Vrea Dyan Vinzon's POV
Bakit ko ba napapanaginipan 'yun? Is that relevant enough para paulit ulit kong mapanaginipan? Well, nevermind. Tumingin ako sa orasan, 10 pm na. Lagot nanaman ako kay Ateana nito.
Lalabas na sana ako ng office meron may narinig akong mga hikbi.
Sinundan ko kung saan nanggagaling yung hikbing yon hanggang sa dinala ako nun sa kwarto ni Mr. Marcel.
Andaming bote ng alak ang nakakalat, amoy alak din dito sa kwarto.
Napako ang mata ko sa boss ko na nakaupo sa isang gilid, rinig na rinig pa rin ang mga hikbi niya. Yakap yakap niya ang mga tuhod niya habang nakaupo at umiiyak.
"I-I miss you, I-I love you." Yan lang ang paulit ulit niyang sinasabi sa pagitan ng mga hikbi niya.
I suddenly felt sad sa nakikita ko, hindi ko alam na may ganitong side din pala ang boss ko.
I have this tendency na kapag may nakikita akong malungkot at lalo na umiiyak, hindi ko mapigilan sarili ko pero nahahug ko sila.
Ewan ko, dahil siguro hindi ako makapagsalita, yun na yung way ko para mangcomfort ng tao sa paligid.
Lumapit ako sa boss ko at niyakap siya. Inangat niya ang ulo niya saa'kin at kitang kita ko na mugto ang mga mata niya. Halos sumasara na sa sobrang maga kakaiyak.
Tinap ko lang ang likod niya para naman kahit papaano, gumaan loob niya.
Hindi ko alam, yung feeling ko ngayon, parang hindi siya yung boss na kung sungitan ako sobra sobra.
Iba yung nararamdaman ko pero hindi ko maexplain, naawa ata ako.
Aalis na sana ako dahil magagalit na si ate saa'kin pag nagtagal pa ako dito pero bigla akong hinila ng boss ko at niyakap.
"Please don't leave me, please don't leave me again."
While his tears is falling nonstop, wala akong nagawa kundi magstay.
Inalalayan ko siya para makatayo at makalipat sa kama, sasakit kasi ang katawan nitong boss ko.
Kinuha ko nalang ang comforter dun na extra at yun ang pinanglatag ko sa sahig, dito nalang ako matutulog, sigurado naman akong walang gagawin tong boss ko sakin kase hindi ako ang type nito.
Vean Dylan Marcel's POV
Nagising ako sa ingay ng mga tao sa labas. Dito nanaman ako nakatulog sa office ko, as usual. Inikot ko ang mata ko sa gulong ginawa ko kagabi, madaming bote ng alak.
What?
Bakit nandito ang sekretarya ko? Anong?
Hindi, Vean. Hindi mo ginawa yon.
Pinagmasdan ko siya na nakahiga sa sahig, i don't care choice niya namang humiga dyan so wala kong pa----
Okay, ililipat ko na sa kama. I'm not that heartless, you know.
Naligo na ako at nagbihis ng formal attire para sa meetings ko today.
Bago ko umalis ng office, tinignan ko muna ang schedule ko at ang nakahiga sa kama ko, well nasa pansitan pa siya.
So i decided to leave a note.
Vrea Dyan Vinzon's POV
Bigla akong napaupo nang magising ako, teka, bakit nasa kama na ako? Agad kong chineck kung nakadamit pa ba ko, syempre para sure diba?
Tinignan ko ang orasan, 10:30 am? Shit. Bakit hindi ako ginising nung boss ko na 'yon.
Dumiretso ako sa desk ko pero naabutan ko ang note ng boss ko.
Did you accompany me last night? If you did, thank you. I'll buy you mcdo's menu naman this time.
Napangiti ako dahil kahit ganto naman 'tong boss ko ay may puso din naman 'to.
Ang napansin ko lang, he hates women.
Not necessarily na hate niya na tipong hindi na niya kailangan makita, he just don't like being with girls, yun ang nakikita ko sa personality niya.
Di ko nga pala nasabi na ang una kong course sa college ay psychology tapos nagshift lang ako kase hindi ko na type.
Sinagot ko ang tawag sa telepono, hindi na muna ko uuwi, nako, patay ako sa ate ko.
"Mam, nandito na po yung inorder under your name. Isang buong breakfast menu po ng mcdo right?" Tanong ng guard. Pero dahil hindi ako makasagot sakanya pinuntahan ko nalnag siya sa baba, nako sino naman magbabayad nitong napakadaming 'to.
Ininsist ko na hindi ako ang umorder nun pero sabi ng delivery boy ay binili daw ito ni Mr. Marcel as a token of gratitude.
Wow, gratitude. I only know gravity hehehe.
Binilang ko ang pera ko sa tapat ng delivery boy pero ang sabi niya nabayaran na daw ito ni Mr. Marcel.
Ganun ulit, shinare ko sa buong department ang binigay saa'kin. Iniisip ko nalang para sa lahat yun binili ni Mr. Marcel.Ganun ulit, the same day. Running errands for the company.
Buti nga ngayon, mas maaga na akong nakauwi dahil hindi nagpakita saakin ang boss ko buong araw, siya na nagasikaso ng sched niya at mukang nakipagmeeting siya buong araw.
Nakauwi na ako, at as expected, ratrat kung amratrat na ang ate ko pero anong magagawa ko, tama naman siya. Always.
Naglinis narin ako ng karawan at nakahiga na ng magring ang telepono ko.
Klyde?
"V-Vrea, sa playground. I need you."
Binaba nia niya agad dahil alam nia naman na hindi ako makakasagot.
Teka? Tama ba ang narinig ko?
Umiiyak si Klyde? Pero bakit?
Nagmadali akong pumunta sa pinaka malapit na playground saa'min.
Nakita agad ng mata ko si Klyde na nakaupo sa swing habang nakayuko.
Pinatong ko ang kamay ko sa ulo niya at nilaro ang buhok niya.
Komportable ako kausap si Klyde dahil marunong siya mag sign language dahil nga ang kapatid niya ang pipi din.
"Bakit ganun? Bakit ganun, vrea?"
Nauutal si Klyde at zunod sunod ang tulo ng luha niya.
"M-May babae akong gusto, i am courting her for almost 2 years, but you know what? She's happy now with my highschool friend. And she just rejected me after giving me fake love."
Lahat ng advice ko sakanya ay dinaan ko sa sign language.
(A/N: Sinasign language ni Vrea si Klyde sa mga advice nito)
"Hay. Don't settle for that kind of love."
"Why?"
"Because you're so much more. Sobra sobra kapa, you give yourself ng buong buo kapag naiinlove ka. Ikaw yung tipo ng tao na papangarapin ng kahit sino. So stop. Stop drooling over things na alam mo na malabo maging sa'yo kaya, don't stop loving but stop loving the person who doesn't love you."
Nagulat ako ng yakapin ako ni Klyde.
"Thank you. Thank you for making me realize my worth."
Magsasign language pa sana ako para magwalang anuman sakanya but....
....Klyde kissed me.
________________________________________
(A/N)
Have you ever had a crush on someone for almost a decade?
Wala lang. TKL tanong ko lang
Hope you like this chapter, lovelots!