Chapter 16

382 10 4
                                    


Excited pumasok si JD ng araw na yun, dala nya'y isang bouquet ng white roses at maliliit na heartshaped na mga lobo. Napapangiti sya sa tuwing babatiin sya ng mga estudyanteng nakakasalubong nya at tutuksuhin kung sinong maswerteng babaeng pagbibigyan nya ng mga dala niya. Simpleng ngiti lang ang iuukol niya sa mga tumutukso sa kanya. Sa totoo lang kasi ay kinakabahan din sya sa gagawin nyang pagtatapat kay CK.

"Is that for me?"maluwang ang pagkakangiti ni Julia ng itanong niya yun kay JD, aktong kukunin pa nya sana ang mga iyon pero mabilis na lumayo si JD.

"No Julia, this is not for-"di naituloy ni JD ang sasabihin dahil nagsalita agad si Julia.

"Wow! Every girl would love to have those, pero JD don't get me wrong, i'm just kidding a while ago. Alam ko naman hindi sa akin yan eh." Sabi ni Julia pero bakas sa mukha ang matinding kalungkutan. Hindi nga lang niya ipinahalata, sa isip niya kasi lalo syang magmumukhang kaawa awa kung ipipilit nya pa ang kagustuhan nya. Kaya napagpasyahan niyang magkunwaring alam niya kung kanino talaga ibibigay ni JD ang mga dala neto.

"Sorry Julia-"natigil uli si JD dahil muling hinarang ni Julia ang mga sasabihin neto.

"Hey, hey, don't feel sorry, wala yun, ano ka ba. I'm so happy for you, sige have to go."paalam ni Julia

Ngumiti si JD, at nagwave na lang kay Julia. Mabilis namang tumalikod si Julia at nagtungo sa restroom. Doon ay ibinuhos niya ang lahat ng galit at ang pag iyak niya.

Samantala, mabilis namang nagpunta sa private room ng mga GE si JD. Alam niya kasing nandoon pa si CK, kaya bago pa man makapasok sa unang subject nila ay dapat masabi na niya sa dalaga ang pakay niya.

He cleared first his throat saka kumatok ng marahan. Ilang sandali ay bumukas ang pinto.

"Um, JD, ang aga mo."bati ni CK sa kanya wearing her sweetest smile

"Ah, um queen! G-good morning!" Nagstutter pa si JD pagkasabi nun, halos malamukos pa niya ang dalang bulaklak sa likod niya. Pati yung mga lobong hawak niya ay talagang mahigpit na ang pagkakahawak niya sa mga tali nun paano ay sobrang kabado na niya.

"Oh, may sasabihin ka ba?"tanong ni CK sa binata

"Ah, o-oo eh!"kabado pa rin si JD

"Ano bang itinatago mo jan sa likod mo?"natatawang tanong ni CK yun, palibhasa nakita nya kasi ang ibang parte ng mga lobo at halatang halata naman iyon. Napakamot sa ulo si JD, at bahagyang namula ang pisngi.

"Come, halika pasok ka."yaya ni CK sa kanya. Sumunod na naglakad papasok sa private room si JD.

"Para sa akin ba yang mga yan?"nangingiting tanong ni CK sa binata

"Ah, ano, um...kwan."si JD

"Sus akin na."sabi naman ni CK sabay kuha sa mga dala ni JD, muli ay napakamot ng ulo si JD.

"Thanks. Anggaganda ng mga ito."dugtong pa ng dalaga.

Nakatitig lang si JD at tuwang tuwang pinagmamasdan ang dalaga sa ginagawa nito sa mga ibinigay niyang mga bulaklak at mga lobo.

Bahagyang natigilan si JD ng muli ay magsalita si CK.

"So, anong meron at binigyan mo ako neto?"tanong ng dalaga.

JD cleared his throat, hindi niya alam kung paano nya uumpisahang sabihin sa dalaga ang nararamdaman niya para rito.

"I- i don't know how and where to start queen, i- i guess, um lets just put it this way..."muli ay natigilan si JD

"Say it!" Ewan ni CK pero parang excited sya sa sasabihin ng binata sa kanya.

"Ano kasi Queen..."kabado pa rin si JD, buti na lang at nagsalita si CK

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

King and Queen of Gangsters (don't dare messing up with us)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon