Chapter 3

901 19 6
                                    


"Queen, Julia Baretto ang pangalan nya, galing sya sa Paris, nagtransfer sya dito dahil gaya ng karamihan ay gustong makapagtapos dito sa GEPU."pagbabalita ni Quen sa kanya.

"Epal!"bulong ni James

Inutusan nya kasi ang mga kasamahan nya na mag imbestiga tungkol sa babaeng sumira sa first day nya.

"Magaling. Ngayon may alam na tayo sa kanya."sabi ni CK pero halata sa mukhang hindi pa rin humuhupa ang galit at inis sa bagong saltang babae

"One point Quen, zero for James."pang iinis ni Nadine.

Lalo tuloy hindi maipinta ang mukha ni James.

"Ang gusto kong marinig naman ngayon ay ang tungkol sa lalaki."

"Queen, infairness gwapo sya." Kinikilig pang sabi ni Nadine

"Tama, saka feeling ko malinis sya, angbango bango nya kaya!!! Ata mukha syang smart. Bagay kayo!halos tumili naman si Miles

Napakunot noo tuloy si CK sa kalandian ng mga kasama nya.

"Hindi yan ang gusto kong marinig!"matigas at halos pasigaw nyang sinabi iyon.

Napayuko tuloy sila sa takot kay CK.

Nagpunta si CK sa may bintana. Lalo namang kumunot ang noo nya pagkakita sa dalawang taong nakasira ng araw nya. Magkasama kasi silang naglalakad ngayon, nagtatawanan, and in fairness they're really look good together.

Lumapit naman si James sa kanya para sana ioffer na kumain nalang sila.

"Distract them."utos nya na nakatingin sa gawi nila JD at Julia.

"Sure Queen."mabilis nyang sabi at inaya na ang mga iba pang myembro para sa misyon nila.

*****

Masayang naglalakad naman sina JD at Julia, binabagtas nila ang daan palabas ng university. Napagkasunduan kasi nilang sa labas kakain.

"Alam mo, you look familiar."sabi ni Julia sa binata

"Bakit paano mo nasabi."he asked

"Parang nakita na kita, hindi ko alam kung sa Vegas o sa New York."sabi ng dalaga

"Sa New York siguro, kasi dun lang naman talaga ako."

"Oo, tama sa NYC."

"Bakit, di ba Paris ka, anong ginawa mo sa New York."

"Sinabi ko bang nagpunta ako sa New York?"tatawa tawang sabi ni Julia

"No, eh paano mo nasabing nakita mo ako sa New York?"naguguluhang tanong ni JD

Tumawa ng malakas si Julia.

"Hahaha! Ang epic kaya ng mukha mo."sabi neto

"Ha?"

"Sorry...hindi, sa google lang, nakita ko kasi ang picture nyo sa google, may award yata ang dad mo at kinunan kayo ng picture."

"Naalala mo pa, matagal na yun, it was 3 years ago."

"Wala lang, um..natutuwa lang ako inyo ng family mo."

"Thanks."

Maya maya ay may mga lalaking naglalaro ng skateboard sa kanilang daan at sinasadyang iblock sila.

"Anong problema nyo!"sigaw ni JD pero isa sa kanila ay walang nagsalita. Basta patuloy sila sa pagpapatalon ng mga skateboard nila. Nagugulat pa si Julia at napapasigaw dahil sa pakiramdam nya ay babanggain sya ng mga nakaskateboard.

"Hey! What are you doing, you faggots!"sigaw ni Julia sa inis nya sa ginagawa sa kanila

Nagsmirk lang ang mga lalaki maya maya ay dumating na rin si Miles at Nadine na nakaskateboard din. Tapos ay paikot ikot silang nagskateboard, magkadikit naman si Julia at JD, pero napaghiwalay din dahil sa ginawa ni Nadine na idinerecho ang skateboard nya sa gitna nila.

King and Queen of Gangsters (don't dare messing up with us)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon