Chapter 12

593 11 13
                                    

Pagkatapos ng panghuling bahagi at pinakahighlight na event sa GEPU, napagkasunduan ng ibang mga studyante na lumabas para magbar, at icelebrate na rin ang success ng ginawang event sa university nila.

Yung mga studyante ay naexcite dahil makakasama nila sa pagpaparty nila ang nanalo sa Mr. And Ms. GEPU na sina Jd at Ck. Labis ang kanilang kagalakan dahil for the first time napapayag nilang sumama sa kanila ang reyna ng GE.

"Susunod ako dun, wag kayong mag alala. Kelangan ko lang magbihis."sabi ni CK sa mga kapwa niya studyante

"Samahan na lang kita, di na ako uuwi."sabi naman ni JD.

"Dude, kami ng bahala sa reyna namin."si Quen

"Ah Quen, okey lang naman. Ayos lang kung sasabay na sa akin si JD."si CK

Napafrown si Quen.

"Sige, pero oras na may mangyari sayo malalagot sa akin kung sino man ang kasama mo Queen."maangas na napatingin pa si Quen kay Jd pagkasabi nun

"Tsk, umiiral na naman ang pagkahot headed mo Quen."sabi ni CK

"I am just protecting you Queen."sagot naman ni Quen

Maya maya ay nagpaalam na rin si Quen.

"My car?"tanong ni JD nung nasa parking na sila.

"Meron akong dala."mejo nakafrown na sagot ni CK, pano nakalimutan na yata ni Jd ang dapat itawag sa dalaga.

Para silang nagkakarera nung nasa gitna ng daan, pero nakasunod lang si JD kay CK. Napapangiti si JD, di niya sukat akalaing kaskasero pala talaga ang reyna ng mga gangsters.

Ilang minuto ay narating din nila ang bahay ng mga Bernardo, pero di na sya pinapasok ni CK, ang sabi ay magbibihis lang sya at lalabas din sya agad.

Sa isip niya ay talagang napakayaman pala talaga nila CK, di lang halata sa kanya dahil napakasimple niya.

"That's why i like her so much. Yun ang hindi nakikita ng iba, nauunawaan ko na rin ngayon bakit maraming may gusto sa kanya."bulong ni JD sa sarili.

Maya maya ay dumating na rin si CK, kinatok pa ang bintana neto. At agad namang binuksan ni JD ang pinto.

Pasalampak na sumakay si CK, "let's go, bago pa ako umurong sa lakad na 'to."sabi niyang nakafrown

"Is there something wrong?"tanong ni JD dahilan para mapalingon si CK sa kanya, "Queen?"dugtong ni JD, alam na niya kasi kung anong ibig sabihin ng mga titig na iyon ni CK.

Ibinalik ang tingin ni CK sa bahay nila, "magmaneho ka na lang. Tara."sabi niya saka ibinaling uli ang tingin sa daan. Tahimik namang nagmaneho si JD.

Narating nilang mabilis ang bar, and gaya ng inaasahan, masayang sinalubong sila ng kapwa studyante nila.

Tahimik lang si CK sa pag inom, may pagkaminsan kinukulit siya ni JD na sumayaw. Pinagbibigyan din naman niya pero mas pinipili niyang manatili sa table nila.

"Queen, is there something wrong?"tanong ng binata sa kanya

"Naalala ko lang ang daddy, pag ganitong nag uuwi ako ng karangalan, masayang masaya siya."sagot ng dalaga

"Bakit, nasaan ang daddy mo?"si JD at ininom ang laman bote niya

"I don't know where he was, kung sa heaven o sa hell. But i am sure he's in heaven now."sagot naman ni CK

"I'm sorry to hear that Queen."sincere niyang sabi kay CK, ngumiti naman ang dalaga at ininom ang laman ng bote niya.

"Hatid mo na ako, wala ako sa mood."sabi ni CK pagkaubos ng laman ng bote niya.

King and Queen of Gangsters (don't dare messing up with us)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon