Chapter 13

484 11 8
                                    


See you at school. Good morning Queen.😆

Yun ang bumungad na text kay CK ng umagang yun. Napangiti siya ng bahagya, bagong number yun kaya alam niyang si JD iyon.

Makailang ulit siyang nagtatype ng isasagot sa text na yun pero di niya magawang isend dahil nag aalangan siyang replyan ang text na iyon ni JD. Ang totoo hindi nya ugaling sumagot ng mga texts. Pero ewan nya bakit ngayon ay parang gusto niyang magtext.

Inilapag niya yung phone niya pero maya maya ay kinuha din iyon at namili sa drafts niya ang isesend niya.

Pinili niyang isend yung 'okey' saka mabilis niyang ibinalik yung phone niya sa side table niya. Papasok na sana siya ng banyo ng tumunog uli yung phone niya.

Halos napalundag siya ng tumunog iyon, mabilis siyang tumakbo papalapit sa Side table niya. Napangiti siya uli pagkabasa nun, sabi kasi sa text niya

Ingat ka Queen. Magkikita pa tayo.😋

Sobrang lapad ang pagkakangiti ni CK ng mga sandaling iyon. Pagpasok sa banyo ay pakanta kanta pa siya. Pakiramdam niya ay parang napakaperfect ng araw na iyon sa kanya. Sa isip pa niya ay hindi pwedeng masira ang napakagandang araw niya.

"JD, anak sorry, i know i've been rough to you this past few days."bungad ng mommy ni JD nung lumabas sya ng kwarto niya para pumasok. Sa nagdaang mga araw kasi ay hindi na sumabay sa pagkain si JD sa mommy niya, minsan ay mas gugustuhin na lang niyang uuwing busog para hindi makasalamuha ang mommy niya. Gaya na lamang nung sabado ay nagpakabusog siya kasama si Khalil, naibsan nga ang inis ni Khalil dahil sa maghapong pagsasama nila ni JD ay wala silang ibang ginawa kundi ang maglaro sa mga archades at kumain sa iba't ibang kainan. Syempre pa libre iyon lahat ni JD. Kahapon naman ay maaga siyang umalis para magsimba , at pagkatapos ay tumambay na siya ng mall. Inaya niya rin si Khalil at tumambay sila sa isang billiards hall.

At ngayon nga ay maaga siyang gumising para maaga siyang makaalis ng bahay nila para iwasan uli ang mommy niya, pero di sya nakaligtas dahil maaga din palang nag aabang ang mommy niya sa may pinto niya.

Inayos ni JD ang salamin niya, pati na rin ang kwelyo ng long sleeves niya. Pagkatapos ay nag umpisa ng maglakad ng di iniimikan ang mommy niya.

"Anak sorry, i just want a better person for you."pagsusumamo ng mommy niya

"Mom, don't start me with your nonsense judgements!"naiinis na tinuran yun ni JD saka mabilis na naglakad pababa. Sumunod naman ang mommy niya. Di pa din natigil sa pagbubunganga niya. Nagsosorry pero paulit ulit niyang sinasabing hindi sila magkabagay ni CK.

Mabilis na tumakbo si JD palabas at mabilis ding pinaharurot ang kotse neto. Habang nasa daan ay naisipan niyang itext si CK. Paano sobrang natoxic siya sa inasal ng mama niya kaya gusto niyang umayos ang mood niya. Napangiti siya ng magreply si CK nang itxt niya ito. Simpleng 'okey' na reply ng dalaga ang nagpakalma sa kanya.

Dumaan muna si JD sa isang fastfood chain upang magbreakfast. Pagkakain niya ay pumasok na rin naman siya agad. Malapad ang pagkakangiti niya. Pagpasok niya kasi ay nakatambad doon ang tarpouline nila ni CK na nanalo sa nagdaang pageant. Lalo pang kinilig si JD ng marinig niyang bagay na bagay daw sila ni CK. Habang naglalakad sya patungo sa respective room nila ay madami ng humarang sa kanya para magpapicture o di kaya ay humingi ng pirma niya. Syempre ganado din syang ibigay lahat ng yun sa mga humihingi.

Tumingin sya sa wristwatch nya, 10 minutes before time nila kaya nagmadali na syang pumasok. Iniisip niya kasi bago pa man mag umpisa klase nila ay makapagkamustahan muna sila ni CK, para lalong gumanda ang araw niya.

Pagdating niya ay nakatayo sina Julia at mga kaibigan neto sa pinto. Pinasabog ang confetti, simple lang naman pero natuwa din kahit papano si JD sa ginawa ng brat na si Julia.

King and Queen of Gangsters (don't dare messing up with us)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon