Vrea Dyan Vinzon's POV
"Bakit late kana nakauwi? First day mo lang ngayon ha?" Hay. There she goes. Alam kong ito na ang maabutan ko paguwi 'e. Pano ba naman 11 na umuwi yung Mr. Marcel na 'yon. Buti nandun pa rin si Klyde kasi workaholic daw siya. Kaya hinatid na niya ako pauwi.
Yumuko naang ako kase, hindi naman ako makasalita pabalik dito kay ate. Sinulat ko nalang na late na nga ako pinauwi ng boss ko.
"Hay, sige na. magbihis kana at matulog, teka, kumain kana ba?" Tumango ako, nilibre na kase ako ni Klyde ng lugaw nung pauwi kami kanina.
Sinalampak ko ang sarili ko sa kama ko, what an exhausting day! First day palang, andami na agad nangyare.
Magtatagal kaya ako sa trabahong 'to? Well, hopefully.
"VINZON!" halos mabulabog ang buong pagkatao ko ng biglang marinig ko ang sigaw ng boss ko pagkaakyat ko. What da? 6 am palang ah? Diba 8 ang pasok namin? Inagahan ko lang para baka sakaling mauna siya saa'kin pero mas maaga pa pala siya sa 6 pumasok.
Teka, pano niya nalaman na nanditi na ako at paakyat na ako?
"Kanina pa kita inantay sa cctv! napakadaming gagawin today for the launching of our new business ventures!"
Yumuko lang ako, this is my problem, hindi ko madefend ang srili ko verbally because of this.
"Don't make that face, ayusin mo ang sched ko ngayong araw at free me this dinner."
Pero? Yun yung business dinner niya with the board members ah? Why so sudden?
"Sir, nakaschedule po mamaya ang meeting niyo with other board members for other deals na makakatulong sa company, baka hindi ko po macancel ito." i wrote.
"So? Ako pa ang magaadjust sakanila? Well, tawagan mo sila isa isa at sabihin mong pinapacancel ko. Just do it, wala ng pero pero."
Pero pero? As in butterfly? Hehe joke.
"Why are you smiling like that? Idiot."
Natawa lang naman ako sa sarili kong joke masama ba?
Pero, umiling nalang ako para wala nalang away dito.
The day goes by na nakabuntot lang ako dito sa bos kong arogante. Like, kala mo gwapo.
Well, he is physically. But the true definition of gwapo is not base on the physical aspects but in the heart.
"What's my next schedule?" he asked me while i'm following him sa corridor ng atrium kung saan gaganapin ang exhibit ng mga product ng M Group.
Inabot ko sakanya ang papel ng schedule niya.
"Buy a 200 pieces bouquet of blue roses." Inabot niy saa'kin ang cellphone na nakadirect sa app na pwedeng umorder ng bouquet at ipadeliver.
Inadd to cart ko na lahat at idedeliver na daw asap.
Wow, romantic din pala talaga 'tong si Mr. Marcel.
Siguro may isa lang 'tong babaeng mahal na mahal niya talaga, ay impossble. Para kasi sakanya lahat ng babae parang laruan lang 'e.
"What are you staring at, you idiot." nagising ang diwa ko ng marinig ko ang boses ni Mr. Marcel.
Umiling lang ako at inalis ang mga unwanted thoughts sa utak ko.
"Mam, this is the bouquet you ordered, enjoy." nginitian ko nalang ang delivery man dahil hindi naman ako makapagthankyou pabalik. Marunong ako ng sign language pero hindi naman lahat nakakaintindi non.