XXII

647 25 0
                                    

Halos mapasinghap ako sa ginawang paghaplos na iyon ni Jessica sa mukha ng prinsipe. Nagngingitngit ang kalooban ko. Parang wala lang ako roon sa ginagawa iyon ng asawa ko sa prinsipe.

Ang masakit pa ay wala naman akong magawa. Sinuko ko na ang lahat ng karapatang kong magalit nang iwan ko siya nang umagang iyon. Alam ko ang katangahang ginawa ko at labis kong pinagsisisihan iyon ngayon.

Ngayong abot-kamay ko na uli ang asawa ko, ni hindi ko man lang ito makausap pagkat abala itong inaasikaso ang prinsipe. Umalis na ang lahat sa silid na iyon maliban sa amin ni Jessica. Alam ko sa sarili kong hindi ko siya maaaring iwan roon nang magisa. Not with me knowing what that monstrous prince has done. Hindi ako umalis kahit na labis na akong nasasaktan sa nasasaksihan.

Kagaya noong nasa ospital pa ang prinsipe, ito rin ang nag-sponge bath rito ngayon at inahitan pa ng balbas. I knew it was treason, thinking how I wanted to kill that bastard of a prince that moment. Ni hindi ito dapat hinahawakan ng asawa ko sa ganoong paraan. Nanggagalaiti ako. Still, I didn't had a choice but to stay there, silently wishing that the torture would be over.

Hanggang sa tuluyan nang makatulog ang prinsipeng na parang isang sanggol at hindi nagtagay ay lumabas na rin sa silid na iyon si Jessica. Ni hindi ako tinapunan nito ng pansin at nilampasan lang na parang hangin.

"Jess." Habol ko rito ngunit wala itong narinig.

"Jessica, please." Hinawakan ko ito sa braso dahilan upang mapilitan itong harapin ako. I was hurt when I saw how disgusting it was for her just by standing, looking at me as if I was a piece of trash. Para bang may nakakahawa akong sakit kung tignan nito.

"What makes you think you can touch me? A mere self-absorbed, narcissistic, low-life person like your self." Paghawi nito sa pagkakahawak ko sa kanya. It hurt like hell. Ngunit hindi pa ito tapos.

"Have you seen His Majesty? He's the type person I marry. He was everything that I wanted and needed then you came. You ruined everything for me." Alam kong nasaktan ko siya ngunit wala na yatang mas sasakit pa sa mga sinasabi nito sa akin ngayon. Para akong pinapatay sa mga salita niyang iyon.

"But now it's clear, he's still in to me. Perhaps, when he's sober enough he'll propose to me. Kapag nangyari iyon, matutuloy narin ang kasalang matagal na sanang naganap kung wala lang sanang basurang sumingit at nangialam." Pagkatapos ng mga salitang iyon ay iniwan na ako nito doon.

~•~•~•~•~

"Hindi na ako papayag sa gusto mo, Wilson. Sinunod na kita, sa tingin ko tama na iyon at sana, huwag ka nang mangialam pa." Kahit na ayaw ko ang mga lumabas na iyon sa aking bibig ay iyon narin ang nasabi ko sa kapatid ko. Hindi ko napigilan ang sarili kong sagutin ito, dapat nalang na rin siguro iyon dahil sobra na ito.

Pinipilit nitong kausapin ko si Mason gayung iyon ang pinakahuli kong nais gawin sa buhay ko. I just hated the man so much right now and I didn't know if I could ever forgive him again.

"So, hindi mo nalang aayusin ang marriage mo? Anong balak mo, si Ethan ang gawing ama niyang dinadala mo?" Pasinghal nitong giit. Nais kong singhalan ang kapatid ko ngunit nagtimpi ako.

Unang-una ay wala itong karapatang manghimasok sa buhay at desisyon ko. Minsan ko na itong pinagbigyan nang ipanakot sa akin nitong ibebenta nito ang kompanya. Hindi na nito magawa iyon ngayon pagkat naikasal na ako at wala na itong hawak para ipanakot pa sa akin.

Hindi sa kinukumpirma ko ang bintang niya ngunit wala rin akong balak itanggi iyon pagkat batid kong makakarating kay Mason ang kung ano man ang sasabihin ko sa kuya ko ngayon. I didn't want any of them to have the satisfaction.

"I don't think it's part of your concerns now, brother. Now, if you don't mind, I'm really busy." Malamig na sabi ko rito. Napabuga na lamang ito at dismayadong nilasan na ang opisina ko.

Flademian Monarchy 4: For the Girl Who has Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon