Vrea Dyan Vinzon's POV
"Buy me coffee." Pagkapasok na pagkapasok ko yan ang bungad saa'kin netong boss ko.
Tumango lang ako at lumabas na ng office niya.
"Uy, vrea! Bibili ka kape?"
Nakasalubong ko si Klydesa hallway. Tumango ako.
"Samahan na kita, bibili din ako." Ngumiti lang ako at sabay na kami naglakad papunta sa coffee shop.
"One americano, chamomile tea, and green tea." Si Klyde na ang nagoffer na umorder. Sinulat ko nalang yung mga dapat niyang orderin.
Palabas na sana kami ng coffee shop, nang biglang may tumawag saa'kin. "Uhm, diba ikaw yung secretary ni Vean?" Sge said.
Tall, beautiful and kindlooking girl. Ah okay, naalala kona. Siya yung pumunta sa office nung gabi and pinalayas ni Mr. Marcel.
Tumango lang ako at ngumiti. "Is that for him?" Turo niya sa kapeng hawak ko.
Tumango ako at ngumiti. Nagulat ako nang biglang kunin niya sa kamay ko ang kape para sa boss ko.
"Let me do it. Ako na ang magaabot sakanya."
Hindi na ako nakaangal at ganun din si Klyde. Ni lead niya ang way papuntang office at sumunod na kami sakanya.
"Hey, vean. I saw your secretary on my way here and here, your coffee." Bungad nito sa boss ko pagpasok ng pinto.
"What are you doing here?" Sinensyasan ako ng boss ko na umalis at isarado ang pinto. Nagstay lang ako sa labas pero naririnig ko parin ang mga pinaguusapan nila.
"What the fuck are you doing here again? Hindi paba sapat yung ginawa ko sa'yo nung last mong punta dito?"
"Please, vean. Please give me another chance, i'll be your toy, payag ako kahit gawin mo akong ganon."
Grabe ganun niya ba kamahal yung boss ko para gawin 'yon? Wow.
"I don't need you and your nonsense, sam. Get out of my sight, now!"
Nakarinig ako ng isang lagapak sa sahig, parang nahulog.
Kasunod nun ay ang paglabas ni Ms. Sam.
Sam pala ang pangalan niya.
Pumasok naman ako sa office ng nakayuko, ayoko guluhin ang boss ko.
Well, ginulo ko na nga pala.
Naabutan ko ang cup ng kape na nasa sahig at natapon, eto siguro yung narinig ko kanina.
Nakita kong bukas ang kwarto ni Mr. Marcel na kung san niya dinadala mga secretary niya dati.
Hindi kaya?
Hay, Vrea. Kung ano ano nanaman iniisip mo jan.
"And you!" Nanlilisik ang mata ng boss ko. Napayuko ako.
"Don't you ever talk to that bitch." He said in a cold tone.
Tumango ako at yumuko. "Clean up this mess."
-
Vean Dylan Marcel's POV
"Hey, vean. I saw your secretary on my way here and here, your coffee." Nagulat ako sa bumungad sa pinto.
That bitch. Sam Rodriguez.
"What are you doing?" Tanong ko sakanya. She's so pathetic.
Sinenyasan ko ang sekretarya ko na isarado ang pinto.