Chapter 31

225 7 0
                                    


Chapter 31: Stock  (Christmas part 1)

Diana's POV

Ilang araw din ang nag daan simula nung nangyari yung gabing yon, hindi ako nakatulog non kakaisip kung bakit nya ginawa yun kung pwede namang sabihin nalang na may cream sa gilid ng labi ko!

Simula non naging ilap ako sakanya, hindi ako lumalabas ng kwarto kapag nasa sala sya kasama sila mommy, nandoon lang ako sa kwarto nanonood ng KDrama sa cellphone ko at hinihintay syang umalis, ayoko na kasing mangyari ulit sakin yon. Ayoko ng masaktan. Ayoko ng umasa. Ayoko na.

Ngayon ay nandito kami sa isang restaurant ng hotel kumakain dahil right now is Christmas! I'm so excited dahil mamamasyal kami, hindi ko alam kung saan sila ang nakaka alam basta kung saan sila doon narin ako.

Pagkatapos naming kumain umakyat na agad kami sa kung saan yung kwarto namin. Hindi sumabay samin si mark dahil sabi daw nya ay may aayusin pa daw sya at mag papa delivered nalang daw sya, ayun yung sabi ni ate jacky na sinabi daw sakanya ni mark.

"Girl, okay ka lang? Kanina ka pa tulala eh" biglang salita ni ate jacky habang naka upo kami dito sa sofa at nanonood ng The Conjuring part two.

Tumango ako "Yeah, nag iisip isip lang"

"Ng ano naman?" tanong nya sakin

"Kung saan tayo pupunta mamaya tska kung ano regalo nyo sakin, kasi it's Christmas! You know? More gifts more happy"  sabi ko sabay tawa

"Ewan ko sayo, dami mong alam" sabay irap.

Ang totoong iniisip ko ay hindi tungkol sa regalo na matatanggap ko o kung saan kami pupunta mamaya, ang iniisip ko pano kung hindi kami nag kahiwalay, pano kung kami parin hanggang ngayon, makakasama ko naman kaya sya dito?, ganyan ang laman ng utak ko, hindi ko alam kung bakit basta bigla nalang syang pumasok sa utak ko at nag isip, pero kahit anong isip ko wala akong nakukuhang sagot maski isa, dahil hindi naman ako sya at sya lang ang makakasagot non.

Hanggang ngayon iniisip ko parin kung bakit kami naghiwalay, all of a sudden he broke up with me without any reason, at ang maganda pa doon, hindi pa ako gumigising pero nakupag hiwalay na sya. Ang daming umiikot na tanong sa utak ko pero kahit sino alam kong walang makakasagot at isang tao lang ang alam kong makakasagot nito at si mark yon.

Pero dahil sa nangyari nung nakaraang gabi wala na akong nakikitang mark, oo nandyan sya lagi pero hindi ako nagpapakita, why? Because i don't want to, ayokong may mangyari nanamang hindi inaasahan katulad nalang nung gabing yon, ayoko ng maulit pa.

Hanggang matapos yung pinapanood namin at tili parin ng tili si ate jacky ewan ko ba dyan takot na takot ako din naman natakot eh, nagtago pa nga ako sa likod ni ate jacky kasi talagang nakakatakot as in!

Lunch time na kaya naman bumaba na sila ako naman ay susunod nalang dahil may aayusin pa ako. At ng matapos ako sa pag aayos ay lumabas na agad ako ng kwarto at sumakay ng elevator. Pagsakay ko ng elevator agad naman pumasok si mark kaya tumabi ako sa gilid at sya naman pinindot yung ground floor tska sya tumabi sakin, hindi naman as in tabing tabi syempre may espasyo parin. Nakasandal kasi ako kaya sumandal din sya. Nakikita ko sya sa gilid ng mata ko na tumitingin sakin tska biglang iiwas ng tingin. At ilang saglit lang ay biglang huminto yung elevator at medyo nauga pa kaya napahawak ako sa hawakan na bakal na naka palibot sa loob ng gilid ng elevator tska ako napatingin ako sa taas at nakita kong na istock kami!

Ilang sigundo na ang nakakalipas ngunit hindi parin bumubukas yung elevator, at bigla nalang namatay yung ilaw kaya napadikit ako kay mark, may phobia kasi ako sa dilim alam nya yun kaya yinakap nya agad ako, ako naman nagtatago lang habang yakap yakap nya ako, ang higpit ng pagkakakapit ko sa coat nya kaya lalo nya pa ako yinakap ng mahigpit.

"Everything will be alright" biglang salita nya at hindi ako umimik kaya medyo gumaan yung pakiramdam ko at dahan dahan akong bumitaw sa pagkakakapit sa coat nya, pero yakap parin nya ako "I'm sorry" biglang sabi nya kaya napatingin ako sakanya ng naka kunot ang noo, at nakita ko syang naka tingin sakin at makikita mo doon na sinsero sya sa sinasabi nyan "I didn't mean to do that"

"It's okay" ayun nalang ang nasabi ko dahil parang double meaning yon at medyo lumayo ng konti sakanya

Hindi ako umiimik pinapakiramdaman ko lang kung ano yung susunod na mangyayari, gusto ko na kasing umalis dito pero dahil sa mukhang walang nakakahalata na stock yung elevator at hindi nila alam na may tao, hindi kami maka alis.

Maya maya lang ay biglang bumukas yung ilaw kaya napahiwalay agad ako sa pagkakayakap kay mark at doon nag simula ng magbilang ulit pababa yung elevator, kaya naman nakahinga ako ng maluwag, hindi ko kasi alam ang gagawin ko kung maiistock kami doon ng isang oras, ilang minuto pa nga lang na kasama ko sya sa loob eh hindi na ako makahinga!

Ng bumukas ang elevator dali dali akong lumabas at walang lingunan na ginawa tuloy tuloy lang pero napahinto ako ng hindi ko malamang dahilan at pumihit papunta kay mark at doon nakita ko syang naka yuko parin kaya lumapit ako.

"Hey...." tawag ko kaya naman napatingin sya sakin "Thanks, kasi kung wala ka sa loob kasama ko hindi ko na alam ang gagawin ko, kaya thank you" sabi ko at ngumiti kaya napangiti rin sya

"Wala yon, sige na baka hinahanap ka na nila tita hindi ka pa kumakain" sabi nya

"Mm...what if, sumabay ka na sakin kumain for sure tapos nayong mga yon kumain dahil ang tagal natin sa loob ng elevator dahil nga na istock tayo" sabi ko at napatingin lang sya sakin "Woi ano? Para makabawi ako kasi sinamahan mo ako" sabi ko tska ngumiti kaya tumango naman sya

"Sure, gutom narin ako eh" sabi nya kaya nag punta na agad kami sa restaurant, hindi kami nag kikibuan naglalakad lang kami. Ng makarating kami sa loob ng restaurant agad hinanap ng mga mata ko sila mommy, at nakita ko silang nagtatawanan sa isang table kaya lumapit agad kami. At paglapit namin nagulat pa sila saglit at napalitan naman agad ng nakakalokong ngiti kaya inirapan ko sila tska naupo at tumabi naman sakin si mark.

"Ano yan ha? Bakit kayo magkasama?" tanong ni ate jacky habang naka ngiti ng nakakaloko.

"Inaya ko syang sumabay satin i mean 'sakin'  kasi mukhang tapos na kayo, tska na stock kami saglit sa elevator" paliwanag ko tska sila tumayo kaya nagtaka ako

"May kasabay ka na pala eh, akyat na kami kase may gagawin pa kami tapos gagala tayo later you know it's Christmas, mark do want to join?" tanong ni ate mizzy habang naka ngiti ng malaki.

"K-Kung okay lang kay diana why not?" sabi nya tapos tumingin sakin kaya napataas ako ng kilay.

"Mmm...sige lang" sabi ko tska nag simulang tumingin ng pagkain sa menu ganon din si mark sila mommy naman umalis na at narinig ko pang bumungisngis. At ng maka makapili na ako ng kakainin ko umorder na agad ako.

Pagdating ng waiter inorder ko lang yung gusto kong kainin ganon din si mark, kaya habang nag hihintay kami nag usap muna kami.

"Saan kayo pupunta mamaya?" biglang tanong nya

"Hindi ko pa alam eh, sila kasi nag aaya" sabi ko

"Ahhh... Mukhang marami namang alam ang mga kapatid mo dito no?" tanong kaya tumango ako at hindi na sya nakapag salita dahil dumating na yung inorder naming pagkain kaya naman doon nalang namin binuhos yung atensyon namin.

To be continued....

A/N: Hi silent_ky thanks for the cover!😘

The Nerd Meets The Playboy | (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon