TW - PART 14

127 4 0
                                    

"TOOO WISE"
by: jokerV part 14

Nasa labas ng bakuran si Jeongyeon dahil mahaba na ang mga DAHMO sa kanilang bakuran.

Jeongyeon: kailangang malinis ang bakuran namin para di lamukin si hunny..

Bigla niyang na realized na ilang buwan na lang pala at manganganak na si Nayeon.

Jeongyeon: malapit na din palang lumabas ang aming baby.. teka ano pala magiging baby namin lalaki ba o babae?

Maya-maya pa nakita siya ni Momo. Napansin ni Jeong na lumalapit si Momo sa kanya.

Momo: Jeongyeon-ah

Tawag ni Momo kay Jeongyeon, pero di niya pinapansin si Momo.

Momo: galit ka pa din ba sakin hanggang ngayon ?

Patuloy pa din sa pagtatanggal ng DAHMO (damo) si Jeongyeon.

Momo: malaki na tiyan ng asawa mo ah..lalaki ba o babae ?

Jeongyeon: wag mo muna akong kausapin Momo-ya

Momo: galit ka pa din

Umupo si Momo sa kabilang bakod ng bahay. Maya-maya pa at nagsalita si Jeongyeon.

Jeongyeon: nakapangasawa ka pala ng Koreano.

Sa wakas at kinausap din ni Jeong si Momo ng maayos..

Momo: Oo , napakabait niya at gwapo pa hehe.

Jeongyeon: di ko inexpect na makikita kita dito (patuloy pa din sa pagbubunot ng DAHMO) halos di na kita mamukhaan

Momo: Di ko din alam na dito ka pala nakatira.

Jeongyeon: yung habit mo nang kain ng kain di pa din nawawala.

Momo: iba mood ko pag may jokbal eh 😅. Pero Sinadya ko talagang pumasok sa bahay niyo para makita ko ang loob at makita ko din asawa at mga anak mo.

Jeongyeon: di ka pa din nagbabago.

Momo: Malaki ang pinagbago mo Jeongyeon-ah, dati parang di makita sa mukha mong ngumiti at puro kalokohan alam mong gawin. Mukhang tumino ka na ng naging kayo ni Im Nayeon. Nung tayo pa lagi ka na lang nasa bar.

Jeongyeon: hinaan mo lang boses mo !! pag narinig ka ng asawa ko. 😒 at anong tayo pinagsasabi mo ?

BackStory of Jeongyeon/Momo/Nayeon nung teenager palang sila:

Si Im Nayeon ang President ng student council sa JYP University. Isa siyang nerd kaya minsan nabubully. Sa kabilang banda naman si Momo Hirai ay isang exchange student galing ng Japan ang pamilya niya ay isang malaking gang sa Japan o Yakuza kung tawagin. Si Jeongyeon naman ay myembro ng isang fraternity sa kanilang school hindi lang myembro kundi leader. Isang araw nakaupo sa isang bench ang frat nina Jeongyeon at dumaan si Nayeon. Nang makita nila si Nayeon agad naman nilang inasar.

Student1: boss ayan na naman si President Im Nayeon

Tumingin naman si Jeongyeon para makita si Nayeon habang ngumunguya ng bubble gum. May mga bitbit siyang mga libro at papeles at patungo siya sa kanilang student council office. Maya-maya pa at nagtago sa dingding ang isang member ng gang ni Jeong at ginulat si Nayeon, nagulat siya at nagsikalat ang mga papel sa sahig. Nagtawanan naman ang mga ka gang member ni Jeongyeon habang tinititigan lamang ni Jeong si Nayeon na pinupulot ang mga libro at papel. Maya-maya pa at may lumapit kay Nayeon para tulungan siya.

Momo: okay ka lang ?

Tumingin si Nayeon kay Momo..

Nayeon: ahh.. Oo 😅

Tooo Wise (TWICE parody) tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon