Chapter 5

869 16 8
                                    


"Anong nangyari sa'yo?"tanong ni JD kay Julia ng makita nyang umiiyak ito habang isa isang pinupulot ang mga gamit nyang nagkalat sa floor.

Lumingon si Julia at lalong nag agusan ang mga luha nya pagkakita kay JD. Mabilis na lumapit dito at yumakap sa binata.

"JD...(sobs)ayoko na dito."sabi ni Julia at di na tumigil sa kaiiyak

"Sshh..tahan na. Ano bang nangyari? Anong ginawa nya sa'yo."

"As usual sinaktan nya ako, inihagis nya ang mga gamit ko."umiiyak nyang kwento

"Si Queen ang gumawa nyan sa'yo?"takang tanong ni Khalil

Lumingon si JD sa kanya at nag ukol ng matalim na titig.

"What? Eh i can't believe eh, knowing CK hindi nya gagawin yan sa loob ng school."sabi ni Khalil

Hindi makapaniwala si JD sa naririnig.

"I don't need your opinion jerk! She did already, i don't need to explain!"(sobs)-Julia

"Oh well, i don't know per-.."hindi naituloy ni Khalil ang sasabihn nya dahil nagsalita si JD

"Khalil! Pwede ba, that won't help, can you just leave us now!"sigaw ni JD

Tinaas ni Khalil ang dalawang kamay niya, like surrendering. Saka tumalikod.

Pagtalikod nya, "Liar!"sabi nya saka naglakad papalayo sa dalawa.

Naiwan namang iiling iling si JD, at tinulungan nyang pulutin ang mga gamit ni Julia. Pagkapulot ay itinayo nya si Julia saka iginiya papuntang car park. Sumakay sila sa Dodge Challenger nya at napagdesisyunan nyang dalhin si Julia sa mall.

Payapang binabagtas ni JD ang daan, samantalang si Julia ay tahimik lang na nakatingin sa kawalan. Bahagyang tumitingin sa kanya si JD, inaaral ang expression ng mukha neto. Naaawa siya sa dalaga, pero iyon lang ang tanging nagawa nya, ang aluhin, aliwin at ipasyal ang dalaga.

"Okey ka lang?"di na napigilang itanong ni JD, masyado na kasi syang nabibingi sa katahimikan neto ngayon.

Tanging pilit na ngiti lang ang inukol neto sa binata.

"Wag mo na lang kasi silang papatulan, hayaan mo na kasi sya. Just dance with her game, pero wag kang makikipagmataasan."sabi ni JD

"I didn't do anything!"matigas na sagot naman ni Julia.

Hindi na lang nagsalita pa si JD, ipipilit nya lang ang gusto nya. Kaya mabilis na lang na pinatakbo neto ang sasakyan. Pagkarating sa isang mall ay agad nyang pinagbuksan si Julia ng pinto, bumaba naman ito agad. Kinuha nya ang bag ng dalaga at binuhat iyon.

"Let me carry this."sabi pa nya sabay kuha ng bag ni Julia.

"Thanks."sagot naman ni Julia at nagblush pa

Naglakad lakad sila sa mall, kumain ng kung anu ano. Lahat ng pwedeng pampagood vibes ay ginawa nila para maibsan ang galit, lungkot at inis ni Julia. They even played in the Time Zone, sa nakikita ni JD ay tuwang tuwa si Julia at medyo nakapagpakalma sa kanya iyon.

"JD, madami na to, ipalit na natin."sabi ni Julia pertaining sa mga cards na nakuha nila sa nilalaro nila.

"Dagdagan pa natin."masiglang sagot naman ni JD at nagpatuloy nga sila sa nilalaro nila.

Nang makita ni JD na hindi na masyadong nag eenjoy si Julia ay itinigil na rin nya yung nilalaro nya at hinugot na ang mga cards. Ipinalit nila iyon at nakakuha sila ng mediun size ng bearhugs. Ibinigay ni JD sa dalaga at tuwang tuwang yumakap ito sa kanya.

Nang magdidilim na ay nagkayayaan na rin silang umuwi, hinatid na ni JD si Julia sa bahay nila.

"Sige JD, salamat sa oras ha, thank you for making my day. Akala ko sirang sira ang araw ko, but you really made my day. Thanks again."sabi neto at humalik pa kay JD, hindi sa pisngi, sa labi. Na ikinagulat naman ni JD.

King and Queen of Gangsters (don't dare messing up with us)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon