa huli ay pumayag ito at nagkapirmahan pa sila ng kontrata.

Napangiti si Jessica habang papauwi. Wala naman siyang balak na takutin ang matanda ngunit nabasa niyang hindi talaga ito palagay sa duque. Kung ano man ang ayaw rito ng matanda ay hinihiling niyang sana magbago na iyon sa mga darating na mga araw. After all, Gerard was nice guy to her. Granted he grew up as a thug, he was a great businessman. Isa itong asset sa kompanya niya.

Lalong lumapad ang pagkakangiti ni Jessica nang maalala ang asawa na nasa bahay na at nag-aantay sa kanya. Sa tuwina ay nami-miss niya ito kaya't nang makauwi ito simula nang maospital ito ay hindi na siya nago-overtime. Mason would be proud of what she did today. Sabik na siyang sabihin dito ang nagawa. A good deed, that was.

Napangiti siyang muli at pinuna naman iyon ni Cassidy Jane na siyang nasa tabi nito sa passenger seat.

May kung anong naramdaman si Jessica habang tinitignan nang ganoon ang kaibigan. Kakaiba ito at tahimik sa naging maghapon, hindi na lamang siya nagtanong kanina pagkat marahil ay napagod lang ito sa dami ng ginawa ngunit ngayon ay ginawa na niya.

Ang sabi nito ay napagpasyahan na nilang magpakasal na sa wakas ni Gregory Durnham. Naging nasaya siya para dito at inakap niya ito ngunit hindi parin ito ngumingiti. Tinanong niyang muli ito kung ako ang bumabagabag dito.

Nabigla siyang makitang kinakabahan ito, sa unang pagkakataon ay nakitaan niya ng kaba ang babaeng bukod tanging sumasagot sa kanya nang walang pakundangan sa tuwing may pagkakataon.

Cassidy Jane held her hand and she could actually feel that she was trembling. Nais niyang matawa sa itsura nitong iyon.

Ngunit mas ikinagulat niya ang sinabi ng kaibigan sa kanya. Apat na buwang buntis na pala ito. Nakita niyang may pangamba sa mga mata nito.

Jessica held her hand tight and told her that everything was going to be alright but it turned out that that was not what was bothering Cassidy Jane. Her friend was scared because of what might would have happened.

Naiinitidihan niya ito dahil takot parin ito mula nang makunan ito sa unang pagbubuntis nito. Again, she told her that everything was gonna be just fine. Susuportahan niya ito at poprotektahan kung kinakailangan, kagaya ng ginagawa nito para sa kanya noon. Sa ganoong paraan lang siya makakabawi dito kahit papaano.

She was eight and half months pregnant now. Little Dalton seemed to be excited to come out. Ang laki-laki nito at tila paputok na ang tiyan niya ano mang oras. She was excited too.

Flademian Monarchy 4: For the Girl Who has Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon