Meeting Pogi

13.7K 34 0
                                    

Katana's Mail: Sorry po sa wrong grammar tao din po ako nagkaka-mali.

Chapter 3

It's my birthday! Wala kaming handa kakain lang kami sa labas.

"Happy Birthday baby ko!" Sabay halik.

Ganyan ka-sweet si daddy samin kung gaanu siya ka-protective ganun din siya ka-sweet di man ako swerte sa kaibigan may tatay akong masasandalan.

"Pie birthday" simpleng bati ng punyets kong kapatid.

"Salamat."

Yung lola ko? Msyado siyang masungit madalang lang ipakita yung sweet side niya kabaliktaran siya ni daddy. Di ko nga alam kung bakit naging sila ni daddy eh.

"Dy, bakit mo naging asawa si lola eh ang sungit sungit tska ang ingay ingay pa." Biro ko sa kanya.

"Ay aba malay kong maingay pala yan. Pero kahit ganyan yan. Mahal na mahal ko yan."

Lalandi tatanda na eh.

Umalis na kami at kumain sa labas. Nalulungkot nalang ako. May bumati naman kaso gusto ko yung with pictures tska yung may mahabang caption ganon. Hindi lang talaga ako siguro ako important. Tss.

"Happy ka?"

"Opo namam dy. Thankyou." Ang swerte ko talaga sa kanya.

"Gusto mong mag-WOF tayo? O kaya mag-movie."

"Nuod tayong the hows of us." Aya ko.

"Osige. Lika na."

At yun na nga bumili na kami ng ticket nakakaexcite.

I can't believe this! Its all about second chances. With do you prefer love or passion?

George is always been there through his ups and downs kahit pa kailangan niyang mag take ng risk. Kahit pa kailangan niyang mag-aral dahil pangarap nitong maging doctor. Bakit ba kasi kailangan lagi mag take ng risk? Hindi ba pwedeng love lang? Wala ng hirap?

Siguro walang trill kapag puro love lang hindi worth it kung puro sarap lang.

Pauwi na kami. May naka-paradang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Kaninong sasakyan kaya to?

Isang pamilyar na boses ung narinig ko.

"Dadddddddy!" Sigaw ni Trish kay daddy sabay yakap.

"Hello darling." Bati niya kay Trish.

"Daddy meron ako subong sayo." Subong?

"Pasalubong." Pagtatama  ni tita.

Lumabas si tita sa kwarto at may kasama siyang lalaki. Omg ang gwapo siya yung tipong tall, dark and handsome. Omg.

"Hello po tita. Kumusta po ang byahe? Di man lang po kayo nagpasabing uuwi kayo."

"Surprise talaga tong pag-uwe namin. May cookies dun sa box. Kunin mo nalang. Dalian mo at baka nilamantakan na iyin ni Trish."

Biglang nag ning-ning yung mata ko ng marining ko yung cookies. Waaah!

"Nga pala asan po si kuya Zac?" Tanong ko kay tita.

"May work ang kuya Zac mo kaya si kuya Vince mo ang kasama ko. Kaka-endo niya lang sa work."

Tumango-tango nalang ako at hinanap yung cookies omg.

Di katulad ni kuya Zac. Msyadong tahimik tong si kuya Vince. Tumira na sila dito noon nung maliliit pa pero nung 8years old sila kinuha na sila ng lolo at lola nila sa father side. Kambal sila ni kuya Zac. Pero shemay mas gwapo tong isa.

Cousins With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon