Chapter 39

220 9 0
                                    


Chapter 39: BACK TO BASICS

DIANA'S POV

Buwan na ang nakalipas at back to basics nanaman kami ni mark, yes he's courting me for almost a week narin nagkaaminan na eh ano pa bang magagawa kundi sundin ang pusong nagmamahal lamang diba? Kaya naman nag disisyon narin ako na umamin pero bago yun pinaalam ko muna sa pamilya ko lalong lalo na sa kuya ko kasi alam nyo naman yun si kuya medyo masama loob non kay mark BUT sabi nya okay lang naman daw na papasukin kong muli si mark sa buhay ko pero basta daw ipangako rin ni mark na hindi nya na ako sasaktan, kaya naman sobrang saya ko nong mga araw nayon dahil parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan kaya naman kinabukasan nag pasya si mark na mag kita kami then i said yes.

Nung nagkita kami sinurprise pa nya ako na palagi nyang ginagawa DATI, isa din itong part na to ang gustong gusto ko sakanya ang hilig nya manurpresa kahit sa simpleng mga bagay manlang at talagang na papahalagahan ko yon, ma effort syang tao at talaga hindi ka magsisisi na maging part sya ng buhay mo kaya super akong nagpapasalamat dahil muli kaming pinagtagpo.

Ngayon nandito ako sa school dahil gagraduate na kami! Super saya ko dahil nakapag tapos narin ako ng high school, susunod na ang college and i wish wag naman sana nila akong pahirapan.

"Good Morning Ladies and Gentlemen, I'm very happy for all the students here is now graduating, after a years you will be having a family, A happy family, I'm very proud of all the students here, and congratulations graduating students" salita ng aming principal kaya naman pumalpak na kami tska nag announced pa ng marami basta alam nyo yan kapag gumagraduate hehe.

"Diana Madrigal" tawag ng mc kaya naman umakyat na ako at ibinigay sakin yung diploma ko nakipag kamay ako sa mga tao na nasa stage tska ako nag punta sa gitna para doon tumungo, nakita ko sa mark na naka ngiting naka tingin sakin kaya naman nginitian ko sya pabalik bago ako bumaba ng stage.

Marami pang studyante ang tinawag kaya tumagal kami ng dalawang oras sa paghintay at pagpalakpak, sobrang worth it nang paghihintay super worth it.

Nang matapos ang seremonyas tska kami nag picture picture, may picture kaming dalawa ni mark, kami ni Rose Ann kami ni carl at syempre kami apat at kaming pamilya ko din syempre at ng mapagtripan ni ate jacky si Rose Ann at si carl doon ko naramdaman na may iba nga, yung feels ko nung nakaraang buwan, may hindi talaga sila sinasabi sakin like duh! Best friend nila ako so kaya kailangan nilang sabihin sakin baka makatulong ako diba.

Habang pinipicturan sila ang awkward ng paligid nila hindi ko alam pero parang iba yung nararamdaman nila sa isa't isa basta iba talaga, nakamasid lang ako sakanila habang pinipicturan sila ni ate at ng matapos ay agad na lumayo si Rose Ann kaya naman sinundan ko ito at nag punta itobg banyo narinig ko itong huminga ng malalim kaya ng pumasok ako ay nagulat sya, nag hugas lang ako ng kamay tska ako kumuha ng tissue para punasan yung kamay ko tska ako tumingin kay rose ann na ngayon ay naka tungo.

"Spill it out, hindi ako tanga para hindi maramdaman na may mali sainyo" sabi ko habang nakatingin kay Rose Ann kaya naman napatingin sya sakin at doon ko napansin na medyo maluha luha yung mga mata nya.

"Bes..." tawag nya sakin tska yumakap sakin kaya naman yinakap ko din sya pabalik at hinagod ang likod nya.

"So, ano ang nangyare?" muli kong tanong.

"Mamaya nalang natin pag usapan, I Don't wanna ruin the moment, kaka tapos lang natin grumaduate eh"

"Okay kung yan ang gusto mo, pero ikekwento mo sakin mamaya yan ah, sa bahay ka matutulog"

"oo na! Tara na nga nasira na make up ko pesteng yan" sabi nya kaya natawa ako, nag ayos lang sya saglit tska kami lumabas ng banyo.

Paglabas namin nakita kong naka tingin si carl kay Rose Ann, tinignan ko si Rose Ann naka tungo lang sya havang naglalakad kami, kaya pagka lapit namin a mga kasama namin dumaretsyo na agad kami sa mga kanya kanya naming sasakyan at dumaretsyo kami sa bahay namin para doon mag celebrate.

The Nerd Meets The Playboy | (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon