V

35 6 2
                                    

Vrea Dyan Vinzon's POV

"Here." Wala ng space sa lamesa ko nang ipatong ng boss ko ang apat na paperbag na malalaking galing Jollibee.

Jollibee's my favorite. Napangiti ako.

Is this the kapalit of isaw? Sige araw araw nako magbabaon ng isaw. Joke.

Nagsulat ako ng thank you sa notepad ko at ngumiti siya. Wow for the first time.

A genuine smile.

Iba rin pala ang nagagawa ng isaw ano? May superpowers.

Tumayo ako para tignan ang mga laman ng paperbag.

Grabe. Lahat nga nandito.

Kumuha lang ako ng isang spaghetti, 2 pc. chicken, palabok, burger steak at sundae tapos drinks.

Grabe nakakagutom.

Binitbit ko na ang mga natirang 4 na paperbag sa labas ng office at pinamigay sa mga kaofficemate namin. Akala nila ako ang bumili. Di ko naman masabi na si boss.

Inabot ko kay klyde ang isang meal ng chickenjoy at ngumiti.

"Salamat. Birthday mo ba?"

Natawa ako at umiling at saka bumalik na sa office ng boss ko.

Sinimulan kona kainin ang mga itinabi ko para sa sarili ko.

Tinignan ko ang boss ko, mukang wala nanamang pake.

-

Napangiti ako ng titigan ko ang mga walang laman na plato. Ang sarap! Nakakabusog.

Inipon kona ang mga kinainan ko at itinapon sa labas.

Pag balik ko sa office, nakatitig nanaman saa'kin tong boss ko.

"You pig." He smirked.

Heh? Anong pig? Eh siya nga 'tong umorder sa buong menu ng jollibee.

Umirap lang ako sakanya at natawa siya.

Anong nakakatawa don?

-

"Uy, salamat sa pa jollibee kanina ah?"  Klyde said while we're walking together.

Umiling ako at nagsign language sakanya na hindi ako ang bumili non.

"Ha? Eh sino?" Tanong niya. Nako hindi to makakapaniwala.

"Si Mr. Marcel?!" Gulat na tanong niya nang maintindihan ang sign language ko.

Tumango ako. "Woah. Grabe. May pusong mamon rin naman pala si boss kahit 0.01 percent."

Natawa lang ako.

Sabi na 'e. Magugulat talaga 'to.

"Hatid na kita, Vrea. Baka mapano kapa sa daan 'e."

Tinanong ko siya kung bakit.

"Malamang! Pano ka naman makakasigaw kung mayroon mang umano sayo diyan? Samahan na kita." At ngumiti siya.

Napangiti nalang din ako. Buti mayroon akong kaibigan na katulad ni Klyde.

-

"Sige, Klyde! Salamat ulit." Hinatid tanaw ni ate si Klyde.

Inaya pa nga ni ate kumain dito si Klyde kaso may pupuntahan pa daw siya e. Nako, nahihiya lang 'yon.

"Buti naman maaga aga ka umuwi ngayon kumapra sa mga uwi mo nung mga nakaraan araw."

Ngumiti nalang ako. Wala naman akong kailangan i explain 'e.

Three Words, I repliedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon