Vrea Dyan Vinzon's POV
Hindi pa din ako makapaniwala sa ginawa ni Klyde.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at hindi ako makatulog, ano ba naman 'to.
Wala na akong nasabi kay Klyde, tumakbo nga ako pagkatapos mangyari 'yon.
Runner diba? Hakhak
Ring ng ring ang cellphone ko, si Kylde tumatawag. Pinatay ko ang cellphone ko. Overwhelmed lang talaga siguro ako.
First kiss ko 'yon.
-
Bago ako pumasok ay dumaan muna ako dito sa coffee shop sa labas ng building.
Hindi eto yug coffee shop na nung barista na nagsulat sa kape ko ah! Iba 'to.
Ayaw kase ni Mr. Marcel na bumili ako dun simula nung nakuha niya yung "Can i get your number?"
Kilala narin ako nung barista dito sa bagong coffee shop na pinupuntahan ko. Kaya alam na niya na nagaabot ako ng orders gamit ang notepad ko.
Dirediretso na ako sa office ni Mr. Marcel.
"Where's my coffee?" Masungit na bungad saa'kin ni Mr. Marcel.
Inabot ko ang kape sakanya at imbis na mag thank you, "Very good." Ang sinabi niya sabay ngisi.
Minsan talaga maluwag din ang turnilyo nitong boss ko e.
As usual, ordinaryong araw nanaman ang natapos at pauwi na ako ngayon, hindi pumasok si Klyde sa office kaya wala naman akong imiwasana buong araw.
Kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng building.
"Vrea!" Isang pamilyar na boses ang tumawag saakin.
Nanlaki ang mga mata ko. Nasa kabila ng kalsada si Klyde at papalapit saa'kin.
Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?
Hinawakan ni Klyde ang balikat ko habang hingal na hingal.
"Vrea, i'm sorry. Hindi ko sinasadya yung ginawa ko, i thought who were her. Pasensya kana."
My heart ached. Hindi ko alam kung bakit. Ewan ko. Pero bigla nalang ako napatango at ngumiti na peke.
Alam kong peke yung ngiti na 'yon.
Pagkatapos nun, hindi na naiilang saa'kin si Klyde at tumawag na siya ng taxi para saa'kin.
Hindi na siya sumabay dahil may pupuntahan pa daw siya.
Siya din nagbayad ng taxi ko pauwi.
Isang kilometro nalang ako palapit sa bahay namin biglang may tumawag saa'kin.
Mr. Marcel calling you...
At this hour? Bakit naman ngayon pa?
Wala akong choice kundi sagutin ang tawag na'to. Sa totoo lang sobrang precious din saa'kin ng trabaho ko na to. Dito lang ako napahalagahan despite of my disability.
"I need you here, i'll text you the address. I'll make the pay triple this month"
Sabi niya, pero bumubulong siya.
Kasunod nun ay may natanggap na akong text ng address na sinasabi niya. Pupunta ba ako? Tapos na trabaho ko ah? Anong sinasabi niyang triple pay? Para lang dito? Bakit ano bang gagawin ko?
Cosmic Latte Hotel, Makati. Room L-1485
(A/N: hi im an exo-l ♡)
Sayang naman yung pay diba? Tsaka wala namang gagawing masama 'tong boss ko saa'kin kasi kung meron, lagot 'to sa papa niya.